Halos mapahilot ako sa aking sintido habang nakaupo sa aking upuan. Nakatingin sa mga nagdadamihang mga bulaklak. Akala ko nalimutan na ng secret admirer ko na padalhan ako ng bulaklak dahil lampas isang buwan na siyang hindi nagpaparamdam ngunit ano na naman 'to?! Kagagaling ko lang sa shooting namin. Kaya sobrang pagod ako! "Akala ko wala nang dadating na mga flower para sa'yo," habang inaamoy ng hair stylist ko ang kinuhang bulaklak mula roon. Kaniya-kaniya na ring nagsisikuhaan ang iba pa. Hinayaan ko lamang sila dahil hindi ko naman kayang bitbitin ang lahat ng iyan at wala na rin akong plano pang iuwi ang mga bulaklak. Ako ang napapagod sa admirer ko na iyon. "Kaya nga, e. Akala ko rin. Hindi na 'yon nagpapadala buhat lang noong umalis ka. Naamoy niya yata na dumating ka na, ka

