Suot ang crop top v-neck and ripped jeans pants with a pair of white high hills habang naglalakad ako papunta sa paborito kong salon. Nakasunod sa akin ang aking mga bodyguard. Taas-noo at diretso ang aking tingin sa daan. Napapalingon sa akin ang lahat ng nakakasalubong ko.
Nagkukumahog nilang kinuha ang kanilang cellphone at kinuhanan ako. Nakasuot din ako ng shade kaya hindi nila nakikita ang aking pag-irap sa kanila.
Pinagbuksan ako ng pinto ng aking bodyguard. Sabay-sabay silang nagsilingunan sa akin. Nalaglag ang panga ng iba. Ang iba naman ay nanatili lamang nakatuala sa aking mukha.
Hinawa ko ang aking buhok saka naglakad papasok. Agad naman akong nilapit ng kilala ko ng hair stylist.
Malaki ang ngiti nito sa akin. "Good morning, Ma'am Hope."
Isang beses lamang akong tumango sa kaniya. Ipinalibot ang tingin sa buong paligid saka inalis ang shade. Inabot ko ito sa aking bodyguard na agad naman nitong kinuha.
Lahat sila nanonood sa bawat kilos ko. Pasimple naman akong kinukuhanan ng picture ang ibang nandito. Nagningning sa paghanga ang mata ng ibang mga babae.
"Magpapa-trim lang ako," sabi ko. Ibinalik ang mata ko sa aking kaharap.
Lumaki ang kaniyang ngiti saka nilahad ang kamay sa daan. "Dito po tayo, ma'am."
Sumunod ako sa kan'ya. Nasa akin pa rin ang kanilang titig. Hindi naman umalis ang mga bodyguard ko sa tabi ng pinto.
Umupo ako sa upuan. Kinuha ang cellphone at hindi pinansin ang mga mata nila. Gusto ko lang bawasan ang aking buhok dahil trip ko lang. Ayaw ko kasing putulan ito hanggang sa aking balikat kahit alam ko namang bagay sa akin kahit anong style ng buhok.
"Kumusta naman po ang career, Ma'am Hope?" pagkausap sa akin nito.
"Ayos lang."
Patuloy lamang ako sa paglalaro sa aking cellphone. Wala akong planong makipag-usap sa kan'ya dahil gusto ko lang naman mag-relax at mukhang medyo hindi iyon gumana dahil sa mga taong nanatili pa rin sa akin ang tingin. Hindi ba nila alam na ang ingay ng bulungan nila?
Tumingin ako sa salamin upang tingnan ang dalawang babae na mahinang naghahagikgikan sa aking likod habang nakatingin sa kanilang cellphone. Mabilis na umayos sila ng upo saka binaba ang cellphone nang makita ang aking tingin.
Naiinis ko namang binalik ang aking tingin sa cellphone ko. Pinapanood ba nila ang video ko? Hindi pa ba inaayos ng manager ko 'yon?
Agad akong nag-text kay Brian tungkol sa video. Bumili ako kanina ng sim. Sana naman walang tumawag ulit sa aking stalker na feeling famous.
"Grabe 'yong ginawa nila sa'yo, 'no, Ma'am Hope?"
Inangat ko ang aking mata sa hair stylist nang magsalita ito. Pilit akong ngumiti sa kaniya. Hindi niya 'ata nahalata na ayaw ko ng kausap ngayon ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita.
"Nakaiinis talaga 'yang fans ni Ma'am Ethyl at Sir Jake. Medyo toxic na kaya ayoko sa fandom nila, e. Napaka-harsh parang aagawin lagi si Sir Jake."
I giggled. Totoo na ang pagtawa ko dahil sa kaniyang sinabi tungkol sa fandom nina Jake.
"First time na nangyari sa akin iyon pero ayos na ako."
Tumango siya habang maingat na ginugupitan ang dulo ng aking buhok. Ibinalik ko naman ang aking cellphone ngunit napatingin ako sa pinto ng salon na ito nang makita kung sinong babae ang nagbubukas ng pinto.
Nagtama ang aming paningin. Mabilis na tinaasan niya ako ng kilay habang pekeng nakangiti. Nakatingin din sa kan'ya ang lahat ng tao rito.
"Hi! Ang dami niyo namang customer," si Ethyl sabay baling ng tingin sa akin.
Inirapan ko ito saka muling tumingin sa aking cellphone. Nakita iyon ng mga tao rito ngunit naiinis talaga ako. 'Di ba, kailangan kong mag-relax ngayon? Ayaw talaga yatang bigyan ako ng rest day ng tadhana at dito pa talaga dinala ang bwisit na Ethyl na ito.
Siguro magpapalinis siya ng mukha. Para naman umayos ang ngiti niyang napakapeke!
Kita sa gilid ng aking mata ang pag-upo ni Ethyl sa tabi ng upuan ko. Humigpit naman ang pagkakapit ko sa aking cellphone ngunit hindi ko pinahalata na napansin ko siya. Tumahik ang loob ng salon na ito. Ramdam ang titig sa aming dalawa ng mga ito.
Mahinang tumikhim ang naggugupit ng aking buhok. Siguro'y nahalata na ang pagkulo ng aking dugo. Sa malayo pa lang naiinis na ako sa mukha ni Ethyl tapos lumapit pa siya sa akin!
Nasaan ang rest day ko?!
Tahimik lamang akong naglalaro ngunit wala sa cellphone ko ang aking attention. Nagngingitngit ang aking ngipin na nang mapansin ang kanina pang pasulyap-sulyap sa akin ni Ethyl. Ano bang gusto ng isang 'to? Kausapin ko siya? As if naman!
"How's your chest, Hope? Nasaktan ka ba no'n?" aniya na tunog concern. Ngunit hindi nakatakas sa aking pandinig ang nanglalait sa tono ng kaniyang pananalita. Malaki ang ngiti niya sa aking tabi. Nakatingin na ngayon sa repleksyon ko sa salamin. Hindi ako umimik, nakatingin pa rin sa aking cellphone. "I'm sorry sa mga nagawa ng fans ko. Alam mo na...ayaw kasi nila na may third party sa amin ni Jake."
Mahina lang ang pagkakasabi niya no'n kaya kami lang dalawa ang nakaririnig maliban na lamang sa dalawang baklang nag-aayos ng buhok namin. Tahimik lamang ang mga ito ngunit alam kong malaki na ngayon ang dalawa nilang tainga dahil sa sinabi ni Ethyl.
Pinatay ko ang cellphone ko saka ibinaba ito sa aking hita. Lumingon ako sa kan'ya. Nakapaskil pa rin ang ngiti sa labi nito dahilan kung bakit mas lalo akong nainis.
Ngumiti ako ngunit hindi abot iyon sa aking tainga. "How so? Hindi ba dapat kay Jake mo 'yan sinasabi?"
Kita ang unti-unting paglaho ng kaniyang ngiti na aking ikinangisi. Napaayos siya ng upo saka pasimpleng tumingin sa hair stylist namin. Siya ang unang kumausap sa akin kaya magtiis siya!
"Tell your so called boyfriend na tigilan ang paglapit sa akin para naman hindi kami magka-issue. At kung maaari lang itali mo siya sa baywang mo para hindi na makawala. Sama mo na rin ang fans mo."
Namutla ang kaniyang mukha. Hindi yata inaasahan ang pagsumbat ko sa kaniya at sa mga bulgar kong sinabi. Ayoko ng lumaki ang gulo ngunit gusto niya e!
Isang beses siyang lumunok. Lumaki ang ngisi ko saka pairap na inalis ang paningin ko sa kan'ya. Inayos ko ang aking buhok habang nakatingin sa aking repleksiyon. Hindi ko namalayan na tapos na pala ako.
"Aalis na ako," paalam ko kay Ethyl. Nakangiti na ngayon ako nang malaki dahil nakatingin na ulit sa amin ang mga tao na nakikipagtsismisan sa amin. "Para naman mabawasan ang customer dito."
Naglakad ako saka ibinigay ang aking card upang magbayad. Matalim na nakatingin naman sa akin si Ethyl. Hindi naman naalis ang ngiti ko at mas lalo pang natuwa. Kung maghahanap kasi ng away, siguraduhin may baong pangbara sa kalaban.
"Thank you, Ma'am Hope. Come back again. Ang galing niyo po kanina, ha. Kaya idol ko kayo, eh," aniya, binulong ang huling dalawang pangungusap sa akin.
Kumindat lang ako sa kaniya saka naglakad palapit ng pinto. Ayos lang pala na lumapit sa akin si Ethyl pakiramdam ko nakabawi ako sa ginawa ng fans niya sa akin.
Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang pagmumukha ni Jake. Napatigil ito sa b****a ng pinto nang makita rin ako. Nalaglag ang kaniyang panga habang titig na titig sa akin. Mahinang napasinghap ang lahat ng tao rito.
Napalingon naman si Ethyl. Busangot na ang mukha at mukhang gustong higitin si Jake palapit sa kaniya. Susko! Hindi lang naman si Jake ang nakita kong guwapo sa mundo, 'no! Ang iba ay parang hindi kapani-paniwala nga ang taglay nilang kaguwapuhan, e. Lalo na sa ibang bansa, nagkalat talaga do'n ang mga guwapo. Tss!