Tumahimik ang media tungkol sa nangyari sa akin noong nakaraang linggo. Ni walang nagtatanong sa aking interviewer about sa pagbato sa akin ng itlog. Wala na rin ang mga toxic fans nina Ethyl at Jake. Parang bumalik sa dati ang normal. Parang walang nangyari sa akin noon. Bumuntong-hininga ako habang titig na titig sa aking repleksiyon. Isang buwan na rin buhat no'ng umalis ako sa resort. Nilunod ko ang aking sarili sa trabaho upang malimutan siya at nagtagumpay naman ako. Nawawala siya sa isip ko sa tuwing nasa stage ako at sa tuwing nagsh-shoot ako. Ngunit may parte sa akin na umaasang...makikita ko siya rito. Ayokong lokohin ang sarili ko ngunit umaasa ako na kahit isang beses man lang ay sundan niya ako at magpaliwanag o magkaroon man lang ng closure sa aming dalawa. After all may

