“Yes, Mom. We’re okay here.” Bahagya akong ngumanga nang itinapat ni Rivas ang kapirasong mansanas sa aking bibig. Nasa ibabaw kami ng kama. Magkadikit na magkadikit ang aming katawan. Maraming pagkain na nasa harap namin habang kaharap ang malaking tv. Maganda ang pinapanood namin. Pinause lang ni Rivas ito kanina nang tumawag si Mommy. Nakasandal ako sa kaniyang dibdib. Hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo nang sinubo nito ang mansanas sa'kin. Tumingala ako sa kan'ya. Nakatapat sa aking tainga ang aking phone. Ngumiti ako sa aking asawa saka nginuya ang mansanas na nasa bibig ko. “I see. Bibisita kami sa ibang araw diyan sa bago mong tahanan. Sobrang miss ka na namin ng Dad mo. Kumusta kayo ni Rivas?” Lumaki ang aking ngiti. Isiniksik pa lalo ang sarili sa katawan ni Rivas. Niyak

