Chapter 5

1360 Words
"Come on, Hope. Talk to me," si Jake habang sunod nang sunod sa akin. Nagmamakaawa ang kaniyang mukha. Pilit na hinuhuli ang aking tingin. Hindi naman ako nagpatinag. Inaabala ko ang aking sarili sa mga gamit ko. "Kanina pa ako nagsasalita rito ngunit hindi mo ako pinapansin." Tahimik na sumusulyap ang mga kasama ko sa amin. Hindi sila nagsasalita at mukhang pinipilit na huwag gumawa ng ingay habang kumakain ng snacks na hawak. Kanina pa siya namimilit na mag-dinner kami. Knowing him, siguradong dadalhin niya ako sa mamahaling restaurant. Hindi naman sa ayaw ko. Favorite ko ang lahat ng mamahaling mga lugar ngunit hindi ko siya gustong makasama. At isa pa, panibagong issue na naman 'to. Ayokong mag-overthink na naman ang fans ko. Marami sa kanila na nagsasabing bagay na bagay daw kaming dalawa. "Hope, talk to me. Isang dinner lang na—" "Jake," pagputol ko sa kan'ya saka siya hinarap. Mabilis kong inalis ang aking inis sa mukha. Seryoso akong nakatingin sa kan'ya. Siya naman ay napatigil sa pagsunod sa akin. Isang beses akong napasulyap sa mga kasama ko at mahinang tumikhim. Pinili ko na lamang na huwag nang ituloy ang sasabihin sa kan'ya. "Mamaya na lang tayo mag-usap." Napalunok siya ngunit tumango rin agad. Tumalikod siya sa akin. Palihim ko naman siyang inirapan. Wala akong pakialam kung nakita iyon ng mga kasama ko sa trabaho o ang manager ko. Alam naman nilang ayaw ko kay Jake e. Alam nilang career first before boys ang motto ko. Hindi ko na alam kung ano pang puwede kong sabihin kay Jake upang tigilan niya na ako. Paulit-ulit ko na lang sinasabi sa kan'ya na hijdi pa ako handang magka-boyfriend. Sinabi ko na rin sa kaniya na hindi ko siya gusto. Lalaki ang problema ko kapag nakita pa kami ng media na magkasama. Ano pa ba ang puwede kong gawin?! Inis akong huminga nang malalim. "Naaawa ako minsan kay Jake, ha," my manager whispered. Hindi ko naman siya nilingon. Inayos ko ang aking buhok habang kaharap ang salamin. Lumingon naman siya kay Jake na nakaupo sa kaniyang upuan habang hawak ang cellphone. "Sa tingin ko gusto ka talaga niya." Napairap na lamang ako sa sarili. "Akala ko ayaw mo rin sa kan'ya," saad ko."Ano nang nangyari? Kampi ka, 'di ba sa akin?" "Oo nga! Kampi ako sa'yo." Napalakas ang kaniyang boses. Sabay kaming lumingon kay Jake nang inangat nito ang kaniyang mata sa amin. Nagtataka ang mukha. Pilit naman na ngumiti ang manager ko sa kan'ya at kumaway dito. Hindi nagbago ang aking mukha. Binalik ko ang aking pansin sa buhok ko. "Pero Hope, tingnan mo siya. I think he really loves you. Nakikita kong determinado talaga siya sa'yo. Hindi rin siya tumitigil kahit na pinagtutulakan mo na siya. He is an ideal man pa!" "Hindi niya ako mahal." Kinuha ko ang aking earrings at kinabit sa aking tainga. "Iba ang meaning ng pagmamahal para sa kan'ya at iba sa akin. His love means fame, mine is career. Gusto niya ako upang makilala siya lalo. Para pag-usapan kami ng media, at gusto niya ako dahil parehas kami ng estado." Mahina ang pagkakasabi ko no'n kaya hindi kami pakinig ni Jake mula rito. Katatapos pa lang ng show ko. Medyo napagod ako dahil ilang oras naming ginawa iyon. Lahat yata na pinakita ko sa show ay puro peke. Pekeng tawa, pekeng ngiti, at pekeng pakikisalamuha. Some of my colleagues have a bad attitude. Mabait lang naman sila sa harap ng camera ngunit sa likod nito ay masasama ang ugali. Mababa ang tingin nila sa kanilang kasambahay. Pasimple nila itong pinapagalitan. Bakit kaya gano'n, 'no? Kung sino pa ang may kaya sa buhay ay sila pa ang masasama ang ugali. Kung sino naman ang mahirap sila pa ang mababait. Tss. Bakit ko nga ba iyon pinoproblema? Eh, iba ang problema ko rito. I took my Prada bag. Sinuot ko ang aking retro glasses. I look at myself in the mirror. Yellow dress ang suot ko ngayon na pinagawa ko pa sa aking designer. It looks perfect on me. Hindi talaga ako nagsisi na siya ang kinuha ko. Mabilis na tumayo si Jake nang makita ang paglalakad ko palapit sa pinto. Mahina siyang nagpaalam sa aking mga kasama. Mabilis naman akong sinundan ng aking secretary. Isang beses lang itong sumulyap kay Jake saka medyo lumayo sa aming dalawa upang bigyan ng privacy. Tumabi sa akin si Jake. Inabot ang doorknob saka pinagbuksan ako ng pinto. Agad namang humarap sa akin ang mga bodyguard ko saka bahagyang yumuko sa akin. Taas-noo ang paglalakad ko. "Sa kotse ko ka na sumakay." Umismid ako at humalukipkip. "Hindi ako pumayag na makipag-dinner sa'yo, Jake." "Pero sabi mo mag-uusap tayo." "Kaya nga. Nag-uusap na tayo ngayon, hindi ba? So tapos na ang pag-uusap natin. Aalis na ako." Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napanganga naman siya sa aking sinabi saka tumigil. Hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ang paghakbang. Nilingon ito ng aking secretary saka tumingin sa akin. Halata sa kan'yang mukha na siya ang nahihiya sa aking ginawa. Wala na akong pakialam kung harsh na ako sa kan'ya. Wala rin naman akong pakialam kung dalawang oras siyang naghintay sa akin kanina. Sinabi ko bang hintayin niya ako? Sinabi ko bang pumunta siya rito? Ni pag-text nga hindi ko ginagawa sa tuwing nagpapadala siya ng mensahe sa akin. Hindi ko alam kung bakit nakukuha niya pa rin ang number ko kahit pabago-bago ako ng sim. Hindi ko rin sinasagot ang tawag niya ngunit kahit gano'n tumatawag pa rin siya sa akin. Lihim akong napangisi nang makakasalubong ko si Ethyl, Jake's love team. Mukhang maamo lang ang mukhang ng babaeng 'to ngunit may lahi rin siyang aso. Galit na galit ito sa akin noong kumalat ang picture namin ni Jake. Halos tumalsik nga ang kaniyang laway sa aking magandang mukha nang sigawan niya ako. Siyempre hindi ako pumatol. Pang-high class lang ako, 'no. Hindi pang bulok na basura like her. Nakangiti siya ngunit mabilis na dumaan ang maarte niyang mukha nang napatingin sa akin. Maraming humahanga sa kaniya dahil sa taglay niyang kabaitan na hindi naman totoo. Nagbibigay siya ng tulong sa mga mahihirap o nasalanta ng bagyo para makilala pa siya. Sobrang hinhin niya rin kapag nasa harap ng camera ngunit kapag kami na lang dalawa, para siyang dragon na nakawala sa kan'yang hawla. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Unti-unti namang nawala ang kaniyang ngiti nang makatingin siya sa aking likod ngunit mabilis niyang binalik ang ngiting iyon dahil maraming nakasunod sa kaniyang cameraman. Lumaki ang ngiti ko nang makuha ko ang atensiyon nila. Sa akin na ngayon nakatutok ang hawak na camera. Inis naman na binalik sa akin ni Ethyl ang kaniyang tingin. Mahina akong natawa sa mukha niya. Para siyang sinampal ng langit at lupa sa sobrang inggit. Inggit dahil madali ko lamang nakukuha ang atensyon ng lahat. Inggit dahil mas kilala ako kaysa sa kanya. At inggit dahil ako ang gusto ni Jake. Hindi makalapit sa akin ang mga kumukuha ng litrato dahil hinaharangan sila ng aking mga guwardiya. Kumaway ako sa mga ito. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalabas. Lihim akong napabuntong-hininga nang makita ang maraming camera na nagkikislapan. Bilang actress, kaya kong pekein ang aking ngiti kaya kahit pagod na pagod na ako nakuha ko pa ring ngumiti sa kanila. Hindi halata sa mukha ko ang pagod. Hindi halata sa ngiti ko ang antok. "Miss Smith, marami na pong nagtatanong kung ano na ang estado ng relationship niyo ni Mr. Jake Torres." I giggled ngunit nagngitngit ang aking ngipin. Paulit-ulit na lang sila. Gusto lang ng mga ito maibalik ang issue upang may pagkakitaan. Hinawi ko ang aking buhok. Medyo inayos ang salamin sa mata saka nilapit nang bahagya ang hawak na mic ng lalaki. "We don't have any relationship. Na-misinterpret lang ang picture naming dalawa no'n." "Ngunit may litrato po ang kumalat na magkasama kayo papasok sa sarili niyong sasakyan. Ano po ang masasabi niyo rito?" Mabilis na nabura ang picture na kumalat noon ngunit mabilis din na pinag-usapan iyon sa bansa. Ano pa ba ang maaasahan ko sa Pilipinas? Buhay sila kapag tsismis na. Kahit hindi na totoo ay paniniwalaan pa rin nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD