Chapter 6

1373 Words
"Pinagbuksan lang ako ni Jake ng pinto. Kasama namin si Ethyl noon ngunit hindi nahagip sa picture." I laughed without a rumor. "Gusto lang yata kaming pag-usapang dalawa pero wala talaga kaming relasiyon ni Jake." Tumango naman ito. Nakikipagsiksikan na ang iba para lamang ma-interview ako. Hindi totoong nando'n si Ethyl. Nag-usap ang manager ko at manager nila na iyon na lamang ang ilabas namin sa media upang hindi na lumala pa. Napatingin ako nang makita ang banner mula sa isang grupo ng kababaihan. Nakalagay dito ang aking picture. Marumi iyon na mukhang tinapunan pa nila ng itlog at kamatis. Ang iba ay sira-sira pa. "Jake and Ethyl forever, not Alyzza!" Paulit-ulit na sigaw ng mga ito habang hawak ang mga banner. Ang iba ay masama ang tingin sa akin. Ang iba naman ay tinataas ang gitna ng daliri sa akin. Hindi ko alam kung bakit galit na galit sila sa akin, eh sinabi ko na naman na wala talagang namamagitan sa amin ni Jake. Hindi pa rin sila naniniwala. Ang gusto yata ay makita nilang buntis si Ethyl para mapatunayan na sila pa rin talaga. Napabaling ang aking tingin nang magsalitang muli ang interviewer. Nananatili naman ang aking ngiti sa labi. "Marami pong nagtatanong kung nasa isang relasiyon na raw po kayo, Miss Hope Smith." Itinapat niya sa akin ang maliit na mic. Ibubuka ko sana ang aking bibig upang magsalita ngunit napasulyap ako nang lalong lumakas ang sigawan nila. Tumingin ulit ako sa aking kausap. Nakapaskil pa rin ang aking ngiti. "For now my priority is my career. Wala pa sa isip ko ang pakikipagrelasyon. And I'm not yet ready to enter into a relationship." Mahina akong napatili saka napapikit nang may tumamang kung ano sa aking dibdib. Napasinghap ang lahat. Nagsigawan ang nagproprotestang fans. Tumahimik naman ang mga cameraman. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata nang maramdaman ang malagkit na lumalandas sa aking dibdib. "Let's go, Miss Hope," anang isa kong bodyguard. Nakaharang ang kaniyang likod sa akin, ganoon din ang iba. Nakabukas nang bahagya ang aking bibig havang nakatingin sa basag na itlog na nasa dibdib ko. "Oh my, gosh." Nandidiri akong nakatingin dito. Hindi makapaniwala na tinapunan ako ng itlog! Lalong hinarang ng mga bodyguard ako nang kuhanan ako ng litrato. Nangingiyak ang aking mukha na yumuko. Hindi nila talaga ako titigilan hangga't hindi napapatunayan na hindi iyon totoo. Kahit sinabi ko naman noon pa na wala talagang namamagitan sa amin ni Jake! T*ngina nila! Kasalanan ko bang maganda ako kaya nilapitan ako ni Jake?! Isaksak nila sa baga nila si Jake! Para naman hindi na makalapit sa akin! Patuloy pa rin sa pagtatapon ng itlog ang mga kababaihan kahit nakapasok na ako sa aking van. Halos matabunan na ng itlog ang bintana ko. Sumisigaw pa rin sila. Kinukuhanan na ito ng mga litrato. Siguradong kakalat ito sa social media. Sigurado ngayon pa lang kalat na iyon! Mabilis kong inalis ang isang butil ng luha nang lumandas ito sa aking pisngi. Wala naman kasi akong ginagawang masama kaya bakit sila nagagalit sa akin?! Nakakasama lang ng loob na tinapunan nila ako ng itlog! Binuka ko ang aking bibig at doon huminga nang malalim. Uminit ang gilid ng aking mata kasabay ang muling pagtulo ng luha. Mabilis naman akong dinaluhan ng tissue ng aking secretary. Bakas ang awa sa kaniyang mukha. Hindi ako makatingin sa kaniya pati na rin sa aking ilang bodyguard na nandito sa loob ng van. First time kong tapunan ng itlog. Balewala lang sa akin noon na maraming galit sa aking mga tao dahil wala naman akong magagawa sa emosiyon nila ngunit ngayon...sobra na sila. Sobra na itong ginagawa nila sa akin. Suminghot ako habang pinupunansan ang aking dibdib. Sobrang lagkit na nang pakiramdam ko. Ang kaunting itlog ay pumasok sa loob ng aking damit. Amoy malansa na rin ako ngayon at medyo nasira ang make-up ko dahil sa pag-iyak. "Grabe talaga 'yang mga fan ni Jake at Ehyl," ang secretary ko habang inaabutan pa ako ng tissue. Binigay ko sa kaniya ang hawak na tissue na puno ng itlog. "Sobrang toxic na ng fandom nila. Sinabi na ngang walang namamagitan sa inyo, hindi pa rin naniniwala. Ano bang gusto nila para maniwala?" Hindi ako umimik habang tahimik na pinupunasan ang medyo basa ko pang dibdib. "Dapat ang fandom nila ang inaalis," dugtong nito. "Hindi lang ikaw ang ginawan niyan, Miss Hope. Nabasa ko sa internet na tinabunan nila ng flour 'yong taga-ibang channel na artist. Hindi talaga sila pumapayag na matibag ang love team nina Jake at Ethyl. Mga toxic talaga! Kaya hindi nila nakikita ang masamang ugali ni Ethyl!" "H-Hayaan mo na." Humikbi ako saka binigay muli sa kan'ya ang tissue. Kinuha ko ang alcohol saka naglagay sa kamay. Gamit ang tissue, pinunasan kong muli ang aking luha at malalim na huminga. Tumingin ako sa bintana. Unti-unting nalalaglag ang egg yolk dito. Pinalis kong muli ang luha ko at tumingin sa malaking billboard. Kitang kita mula rito ang aking mukha. Malaki ang ngiti ko at mukhang masaya ako habang nakatingin sa camera ngunit ang totoo nangungulila ako ng oras na iyan. Birthday ni Mommy ngunit hindi ko man lang siya nakita kahit isang sulyap. Abala sila sa kanilang negosiyo sa ibang bansa na dapat ako ang gagawa kung hindi ako nagmatigas. Kumukulubot na rin ang kanilang balat dahil sa medyo katandaan ngunit taglay pa rin ang awtoridad ang kagandahan nila. Miss na miss ko na sila. Napayuko ako. Tumulo sa aking hita ang luha ko. Siguradong magagalit si Mommy kung nakita niya na nadudumihan ang kaniyang unica hija. Siguradong kakasuhan agad ni Daddy kung sino mang may gawa nito. Malungkot akong napangiti habang pinaglalaruan ang aking tissue. Kailan ko kaya sila makakausap? 'Yong hindi ako matatakot kung anong sasabihin nila. At 'yong tatanggapin nila ako bilang isang anak nilang muli. "Tahan na, Miss Hope," ang secretary ko. Tumango ako. Nagmamalabis na pala ang aking luha na hindi ko namalayan. Minsan lang niya akong nakitang ganito maliban na lamang kapag nagdadrama ako sa harap ng camera. "Miss Hope, tumatawag po ang manager niyo." Napatingin ako sa kaniyang cellphone nang iharap niya ito sa akin. Siguradong nakarating na agad ang balitang tinapunan ako. Kinuha ko iyon. Nanginginig nang kaunti ang aking kamay. Suminghot ako. Umayos ng upo at inayos ang sarili. Binasa ko ang aking labi gamit ang dila at tinapat ang cellphone sa aking tainga. "Hello, Brian?" masayang ani ko habang pinagmamasdan ang iba't ibang kulay ng mga ilaw mula s alabas. "Ayos ka lang ba, Hope?! Nasaktan ka ba?! Naku! Iyang mga fans talaga ng Ethyl na 'yan napaka-toxic. Aba! Kaya ko silang kasuhan, 'no! Pinapainit nila ang ulo ko. Nakakabwisit!" I giggled. Medyo gumaan na ang aking pakiramdam. Kahit papaano may nag-aalala pa rin naman sa akin kahit hindi ko kadugo. "Ayos lang naman ako." Yumuko ako at tiningnan ang aking dibdib. "Nasalo lang ng dibdib ko ang isang itlog bago sila magpaulan ng eggs." Mahina akong tumawa upang maparating sa kaniya na ayos lang ako. Hindi naman nagsalita ang kabilang linya. Rinig ang malalim na pagbuntong-hininga nito. "Magpahinga ka kaya muna, Hope?" pagbasag niya ng katahimikan. "I mean kahit isang linggo lang. Kahit hindi halata sa'yo ngunit alam kong nas-stress ka na rin sa mga nangyayari. And I know you love what you are doing pero isang linggo lang naman. Bigyan mo naman ng oras ang sarili mo. Ako na ang bahala sa lahat pati na rin sa mga fan nina Jake." Napatahimik ako. Malalim akong nag-isip. Masaya ako sa ginagawa ko. Sumasayaw, kumakanta, at nagdadrama. Lahat ng gusto ko kaya kong gawin ng malaya. Walang pumipigil sa akin o sinisigawan ako. Ngunit tama nga siya. Napapadalas ang pagiging malungkot ko nitong nga nakaraang araw. Medyo nas-stress na rin ako dahil kay Jake, sa fans niya, at sa ibang pang rason. "Sige. Magpapahinga muna ako," pagpayag ko. "Ang secretary mo na ang bahala sa mga schedule mo habang nagpapahinga ko. 'Wag mo na ring isipin ang mga taong galit sa'yo. Mga naiinggit lang ang mga iyon." Tumawa ako at tumango rin agad kahit hindi niya ako nakikita. "Salamat, Brian." "Ano ka ba?! Alaga kita kaya kailangan kitang bantayan saka magkaibigan tayo, 'no! Oh, siya! Magpahinga ka na. Enjoy your rest day."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD