“Himala, Tammy? Hindi ka ata natutulog ngayon?” kuryosong tanong ni Eva. Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko maitago ang excitement ko. Biyernes kasi ngayon at mamaya ay aalis na kami patungong Pagudpud. Halos hindi na nga ako makatulog kanina kaka-search kung ano ang madadatnan ko sa beach doon. Pictures pa lang ay sobrang ganda na talaga! Paano pa kaya kapag sa personal? Nako talaga, susulitin ko ang pagpunta ko doon lalo pa’t libre. Sir Jayden already assured us that all expenses will be on him. Siyempre naman ‘no, birthday niya iyon at siya ang nagplano magpunta sa Pagudpud. Ang gara niya naman kung sa bulsa namin galing ang gagastusin. Kung ganoon lang din ay huwag na lang! “Hindi ako inaantok eh. Saka bawal na ba akong maging gising ngayon? Parang sobrang kataka-taka kapag gising ako sa

