Chapter 75

1566 Words

Nangingiting nakatingin sa akin si Rivas habang nagkukumahog akong suklayin ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Nakahawak pa rin siya sa aking baywang kahit nakatayo na kami. Mas tumatagal ang pananaliti namin dito sa kusina ay mas lalo akong kinakabahan. Kinagat ko ang aking labi baka namumutla ako ngayon. Nakakahihiyang humarap sa kaniyang kapatid! Mahinang tumawa si Rivas na aking ikinatingin sa kaniya. Parang naaliw pa itong pinapanood ang asawa niya na kinakabahan ngayon. “Don’t be nervous, wife. Ako lang naman ang nangangagat sa aming dalawa kaya ligtas ka sa kan'ya.” Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Bahagya kong itinagilid ang aking katawan upang makawala sa kan'yang pagkakahawak. Aabutin niya sana muli ang aking baywang ngunit hinuli ko ang kamay niya. Pinagsalikop ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD