Hindi nilulubayan ni Rivas ang aking kamay kahit nakaupo na kami dito sa private plane niya. Katabi lang namin ang pagkain na binigay ng stewardess. Nasa iisang kuwarto kami habang ang ilang bodyguard niya ay nasa labas nitong silid. Kakaunti lamang ang gamit na narito. Kitang kita ang nag-aagaw-dilim sa labas. Sumisilip pa rin ang papalubog na araw. Maliban sa mahinang tunog ng eroplano ay napapakinggan ko rin ang mabilis na t***k ng puso ni Rivas. Nasa ibabaw niya ako nakadapa habang sinusuklay niya ang mahaba kong buhok. Nakasandal ang ulo niya sa headboard nitong kama. Ang isa niyang kamay naman ay nakahawak sa aking baywang. Kanina pang walang umiimik sa aming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ngunit pansin ko na may malalim siyang iniisip kaya hindi muna ako nagsasalita. Nasa kala

