Mahina akong napaungol nang maramdaman ang paggapang ng isang kamay sa aking baywang. Tuluyan nang bumagsak ang talukap ng aking mga mata. Parang kalahating gising at kalahating tulog ang aking katawan sa sobrang kalasingan. Gusto kong sumuka ngunit ayaw lumabas. Nilagay nang kung sino ang aking kamay sa balikat nito saka medyo hinigit. Wala akong magawa kun'di magpatianod. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng lalaking kasama ko ngayon. Wala akong lakas para tanungin siya o tingnan kung nasaan kami. Ramdam ang paghawak nito sa likod ng aking tuhod. Nananatiling nakapalibot ang braso sa baywang ko. Napasandal ang aking likod sa matigas niyang dibdib nang inangat niya ako. Rinig ang pagsarado ng pinto ng sasakyan. Naglakad siya. Pilit ko namang binubuksan ang aking mga mata ngunit ani

