Chapter 3

1394 Words
I smiled while reading my fan's comments in my photo. Minsan tumatawa ako sa tuwing nagbabasa. Nakawawala talaga ng pagod kapag nakikita kong nagbibigay ako ng inspiration sa kanila. Hindi ko maiwasang bumalik sa nakaraan ko. 'Yong dating nagmamakaawa pa ako sa magulang ko para lamang payagan ako sa aking gusto. 'Yong tatakas pa ako sa klase para maka-attend sa dance troupe. Talagang gagawin ko noon kahit ano, basta't matupad lamang ang aking hiling. Umalis ako sa mansiyon na galit sa akin ang aking mga magulang. Pumasok ako bilang waiter noon. Halos magkandakuba-kuba ako sa pagtatrabaho. Mas lalo pa akong nahirapan dahil hindi ako sanay na nagliligpit ng kalat. Sa murang edad napagdaanan ko ang lahat ng iyon ngunit sulit naman dahil nakapasok ako sa isang agency at nakilala. Hindi ko maipaliwanag ang saya noon. Halos lumundag ako nang makita ang aking mga fans na sumusuporta sa akin. Nawawala ang pagod at puyat ko sa tuwing nakikita ko sila sa labas na matiyagang naghihintay para lamang masulyapan ako. Agad akong napasimangot nang mabasa ang nakaiinis na comments ng mga basher ko. Kahit anong bait ko talaga may mangba-bash at may mangba-bash pa rin sa akin. Hindi ko naman sila kilala pero grabe sila kung mapanglait. Hindi ko alam kung galit ba talaga sila dahil sa issue namin noon ni Jake o naiinggit na sila sa akin. Malaki 'ata talaga ang mga galit nila. Well wala na akong magagawa roon. Hindi ko hawak ang emosiyon at nararamdaman nila. Pero minsan hindi ko talaga maiwasan na kwestyunin ang lahat ng pinaggagawa nila. Yayaman ba sila sa pagiging war freak? Gumagaan ba ang buhay nila kapag nagc-comment ng mga harsh tungkol sa isang tao? They don’t know if they are hurting someone. Basta na lamang makabitaw nang salita. Ilang artist na ba ang nags-suffer ngayon? Ilang tao na ba ang umiiyak dahil sa masasakit nilang comments? I shook my head and turn off my phone. Huminga ako nang malalim saka inilagay ito sa aking bag. Pinakatitigan ko ang aking repleksiyon sa salamin. Hindi lang dahil sa galing sa pagsayaw, pagkanta, at pagdadrama kung bakit ako naging sikat. They admire my beautiful face. Ang sabi nila gustong gusto ng camera ang aking mukha. I have dark brown eyes, a heart-shaped face, and a cupid-bow lip. Kasing kulay na rin ng snow ang aking balat. Isang beses akong nag-post noon na ang background ko ay mga snow dahil pumunta kami sa Japan noon. Hindi ko inaasahan na magt-trending iyon. Gusto nila ang litrato kong iyon dahil para raw akong diwata ng mga snow. Natawa na lamang ako sa aking sarili. Lumipad agad kami pagkatapos ng aking trabaho. Hindi ko kaya ang lamig lalo na kapag lalabas kami. Baka mamatay lang ako nang maaga. "Nagbasa ka na naman ng comments?" ang manager ko. Hindi ako nagsalita at sinandal na lamang ang aking likod sa mahabang upuan. Kasama ko na siya mula noong nag-start ako ng career ko. He guided me and taught me on how to be an artist. Marami akong natutunan sa kaniya. Kaya nga isa siya sa mga taong naging dahilan sa pag-angat ko. "I told you, Hope. Just delete your social media accounts. Wala ka namang mapapala riyan. Mas-stress ka lang sa pagbabasa ng mga comment mula sa mga taong sarado ang isip." Rinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "Kahit sinabi nang hindi kayo ni Jake, eh sugod pa rin nang sugod sa'yo. Si Jake lang ba ang guwapo sa mundo? At hello, maganda kaya ang alaga ko. Dapat nga prince ng Spain or England ang makatuluyan mo, e." I giggled. Nagtama ang aming mata sa repleksiyon sa salamin. "Grabe naman kung prince ang magiging boyfriend ko, 'no. Baka imbis na maging princess ako, ay maging bilanggo ako sa palasyo. No way! Kahit 'wag ng masabihan na girlfriend nila. I love freedom." I flipped my hair and crossed my arm. Mahina niya akong hinampas sa aking balikat saka sumandal sa aking desk. "Sira! Ayaw mo no'n? Lalo kang sisikat sa buong mundo. Maraming mag-aalaga sa'yong katulong. Maraming hahanga sa'yo. At saka araw-araw kang makakakita ng guwapo. Take note, puwede mo pang lasahan gabi-ga—" "Iw!" Nandidiri kong hinampas siya nang mahina. Malakas siyang tumawa nang makita ang nandidiri kong mukha. Agad na tumayo ang mga balahibo ko. Kinuskos ko naman ang aking dalawang kamay sa magkabilang braso at umayos ng upo. Sumimangot ako dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. "Stop it! Nakadidiri kaya ang sinabi mo. Me?! Lalasaha—Iw! Over my dead, gorgeous, and breathtaking body? Wala akong pakialam kung guwapo pa sila." "Hay naku! Kaya minsan napapaisip ako na ayos lang pala ang pagiging beki ko. Kung may ganiyan lang akong mukha at katawan. Ilalantad ko iyan sa mga poging lalaki." I rolled my eyes and smiled. Bulgar talaga siya kung magsalita. Sa kaniya ko nakukuha ang ibang mga bagay na dapat hindi ko malaman. Minsan kinuk'wento niya sa akin kung ano'ng nangyari sa kanila no'ng lalaking boyfriend. Halos masuka na ako habang sinasabi niya iyon. Hindi 'ata marunong ng privacy 'tong manager ko. Natutuwa pa kapag nakikita ang mapulang mapula kong mukha. I know that I'm an innocent person not like him. Mulat na mulat na siya sa realidad. Marami na rin siyang na-explore. And ayos lang naman sa akin iyon. As a human being we need to enjoy life pero hindi naman pare-pareho ang dahilan ng ating kasiyahan. Not like him, gusto kong tumayo sa maraming tao. Gusto kong naririnig ang kanilang sigaw dahil sa saya. Gusto kong kumanta at sumayaw sa harap ng humahangang fans ko. Noon mag-isa lamang akong sumusuporta sa sarili ko ngunit ngayon milyon-milyon na sila. "Why don't you joins us, Hope? Nasa private room naman tayo, maglalasing lang kaya walang makakikita sa'yo at isa pa hindi ko naman hahayaang masira ang career mo, 'no." "No, thanks." Huminga siya nang malalim na parang expected na niya ang sagot ko. "Magpapahinga ako ngayong gabi." "Uuwi ka?" Tumango ako. Inayos ang make-up sa mukha. "Hindi ko na nabibisita ang bahay ko. Nagpatayo lang 'ata ako no'n para tirahan ng mga multo. I have to go. Mag-enjoy na lang kayo sa gabi niyo." Naiiling siyang nakipagbeso sa akin. Kinuha ko ang Prada bag ko at tumayo. Naka-hills ako. Yellow green fitted dress na kita ang likod. Nilugay ko lang ang mahaba at itim kong buhok. "Take care na lang. Sumama ka minsan sa gimik, ha. Napapag-iwanan ka na." "Yes po. Next time sasama talaga ako sa inyo." Inirapan ako nito. Hindi naman naalis ang ngiti ko sa labi. "Sorry talaga." Muli niya akong inirapan ngunit agad na ngumiti sa akin. "Ayos lang. Parang hindi naman ako sanay sa'yo. Halos ikaw ang kasama ko buong buhay ko. Nagpalitan na yata ang mukha nating dalawa." Sabay kaming dalawa na tumawa. Kaibigan ang turing ko na sa kan'ya. Not just my manager. Hindi rin siya sobrang higpit sa akin. Hindi rin suplada kaya madali lang kami nagkasundo noon. Agad na sumunod at pumalibot sa akin ang apat kong bodyguard. Kailangan ko sila para protektahan ang sarili ko sa mga die-hard fan. Hindi minsan ako natutuwa sa ibang fan ko. Halos binabastos na ako ng mga ito. Ginagawa talaga niya ang lahat para lamang mahawakan o lapitin ako. Minsan nakatatakot na talaga. Dinagdagan ko lalo ang mga bodyguard ko no'ng may sumusunod sa aking sasakyan sa tuwing umuuwi ako ng bahay. Hindi ako makatulog ng gabing iyon dahil pakiramdam ko may nanonood sa akin sa tuwing pinipikit ko ang aking mata. Tumingin ako sa labas ng bintana. Bakas sa mga mukha nila ang saya habang may hawak na banner. Nag-effort pa talaga sila na gawan ako ng mga gano'n. Nag-effort pa talaga sila na tumayo sa labas para lamang makita ako kahit ilang segundo lamang. Ipinikit ko ang aking mga mata nang unti-unting tumatakbo ang aking van. Masaya ako sa buhay ko ngayon. May sarili akong bahay. Maraming pera at ang dream kong career ngunit hindi ko mapigilang isipin minsan kung anong pakiramdam kung nandito sina Mommy at Daddy. Ano kaya ang pakiramdam kapag sinusuportahan ako nila? Ano kaya ang pakiramdam kapag nakikita ko sila pagtapos ng concert mo o habang nagc-concert ako? Hindi ko mapigilang mainggit noon. Kahit mataas ang nalipad ko na. Hindi ko pa rin magawang hindi ihalintulad ang buhay ko sa buhay ng iba na may sumusuportang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD