Napabuga ako ng hangin habang nakasandal ang likod sa mahabang sofa. Malakas ang tugtog ng musika. Medyo madilim kung saan ako nakaupo ngayon. Wala akong planong sumayaw sa gitna ng mga taong nagkakasiyahan. Gusto ko lang ay uminom ng alak habang nag-iisip. Dalawang araw mula noong bumisita ang mga magulang ko sa aking bahay. Hanggang ngayon tumatak pa rin ang sinabi nila sa akin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapagdesisiyon. Gusto kong...ayawan sila. "Hope, what's the matter? Wala ka na naman ba sa mood?" Napaayos ako nang upo nang lumapit sa akin si Brian. May hawak itong alak, galing sa gitna ng dance floor. Sumulyap siya sa boyfriend niya na kasayaw niya lagi at sumenyas na babalik siya roon. "No. Nag-e-enjoy ako rito." Ngumiti ako sa kaniya. I'm the one who invited them n

