Tahimik ang buong byahe. Nakatitig ako sa kawalan habang malalim ang iniisip. Nanlulumo ang aking pakiramdam. Ni hindi ko kayang harapin sila ngayon. Hindi ko pa rin sila kayang sundin kung ayaw man nila sa aking gusto ngunit...hindi ibig sabihin noon ay itatakwil ko rin sila bilang magulang. Gusto ko lang patunayan noon na kaya ko. Gusto ko lang ipakita noon na may mararating ako sa aking nais. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sariling nagbabadya na namang umiyak. Tama naman ang pinili ko, hindi ba? Ginawa ko lang naman iyon dahil iyon ang gusto ng puso ko. Nagpakahirap ako para lang maabot iyon. Wala akong pakialam noon kahit magalit sila sa akin dahil ang tanging iniisip ko lang noong umalis ako sa aming tahanan ay makakamit ko ang aking pangarap. Umayos ako nang upo. B

