“Is everyone here? Wala na ba tayong hinihintay?” tanong ni Sir Jayden. Sumagot ang mga kasamahan ko at sinabing kumpleto na raw kami. Tumango si Sir Jayden at inilabas ang isang papel. “Now that we’re complete, I will be dividing you into two groups para makasakay na kayo sa van. After hearing your name, please proceed on the first van parked outside,” dagdag pa nito. Isa-isa niyang tinawag ang mga sasakay sa unang van. Tahimik kaming nakikinig sa bawat pangalan na sinasabi niya hanggang sa natapos iyon at nalagas na ang kalahati sa amin. Napalingon ako sa grupo nila Janna na tulad ko ay hindi pa natawag. Kapag minamalas ka nga naman oh. Si Sir Jayden ba ang nag-organize ng magkakasama sa van? Sinadya niya bang isama ako sa mga pangit? Nakakaloka naman! “For the second van… Janna…” I

