“Our next game for today is called putukan ng lobo! Alam niyo ba yung pa-games kay Willie? Iyon nga! So bawat member ay mayroong lobo na hawak habang nakaupo sa kabilang side at ang unang player ay tatakbo papunta sa kanya upang paputukin iyon gamit ang p*wet. Kailangan niyong upuan iyon para pumutok. The faster team to do it will be the first place,” excited na sabi ng host. Inilabas ng staff ang dalawang upuan at ipinuwesto sa magkabilang side. Siguro ay ilang metro rin ang layo niyon sa isa’t-isa at kailangan talaga na mabilis kang tumakbo at magaling ka magpaputok. Ay nako, wala pa akong experience sa putukan na iyan pero I’ll do my best! Lalo na kung si Sir Jayden ang uupuan ko at puputukan ako. Sarap siguro sa feeling niyon! Nauna ang isang team sa amin at kami ay nanunuod sa kani

