Kabanata 116

1266 Words

Pagkagising ko pa lang ay hindi ko na napigilang maging emosyonal. Ito na ‘yun. Matagal-tagal ko rin itong hinintay. Ilang beses pa akong na-hopia bago kami makarating sa puntong ito ni Gael. Masasabi kong hindi naging madali ang relasyon namin mula pa noong umpisa. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya. May iilang away at tampuhan din pero hindi naman iyon mawawala. Ang mahalaga ay nalampasan namin ang mga iyon at heto kami ngayon, susumpa na sa habangbuhay na kalampagan… este pangako sa harap ni Lord. “Tamara, anak, mag-almusal ka na muna para makainom ka ng vitamins mo. Maya-maya ay pupunta na tayong Tagaytay. Pwede ka pang matulog doon,” wika ni Nanay. Naka-ready na ang lahat ng gamit namin para sa pagpunta namin sa Tagaytay. Dapat ay kahapon pa ang biyahe namin doon nila Nanay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD