Kabanata 2

1325 Words
Umikot ang tingin ko sa paligid. Dito ako ibinaba ng taxi na sinakyan ko. Binigay ko sa kanya ang saktong address ng restobar ni Sir Jayden at hindi ko naman akalain na bongga pala iyon. Ang laki at mukhang mayayaman lang ang may kakayahang makapasok. Akala ko kasi ay cheap lang ang itsura nito at maliit. Wala pa kasi ako gaanong nakitang picture sa internet. Meron mang iilan ay napakalayo naman ng itsura sa personal. Mukhang maliit iyon sa picture kaya hindi ko inaasahan na ganito iyon kalaki. Huminga ako nang malalim at nagpasyang maglakad papunta sa entrance. Bumungad sa akin ang dalawang bouncer. Nakaramdam ako ng takot dahil sa pumuputok nilang muscles sa braso. Fitted pa man din ang itim nilang t-shirt kaya halatang-halata ang malalaki nilang katawan. Nakasuot pa sila ng itim na shades habang ang mga kamay ay naka-cross sa kanilang dibdib at matuwid na nakatayo. Kaagad nila akong hinarang. Napalunok ako at napaatras dahil sa matinding kaba. “Bawal ang minor dito,” wika ng isang bouncer. Lalo akong natakot nang marinig ang malalim na boses nito. Akala mo ay hinugot mula sa ilalam ng lupa ang boses! “Umuwi ka na,” dagdag pa ng isa. “Ay, mga kuya, hindi po ako minor. Nag-apply po ako dito bilang waitress at pinapapunta po ako ngayon ni Sir Jayden dahil magsisimula na raw po ako ngayong araw,” kinakabahan kong sabi. Kinuha ko pa ang ilang mga papeles bilang katibayan sa pag-a-apply ko ng trabaho dito. Tinitigan nila ang mga papel na hawak ko habang nakasuot ng shades. Hindi ko mapigilang mapangiwi dahil madilim na sa labas at itim pa ang suot nilang shades. Goodluck naman kung may mabasa sila riyan. “Saglit lang, itatawag ko kay boss. Mamaya ay scam ka eh,” sabi ng isa. Pigil na pigil ang pagsimangot ko. Kung hindi lang siguro sila nakakatakot ay baka kanina ko pa sila nilabanan. Palibhasa kasi ay isang pitik lang nila sa akin ay baka tumilapon ako kaya kailangan kong maging mabait. Kung dito ako mag-ta-trabaho, kailangan kong makisama sa kanilang dalawa palagi. Pambihira. “Hello, boss. May bata kasi dito na nagsasabing nag-apply raw siya bilang waitress. Pinapunta mo raw? Tamara Gallano ang pangalan,” malakas na sabi ng isang bouncer. Napatingin ako sa pinto. Salamin iyon. Kahit ang paligid ng restobar ay salamin pero wala akong makitang kahit na ano sa loob mula dito sa labas. Sadya ata iyon para maging pribado ang itsura ng loob. Lalo lang tuloy akong na-curious sa itsura. Bumalik ang atensyon ko sa bouncer nang ibinaba nito ang kanyang cellphone. Sinenyasan niya ang isa na pagbuksan ako ng pinto. Nakahinga ako nang maluwag at pilit na ngumiti sa kanila. “Dumiretso ka sa office ni boss. Itanong mo na lang sa mga waitress doon para malaman mo kung saan,” sabi ng bouncer na nagbukas sa akin ng pinto. Tumango ako sa mga ito at nagpasalamat bago tuluyang pumasok. Kaagad na bumungad sa akin ang malamig na hangin mula sa aircon. Alas-sais na at madilim na sa labas pero hindi iyon halata pagkapasok sa loob. Maliwanag ang paligid at napakarami kong nakikitang ilaw sa kisame. Amoy na amoy ko ang mga bagong gamit. Halos nakakaadik ang amoy niyon na humalo na sa mismong pabango ng restobar. Lumapit ako sa isang babaeng nagpupunas ng lamesa. Nang makita niya ako ay ngumiti ito sa akin. “Good evening, Ma’am. How may I help you?” saad nito. Ay bongga. Englishera ang mga waitress dito? “Saan ang office ni Sir Jayden?” tanong ko sa babae. Bigla itong nagtaka. “What for, Ma’am? Private po kasi ang office ni Sir Jayden kaya hindi po pwedeng pumunta room kapag walang abiso mula sa kanya,” mahinahong sabi nito. “Ah, hindi. He’s actually expecting for me. Nag-apply kasi ako bilang waitress at pinapapunta niya ako dito ngayon.” I saw her loosened up a bit. “Nako, sis. Bakit hindi mo naman kaagad sinabi? Halika at ihahatid kita doon,” naiiling na sabi nito. Kinuha niya ang tray sa lamesa at dinala iyon papunta sa gilid kung saan nakalagay ang mga gamit na tray. Maya-maya ay bumalik siya sa akin at hinawakan sa braso. Hinigit niya ako papunta sa opisina ni Sir Jayden. Hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko nang tumigil kami sa tapat ng isang pinto. Feeling close naman nitong babaeng ito. Tinatanong ko lang kung saan ang office ni Sir Jayden eh. “Katok ka na lang diyan, sis. Goodluck sa’yo!” maligayang sabi nito bago niya ako tuluyang iniwan. Inayos ko ang sarili ko bago ako kumatok sa pinto. Mula sa tawag niya sa akin kaninang umaga ay napansin ko na kaagad ang pagiging bakla nito kaya kailangan kong magmukhang presentable sa harap niya. Mamaya ay kilitisin niya ako nang maigi at may mapuna siya sa akin tapos ay magbago pa ang isip niya sa pagtanggap sa akin. Sinilip ko ang oras. Mabuti na lang at inagahan ko ang pagpunta kaya naman ngayong nasa tapat ako ng pinto ay saktong-sakto pa ako sa oras. Tumikhim ako bago tuluyang kumatok sa pinto. Nakatatlong katok ata ako bago ko narinig ang pamilyar na boses ni Sir Jayden. “Come in,” sagot nito. Pinihit ko ang door knob at pumasok doon. Tumama sa aking balat ang mas malamig na office ni Sir Jayden. Malamig na sa labas pero mas grabe pa rito. Umangat ang tingin ni Sir Jayden sa akin. Nakasuot ito ng salamin habang may hawak na mga papel. Bahagya niyang hinawakan at niluwagan ang pagkakasuot ng salamin niya saka unti-unting umangat ang isang kilay. Muli ay kinabahan ako nang makita ko ang pagtingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. “Miss, waitress ang pinag-apply-an mo dito ha? Hindi katulong. Mukha kang muchacha,” maarteng sabi nito. Halos mapapikit ako. Kay gandang lalaki pero nang magsalita ay mas babae pa sa akin! Pambihira. Hindi ko inaakalang manghihinayang ako ha. Sayang ang lahi niya! Bakit kung sino pa ang mga gwapo, sila pa ang bakla? Samantalang ang mga walang kwenta kong ex na manloloko ay napakapangit naman! Ang titibay ng mukha mambabae ng mga hayop na iyon. Mukha namang mga unggoy. He snapped his fingers infront of me. Kaagad din itong umirap nang makita akong nakatulala sa kanya. “Miss, alam kong maganda ako. Mas maganda pa sa’yo kaya huwag kang matulala sa akin. Mabuti na lang talaga at may uniform ang waitress dito dahil baka isipin ng customers ko, janitress ka.” He seemed irritated. Bumaba ang tingin ko sa aking suot. Okay naman ah. Maayos naman ang suot ko. Ang arte ng baklang ito. Makapang-insulto akala mo ay siya ang nagpapalamon sa akin! Pasalamat siya at boss ko siya kundi kanina ko pa siya binigwasan. Tumayo siya at may kinuha sa isang locker sa dulo ng kanyang office. Narinig ko ang tunog ng mga plastic mula doon sa locker. Napatayo ako nang tuwid nang bumaling siyang muli sa akin. Pagkatapos ay may kinuha na siyang damit na nakabalot at nilagay sa kanyang lamesa. “That’s your uniform. Ngayong wala ka pang pasok sa school ay mag-straight duty ka muna. Hanggang closing ka pero once na may pasok ka na, tell it to me so we can adjust your working schedule here. Your salary will be calculated per hour. One-fifty per hour plus allowances. Do you understand?” seryosong sabi nito. Mabilis akong tumango. Halos magningning ang mata ko sa sinabi nitong sahod ko. Ang laki! Big time ata talaga itong napasukan ko. Mukhang makakatanggap ng maraming kiss sa akin si Shienel kapag nagkita kami. Naupo na siyang muli at nag-asikaso ng mga papel. Maya-maya ay napaangat muli ang tingin niya sa akin. Nananatili akong nakatayo doon dahil akala ko may sasabihin pa siya. “Ano pang tinatayo-tayo mo riyan? Magpalit ka na at magsimula sa trabaho. Lumayas ka na sa harapan ko dahil naaasiwa ako sa itsura mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD