Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinilabutan pagkakita ko kay Sir Jayden. He looked like something is different with him. The aura, the seriousness of his face, his overall look is not the same since the last time I saw him. Ganoon ba ang epekto noong huling pag-uusap namin? Ganito ba talaga kapag sinabi ko na sa sarili kong titigilan ko na siya? Pero bakit parang naging hot siya lalo tignan ngayon? Iba talaga ang effect niya sa akin ngayong kaharap ko siya. May something na hindi ko maipaliwanag. Siguro dahil talaga nasanay na ako na kasama ko siya at nakikita lagi. Dalawang buong araw ko kasi siyang hindi nakita kaya ganito ang nararamdaman ko kay bakla! “Ay ganoon po ba? Sobrang mahalaga nga siguro iyan kaya hindi ka nagbukas ng restobar. Wala ka bang assistant, Sir? Sayang naman

