Hindi ko napigilang sumimangot sa narinig ko sa kanya. Aba, hindi talaga uso rito kay Sir Jayden ang broken broken eh no? Hindi pa nga kami nakakauwi ng Abra, may boylet na pala agad! Hindi naman ako makakapayag niyan! Napansin kong natapos na ang tawag sa kausap niya kaya naman lumabas ako sa pinagtataguan ko at nagsalita. “Sir Jayden,” tawag ko rito. Halos mapatalon siya sa gulat. Napahawak siya sa kanyang dibdib at nang makita na ako pala iyon ay mabilis niya akong sinabunutan. Hindi naman iyon masakit pero ramdam mo ‘yung gigil sa pagkakahila niya ng mga ilang hibla ng buhok ko. Baklang bakla talaga! “My gosh, Tamara! Hihimatayin ako sa gulat dahil sa’yo! Kanina ka pa ba riyan!?” bwisit na sabi tanong nito. “Sapat lang para marinig kang may kalandiang iba. How dare you!” singhal

