Ni paghinga nang mga tao ay hindi nila magawa habang pabalik-balik ang tingin sa aming tatlo ni Jake at Ethyl. Hindi pa rin kumikibo sa kaniyang kinatatayuan si Jake. Nakatulala siya hanggang ngayon sa akin. Alam ko namang maganda ako, mapa-tv man o personal, e.
Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. Tiningnan mula ulo hanggang paa saka umismid. Humakbang ako saka naglakad palapit kay Jake dahil nando'n ang pinto ng salon.
Agad siyang napaayos nang tayo. Hindi inaalis ang paningin sa 'kin. Kita ang paggalaw ng kaniyang adam's apple saka tiningnan ang aking kabuuan. Muli niyang ibinalik sa akin ang tingin, medyo nakabuka na ngayon ang kaniyang bibig.
Nakasunod naman ang tingin ng lahat sa akin. Parang nasa sinehan lamang sila at nanonood about sa love triangle ngayon. Like iw! Love triangle?! Gusto ni Ethyl si Jake at gusto naman ni Jake, ako! Pero ako?! Yuck! No! Wala akong gusto kahit sinong nilalang, 'no!
Tumigil ako sa harapan ni Jake. Mariin ang kaniyang titig sa aking mga mata. Matapang naman akong nakatingin sa kaniya. Kita sa gilid ng aking mata ang pag-angat ng isang babae ng cellphone sa amin. Lihim niya kaming kinukuhanan ng picture.
Bahagya akong lumingon sa babae. Mabilis niya itong binaba saka kinakabahang napaayos ng upo. Inirapan ko ito saka tumingin muli kay Jake.
"Baka gusto mo akong padaanin?" saad ko.
Napakurap-kurap ito at mabilis na itinikom ang bibig. Ang babaeng nasa gilid namin ay napalingon kung saan ako nakaupo kanina. Isang sulyap din ang ginawa ni Jake sa aking likuran saka mabilis na tumingin ulit sa akin.
"Jake, nandito ka na pala," si Ethyl habang palapit sa akin.
Napairap naman ako sa hangin. Kanina pa nandito si Jake. Ilang minuto na yata ang nakalipas tapos ngayon lang siya nagsalita. Gusto pa yata ng attention ni Ethyl para mapatunayan na ako na naman ang third party sa love team nila.
Tumingin muli si Jake kay Ethyl. Tipid na ngumiti siya saka isang beses na tumango. Hakata sa kan'ya na gusto niya akong kausapin ngunit dahil maraming tao ang nakapaligid sa amin mas pinili niya na lang na tumahimik.
As if naman na gusto ko ring makipag-usap sa kaniya. Dagdag stress lang siya ng araw ko.
Nang makalapit si Ethyl kay Jake ay mabilis nitong ipinulupot na parang ahas ang kaniyang braso. Mabilis na dumaan ang matalim niyang mata nang tumingin sa akin. Nawala rin agad iyon.
Matamis na ang kaniyang ngiti. Mas nilapit pa ang kaniyang sarili kay Jake. Kulang na lang ipahawak niya kay Jake ang kan'yang dibdib.
Napailing na lamang ako saka nagpatuloy sa paglalakad palabas nitong salon.
"Ho—"
"Tara na, Jake. Salamat sa pagsundo sa akin, ha?"
Rinig kong pagputol ni Ethyl kay Jake nang akmang tatawagin niya ako.
Hinawi ko naman ang aking buhok. Nilahad ang kamay sa bodyguard ko. Binigay niya sa akin ang aking salmain. Isinuot ko iyon habang diretso at taas-noong nakatingin sa daan.
Kaya nga nag-rest day ako para mawala ang stress pero mukhang nadagdagan lalo iyon dahil nakita ko ang pagmumukha nilang dalawa. Kailangan ko na talagang magbakasiyon sa malayo. Siguro naman hindi na kami magkikita kapag nasa malayo ako.
"Hindi na po ba kayo magsh-shopping, Ma'am Hope?" anang bodyguard ko.
"Hindi na. Nawalan na ako ng gana." Bumusangot ang aking mukha saka bumuntong-hininga. Gusto kong bumili ng mga branded na sandals, bags, and dress pero dahil sa nangyari kanina tinamad na ako. Gusto ko na lang umuwi at tumulala sa aking magandang kuwarto. Mas mabuti pa nga ang kuwarto ko may silbing tingnan, hindi katulad ni Ethyl na nakakawalang gana ang pagmumukha!
Tumingin sa kaniyang relo sa bisig ang nasa kaliwa kong bodyguard saka lumingon sa akin. "Kakain po ba kayo sa restaurant, Ma'am Hope? Malapit na pong magtanghali."
Humalukipkip ako.
Nasa tabi ko lang silang dalawa. Ang dalawa naman ay nasa unahan at likuran ko. Diretso lamang ang kanilang tingin. Minsan nila ako kinakausap kapag kailangan talaga.
Tumango ako. Hindi nagbago ang aking mukha kahit ramdam ko na ngayon ang pagkulo ng aking tiyan.
Binuksan ng nasa unahan kong bodyguard ang pinto. Ang nasa gilid ko naman ay huminto saka humarap sa mga taong kinukuhanan pa ako upang batayan. Agad namang umikot sa kabilang sasakyan ang nasa huli kong bodyguard saka binuksan ang pinto at pumasok sa loob.
Inalalayan ako ng bodyguard kong pumasok ngunit ipapatong ko pa lang ang aking paa sa sahig ng sasakyan ko nang may tumawag sa akin.
"Hope!"
Ibinababa ko ang aking paa saka lumingon kay Jake na tumatakbo palapit sa akin. Hinihingal ito at mukhang kanina pa kami hinahabol upang maabutan.
Mataray ang mukha kong inalis ang aking salamin. "Why?"
Tumingin siya sa mga bodyguard ko. Hindi sila umalis sa kanilang kinatatayuan habang nakamasid sa mga nakikiusyusong mga tao.
"I heard what happened to you. Okay ka lang ba? I'm really sorry sa mga ginawa ng fans ko."
"Humihinga pa naman ako. Natapunan lang naman ako ng itlog kaya hindi ko iyon ikamamatay."
Matagal siyang tumitig sa akin. Bakas ang kaniyang pag-aalala sa mukha dahilan ng pag-irap ko sa kan'ya.
"I already explain sa fans ko na walang namamagitan sa atin para naman tigilan ka na ni—"
"Wala naman talagang namamagitan sa atin, Jake. Napaka-possessive lang talaga ng mga fan niyo ni Ethyl. Lahat na lang ng artist pinagdududahan. Kulang na lang pati si Ariana Grande isama nila sa blacklist nila, e."
Tumango-tango siya. Mahinang tumikhim. "I couldn't contact you yesterday. Nagpalit ka ba ng sim?"
"Yes. Maraming stalker ang tumawag sa akin kaya nagpalit ako," pagsisinungaling ko nang kaunti. Isa rin naman siya sa dahilan kung bakit nagpapalit ako ng sim.
"Wala ka sa show kahapon. Nag-take ka ba ng leave? How many days?"
"Pagkatapos ng nangyari sa akin dahil sa fans niyo, ine-expect mo pa akong pumasok na parang walang nangyari? Napanood mo ba ang video ko? Para akong kinawawa roon." Unti-unting nagising ang galit sa aking dibdib ngunit pinigilan ko iyong mag-alab. Huminga ako nang malalim at muling humalukipkip. "Pinag-f-fiestahan na ako ng social media hanggang ngayon pa rin naman."
"I won't disturb you during your rest day."
"So kapag hindi ko na rest day, kukulitin mo na naman ako?"
"I'll continue to court you, Hope."
Inirapan ko siya. Mabilis akong napaayos ng tayo nang mapansin ang dumarami ng mga tao na nakikitsismis sa amin.
"Panibagong issue na naman ito," bulong ko saka bumuntong-hininga. Malaki ang ngiti
na lumingon ako kay Jake. "Naku! Salamat, ha. Nag-abala ka pa talagang ibalik sa akin ang naiwan ko sa salon, Jake. Aalis na ako!"
Malakas ang pagkakasabi ko noon upang marinig ng lahat ng nandito. Kumunot namam ang noo ni Jake saka napatingin sa kaniyang likuran nang makita ang pagbaling ko roon.
Ibinalik niya sa akin ang kaniyang mata saka tumango. Ngumiti siya sa akin. Halatang pilit iyon ngunit kapag sa ibang tao iyon ay parang totoong ngiti.
"You're welcome. Balik na ako kay Ethyl," aniya. Ipinasok ang isang kamay sa bulsa saka tumalikod at naglakad paalis.
Sakto namang paglabas ni Ethyl. Galit ang mukha nito at napatigil nang makita ang mga tao dito sa labas. Mabilis na ngumiti siya saka kumaway kay Jake. Lumampas ang tingin ni Ethyl kay Jake, nakatingin na ngayon sa akin.
Alam kong minumura niya na ako sa isip niya ngayon dahil hinabol pa ako ni Jake. Ako na naman ang masama sa kaniya kahit si Jake naman ang lumalapit sa akin.
"Tara na," ani ko saka pumasok sa loob ng sasakyan.
Napatingin ako kay Ethyl nang niyakap niya si Jake sa harap ng maraming tao. Wala sa kan'ya naman ang tingin ni Jake kun'di sa aking sasakyan. Seryoso ang mukha ni Jake saka naglakad palapit sa kanilang sasakyan. Naiwan naman si Ethyl ngunit nakangiti pa rin saka kinawayan ang mga tao.
Tinalikuran niya ang mga ito. Ngunit bago pumasok siya sa kanilang sasakyan, tumingin siya sa papaalis kong kotse habang galit ang mga mata.