Chapter 4

1662 Words
Napakunot ang aking noo nang marinig ang mahinang katok mula sa labas ng aking kuwarto. Kinusot ko ang aking mata saka mahinang napaungol. Kinuha ko ang puting unan ko at inis na tinabunan ang ulo nang marinig pa rin ang patuloy na pagkatok sa labas. Hating-gabi na akong nakatulog kagabi dahil hindi ko kayang matulog nang maaga. Nasanay na akong late na matulog kaya ngayon nahihirapan ako. "What?!" I shouted annoyingly. "Sorry po sa istorbo, Ma'am Hope pero may nagpadala na naman pong bulaklak e," anang ni Manang Betta mula sa labas. I combed my hair using my finger. At inis na inalis sa aking ulo ang unan. Hindi ba nadadala ang nagpapadala ng mga bulaklak sa akin? Kahapon lang siya nagpadala sa akin for pete's sake?! May-ari ba siya ng garden?! O may kapangyarihan siyang magpatubo ng mga bulaklak?! Nanghihinayang na ako sa mga bulaklak na pinadala niya, ha! Pinapatapon ko lang naman kasi iyon! Saan ko naman iyon ilalagay?! Ano bang gusto niya?! Maging garden itong bahay ko?! G*go siya! "Ang aga-aga, pinapainit ang ulo ko kaagad," inis na inis kong bulong at padabog na bumangon sa aking king size bed. Malawak ang aking kuwarto. Malinis at puro kulay puti ang makikita. Hindi ako gaanong gusto ang iba't ibang kulay dahil sumasakit ang mga mata ko. I preferred white. It's so calming for me. I breathe heavily. Tumayo ako. Magkasalubong na ang aking kilay. Nakasuot ako ngayon ng black lingerie. Medyo magulo ang aking buhok. Namumungay pa rin ang aking mga mata dahil inaantok pa ako. Tamad akong naglakad palapit ng pinto saka binuksan ito nang bahagya. Sumilip ako sa labas ng aking kuwarto. Nakatago ang buo kong katawan sa likod ng pinto. "Manang Betta, ang aga-aga binubulabog mo ang tulog ko," nakasimangot kong saad. Matagal na siyang naninilbihan sa akin bilang kasambahay. Kaya saulong saulo niya na ang aking ugali. Ultimong paborito kong pagkain ay alam niya maliban na lamang sa aking nakaraan. "Naku! Pasensiya na talaga, Ma'am Hope. Ang dami kasing mga bulaklak na dumating kanina. Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay 'yong iba. Halos matabunan nga ang garden natin." Ngumuso ako at lumingon sa aking orasan. Alas once na pala. Napasarap ang tulog ko sa sobrang puyat. Matagal na rin kasi akong hindi nakauuwi kaya miss na miss ko na itong bahay ko. Tumingin muli ako kay Manang Betta. May katandaan na siya ngunit malakas pa ang kaniyang katawan. Palagi rin siya nakangiti sa akin at talaga namang masarap siyang magluto. Kasama niya rito ang kan'yang asawa na si Manong Ben. Hindi sila nabiyayaan ng anak ngunit hanggang ngayon matibay pa rin ang kanilang pag-iibigan na hinahangan ko. Kung sa iba iyon baka maghiwalay na sila dahil hindi sila makabubuo ng pamilya. "Bababa na po ako, Manang Betta. Ako na lang po ang mag-aayos no'ng mga flowers." "Hindi ka ba magta-trabaho ngayon? Wala kang trabaho?" I nodded. Napahikab ako at muling kinusot ang mata. "Wala po. Pahinga ko ngayon. Nami-miss ko na rin po itong bahay. Ang tagal ko ng hindi nakauwi." Mahina siyang tumawa saka umiling sa akin. "Sinabi mo pa, Ma'am Hope. Parang kami na nga ang nakatira rito e." I laughed. Totoo naman. Parang ako nga ang nakikitira rito sa bahay, e. Tapos sila ang may-ari nito. Sa sobrang busy ko kaya hindi ako nakauuwi. Kailangan ko munang unahin ang career ko. Wala rin naman akong uuwian dito maliban sa kanila at sa bahay ko. Wala na. I brushed my hair, facing the mirror. Habang tumatagal lalo kong nagiging kamukha si Mommy. Ang dark brown kong mata naman ay nagmana kay Daddy. Lalo ko silang nami-miss sa tuwing tumititig ako sa aking mukha. Galit pa rin ba sila sa akin? Napapanood ba nila ako sa television? Ni minsan ba naiisip nila na hanapin ako noon? Maraming tanong sa isip ko na gusto kong sagutin ngunit natatakot ako. Natatakot ako na baka lalo pa rin silang nagalit sa akin dahil hindi ko sinunod ang kanilang gusto. Natatakot ako na baka hanggang ngayon ayaw pa rin nila sa akin. Minsan napapaisip ko na parang mali ang ginawa ko noon. Bilang isang anak dapat nakikinig ako sa kanila. Binigyan nila ako ng magandang buhay. Niluluho nila ako ngunit sa tuwing iniisip ko naman na lagi nila akong pinipigilan sa gusto ko ay nawawala ang pag-iisip kong iyon. Paano kung sinunod ko sila noon? Papaano kung nakinig ako sa kanila at hindi umalis? Baka ngayon nasa boring na meeting lang ako. I didn't put any make-up on my face. Dito lang naman ako sa bahay buong maghapon. Hindi ko alam ang gagawin ko mamaya. Siguro nagtatanim ng halaman? Maliligo sa swimming pool? O magbabasa na lamang sa library? Tahimik akong bumaba ng hagdan. Malaki itong bahay ko. Malinis tingnan dahil kulay puti. Malaki ang chandelier na binili ko pa galing sa ibang bansa. Pinag-ipunan ko talaga ito dati. Ngunit nagpa-plano na ako na ibigay ito kina Manang Betta at Manong Ben. Ano namang gagawin ko rito? Eh, ako lang naman ang titira rito. Doon na lang ako sa suite ko. Malapit lang sa aking trabaho at hindi gaanong mararamdaman na mag-isa ako. Kapag kasi malaki ang bahay tapos mag-isa lang ako pakiramdam ko iniwan na ako ng lahat. "Manang Betta?!" tawag ko nang tuluyang makababa. Naka-balloon-sleeve crop top lang ako at puting short na high waist. Lumingon ako sa aming swimming pool na kitang kita lamang mula rito sa aming sala. Malaki ang transparent glass nito ngunit sound proof. Planong plano talaga itong bahay ko ngunit hindi ko naman ito dream house dahil wala akong specific na dream house. Hindi ko rin alam sa sarili ko. Pakiramdam ko kasi may kulang sa bahay kong ito. Kahit malaki at mamahalin ang mga gamit hindi ko pa rin ramdam na matatawag 'tong tahanan. Sumulyap ako sa malaking bintana namin. Napangiwi ako nang makita ang magagandang bulaklak sa labas. Iba't ibang kulay ang mga ito. Ngayon namomroblema naman ako kung saan ko ito ilalagay o itatapon? Kung ipagbebenta ko ang lahat ng dumating sa aking flowers ay siguradong lalo akong yayaman. Ano bang naisip no'n at sa akin nagsasayang ng pera? Napahilot na lamang ako sa aking sintido habang naiiling na naglalakad palapit sa aking kusina. Hindi pa rin ako sinasagot ni Manang Betta. Nasaan na kaya 'yon? Napatingin ako sa ibabaw ng lamesa. May nakahanda ng pagkain doon at mukhang bagong hain pa lamang. Lumapit ako sa aking refrigerator saka kumuha ng baso at sinalinan ng tubig. Uminom na parang uhaw na uhaw. Nilapag ko ito sa ibabaw ng lamesa at naglakad muli palabas ng pinto. "Manang Betta?!" tawag kong muli ngunit walang sumagot. Sumilip akong muli sa bintana at napasimangot muli nang makita si Mang Betta na nakikipagtawanan sa kaniyang asawa. Ako ang amo rito ngunit ako ang nagiging third wheel sa kanila. Sobrang sweet ni Manong Ben kay Manang Betta. Halatang halata sa kanila na mahal na mahal nila ang isa't isa kaya hindi na ako nagtataka kung bakit sila pa rin hanggang ngayon. Binuksan ko ang pinto at lumabas. Parang may sariling mundo ang dalawa na nagkikilitian. Umiling ako ngunit napangiti rin agad. Naglakad ako palapit sa mga bulaklak na nasa paso. Hindi ko na sila inabalang dalawa. Mukhang ngayon lang sila nagkita kahit na araw-araw naman silang magkasama. Inabot ko ang maliit na note saka binasa ito. Pare-parehas ang handwritten ng nagbibigay sa akin araw-araw ng bulaklak kaya nakasisigurado akong iisa lang itong tao. Malinis at tama ang punctuation lagi ng note. Minsan nga namamangha ako kung paano niya isinulat ang salitang 'Secret Admirer', e. Sobrang ganda talaga nito na halos magmukhang machine na ang gumagawa pero alam kong sulat-kamay 'to. "Bakit hindi na lang niya kaya ilantad ang pagmumukha niya?" pagkausap ko s aking sarili habang isa-isang tinitingnan ang mga bulaklak. "Hindi naman ako nangangagat o snober na celebrity. I'm not a maarte or something naman. Para na rin tumigil na siya sa pagbibigay nito." "Ma'am Hope, nandiyan na pala kayo? Hindi ko po kayo napansin," si Manang Betta. Lumingon ako at napangiti sa kaniya. "Hindi ko na po kayo inabala ni Manong Ben," naanunuksong kong saad. Medyo pumula naman ang pisngi ni Manang Betta saka lumingon sa kan'yang asawa na inaayos ang ibang malalaking paso na may bulaklak. Mabilis na nag-flying kiss si Manong Ben nang makita niya ang paglingon ni Manang. Humagikgik ito saka mahinang tumikhim nang makita ang aking panonood ko sa kanilang dalawa. "I-Itatapon na po ba natin 'yang mga 'yan?" Huminga ako nang malalim at tinitigan ang mga bulaklak. I frustrated combed my hair again. Nakapamaywang akong humarap kay Manang Betta. Naghihintay naman ito ng sagot ko. "What do you think, Manang? Itatapon na ulit natin?" Nakanguso ako. "Nasasayangan kasi ako sa mga iyan. Nakailang patapon na ako. Baka magalit na sa akin ang Inang kalikasan." Tumawa siya. "Ano ka ba? Hindi mo naman kasalanan ang mga iyan na pumunta rito pero sa bagay...kahit ako nanghihinayang na rin. Tingnan mo…" Tinuro niya ang isang bulaklak, 'di kalayuan mula sa amin. "Sobrang gaganda nila at mukhang alagang-alaga pa ng may-ari. Kung puwede ko lang itanim sa buong garden, nagawa ko na e, kaso saan ko naman ilalagay dito?" Tumango ako habang nag-iisip. "Sino kayang nagbibigay niyan, 'no?" she asked curiously. Humalukipkip siya at medyo nilapit ang mukha sa akin. "Siguradong patay na patay sa'yo iyon, Ma'am Hope." Tinaas-baba nito ang kaniyang kilay. Nanunuksong nakatingin sa akin dahilan ng aking pagtawa. "Wala naman pong nagsasabi na lalaki o babae ang secret admirer ko. Baka hinahangaan niya lang ako nang sobra kaya naglalaan siya ng maraming pera." Nagkibit ako ng balikat saka tiningnan muli ang hawak na papel. Kung kaya niyang bumili ng ganitong karaming bulaklak kaya niya ring makipagkita sa akin. Kaya niyang bayaran ang oras ko. Kaya niyang kausapin ako dahil iisa lang naman ang estado namin sa buhay. Sa mga flowers na pinapadala niya siguradong hindi siya basta-basta, ganoon din naman ako. Hindi naman ako nagpapatalo minsan e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD