"Thank you for taking care of my Alyzza Hope, Manang Betta," si Mommy habang nakikipag-shake hand kay Manang Betta. Nakaupo ako ngayon sa gitna ng aking mga magulang. Si Manang Betta naman ay nakaupo sa tabi ng aming sofa. Katabi niya si Manong Ben. Halata pa rin sa mukha nila ang pagkagulat. Hindi kasi nila alam kung may magulang pa ako noon o wala dahil wala naman akong binabanggit na kahit ano sa kanila. Siguro ay kanina pa sila nakarating sa pamamahay ko kaya magkakilala na sila. Malaki ang aking ngiti. Hindi ko mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon habang nakakapit sa magkabilang braso ng magulang ko. Halos hindi ako makaalis sa kanilang tabi. Hindi pa rin makapaniwala na katabi ko sila ngayon. "Hija, hindi ka ba magbibihis?" Ngumuso ako saka tumingin sa aking damit. In

