Chapter 51

1528 Words

Sumasabay sa malakas na musika ang aking balakang habang nakatingala at nakataas ang dalawang kamay. Nakahihilo ang iba't ibang kulay ng mga ilaw. Idagdag pa ang napakaraming tao na nakapalibot sa akin. May kaniya kaniyang mundo ang bawat isa. Ang iba ay natutumba sa pagsasayaw sa sobrang lasing. Itinagilid ko ang aking ulo, malaki ang ngiti habang nakapikit ang mga mata. Umiikot ang aking mundo sa tuwing ginagalaw ko ang aking ulo ngunit hindi ito naging dahilan upang itigil ko ang pagsasayaw sa gitna ng dance floor. Marami ang aking nainom kanina. Sinadya ko talaga iyon upang kahit saglit ay malimutan ko ang aking problema. Kahit sa gabing ito ay hindi ko muna maalala ang sinabi sa akin ng aking mga magulang bago sila umalis sa aking bahay. Ibinaba ko ang aking kamay nang dahan-dah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD