CHAPTER 3

1193 Words
Diyosa POV Nang marinig ko ang sinabi ni Mommy at Daddy, parang bumagsak ang buong mundo ko. Pakakasalan ako kay Felix Jose? Ang unico hijo ng pamilya Jose? Kilala ko siya-si Felix, na 30 anyos na at mayabang, na para bang lahat ng tao ay nasa ilalim ng kanyang mga paa. Sobrang mayaman din nila, pero hindi ko nakikitang dahilan iyon para magustuhan ko siya. Pilit kong pinigilan ang mga luha, ngunit hindi ko na rin kinaya. Hinarap ko si Daddy, ang galit at hinanakit ay bakas sa bawat salita ko. "Daddy, hindi ako isang bagay na pwedeng ihalal para lang sa negosyo ninyo! Felix? Hindi ko siya gusto! Ni hindi ko siya mahal!" Tumaas ang kilay ni Mommy, ang malamig na tingin niya ay parang nagsasabing wala akong karapatang magreklamo. "Diyosa, you don't understand. This is about our family. Felix may not be the best man, but he's wealthy and powerful. With him as your husband, magiging mas matatag ang ating negosyo at pangalan." Hindi ko mapigilang mapailing. "But, Mommy, hindi ako ang negosyo ninyo! This isn't fair. Ayoko maging bahagi ng buhay ni Felix. Wala siyang respeto sa kahit sino! He's arrogant and... just plain selfish!" Napatingin si Daddy sa akin nang seryoso, tila nababahala sa mga sinasabi ko. "Diyosa, stop being childish. This isn't a fairytale. Life is about responsibilities, at ikaw bilang anak namin, isa ka sa pinakamahalagang bahagi ng mga plano namin. Kasama si Felix, makakabuti sa iyo, sa atin, at sa hinaharap ng ating pamilya." Patuloy akong natitigilan sa mga sinasabi nila. Para bang lahat ng naririnig ko ay hindi totoo. Kahit ano pang sabihin ko, parang wala silang naririnig kundi ang sarili nilang mga plano. Parang wala akong halaga, na para bang ang tanging silbi ko lang ay ang sundin ang gusto nila. "Hindi niyo ba ako nakikita, Mommy, Daddy? Ayoko kay Felix. Ayoko ng ganitong buhay! I deserve to marry someone I love, someone who respects me for who I am, hindi dahil sa may makukuha siya sa akin." Naramdaman ko ang mga luha na nagsimulang bumagsak mula sa mga mata ko, ngunit hindi ko na hinayaan pang pigilan ang mga ito. Tumalikod ako at tumakbo patungo sa aking silid, hindi ko na kayang manatili pa sa kanilang harapan. Sa pagdating ko sa aking silid, nag-iisa akong lumuluha, at naramdaman ko ang pagbigat ng aking dibdib. Bakit ganito? Bakit tila wala silang pakialam sa nararamdaman ko? Mula pagkabata, sinanay ako sa mga asal ng mayayaman, pinalaki sa mahigpit na patnubay, ngunit ngayon, gusto na rin nilang ipagkait sa akin ang kalayaang magmahal? Para bang napakaraming tanong sa isipan ko. Minsan naiisip ko, mahal ba talaga nila ako, o mahal lang nila ang ideya na magkaroon ng anak na magpapatuloy sa pangalan at yaman ng pamilya? Nang naramdaman kong unti-unti nang bumababa ang emosyon ko, may kumatok sa pintuan. "Señorita Diyosa?" tinig iyon ni Aling Letty, ang aming matagal nang kasambahay. Puno pa rin ng luhang lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Naroon si Aling Letty, dala ang kanyang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Señorita, ayos ka lang ba? Narinig ko ang usapan ninyo kanina ng mga magulang mo..." Napayuko ako, at marahang tumango. "Hindi, Aling Letty. Hindi ako okay. Gusto nila akong ipakasal kay Felix Jose, isang taong hindi ko mahal at hindi ko kayang mahalin." Malumanay niyang hinawakan ang aking balikat, na tila pinapakalma ako sa kanyang presensya. "Mahal na mahal ka ng mga magulang mo, Señorita. Ngunit minsan, masyado silang nakatuon sa mga bagay na sa tingin nila'y makabubuti sa iyo, pero hindi nila nauunawaan kung ano ang makapagpapasaya sa iyo." Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko alam, Aling Letty. Para bang kahit ano ang sabihin ko, hindi sila makikinig. Gusto ko ng tunay na pagmamahal. Ayokong ipagkait ang kaligayahan ko para lang sa mga plano nila." Isang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin. Nag-isip si Aling Letty at saka nagsalita, "Minsan, Señorita, kailangan mong tumayo sa sarili mong mga paa. Kung talagang hindi mo gusto ang plano nila para sa iyo, baka kailangan mo itong ipakita sa kanila nang mas matatag." Napatingin ako kay Aling Letty, at sa simpleng payo niya, unti-unti kong naramdaman ang pag-igting ng loob ko. Oo, hindi ako dapat maging sunud-sunuran lamang. Ako si Diyosa Maligaya. Kung hindi ko ipaglalaban ang sarili kong kaligayahan, sino ang gagawa nito para sa akin? Kinabukasan, maagang bumangon ako at nagpunta sa hardin, sa lugar kung saan ko palaging nararamdaman ang tunay kong sarili. Nandun si Ris, abala sa pag- aalaga ng mga halaman. Nang makita niya ako, ngumiti siya at lumapit. "Good morning, Señorita Diyosa. You look... troubled," sambit niya habang tinitingnan ako. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa kanya, nararamdaman ang init sa bawat titig niya. "Ris, my parents... they're forcing me to marry someone. Someone I don't even love." Nagulat si Ris, ngunit may pagkaunawa sa kanyang mga mata. "Why would they do that to you, Señorita? You deserve to choose your own happiness." Nagulat ako sa mga salita niya, ngunit napagtanto kong totoo ang kanyang sinasabi. "Exactly. And yet... here I am, helpless. I don't know what to do, Ris." Hındı sıya nagdalawang-isip na kunin ang kamay ko at hawakan iyon nang mahigpit. "Diyosa, you're strong. I've seen it in you. You're not helpless. You just need to believe that you can change things, that you can fight for what you want." Napatingin ako sa kanya, ramdam ang lakas ng kanyang mga salita. "Thank you, Ris. I don't know what I'd do without you." Tinitigan niya ako, at tila may nais siyang sabihin, ngunit hindi niya ito kayang bigkasin. Sa kabila ng mga alingawngaw ng aking mga magulang at ang kanilang mga plano, sa piling ni Ris, nakaramdam ako ng kapayapaan at lakas. Kinagabihan, muling kinausap ako ng aking mga magulang sa kanilang opisina. Nagmamatyag sila, at ako nama'y buong lakas ng loob na hinarap sila. "Mommy, Daddy, I don't agree with this marriage. Hindi ko mahal si Felix, at alam niyong hindi magiging masaya ang buhay ko kung itutuloy ito. Please... give me the chance to find someone I truly love," sabi ko, pilit na pinipigilan ang mga luha sa aking mga mata. Nagtama ang mga mata ni Mommy at Daddy, halatang nagulat sila sa aking pagtutol. Ngunit sa halip na maawa o makinig, naging mas matigas pa sila. "Diyosa," sabi ni Daddy, ang malamig niyang boses ay bumalot sa buong silid, "this is for the best. Hindi mo pa alam ang mga bagay na maaaring magbago sa buhay mo, pero kapag natutunan mo nang yakapin ang mga plano namin, you'll thank us." Hindi ko kayang paniwalaan ang kanilang kawalan ng pag-unawa. Ang sarili kong mga magulang, na ang tanging iniisip ay ang kanilang kapakanan. Napailing ako, at sa huling pagkakataon, sinabi ko, "Kung talagang mahal niyo ako, pakikinggan niyo ako. Hahayaan niyo akong magdesisyon para sa sarili kong kaligayahan." Tumalikod ako at mabilis na lumabas ng silid, tuluyan nang nawalan ng pag-asa sa kanilang pang-unawa. Habang naglalakad ako pabalik sa aking silid, nagpasya akong hindi susuko. Alam kong may laban pa, at gagawin ko ang lahat para makamit ang kalayaang pinapangarap ko-ang kalayaang magmahal nang tunay at malaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD