Chapter 2

1340 Words
Malakas ang hiyawan ang maririnig sa loob ng Philippine Arena. Hawak nila ang malalaking banner para sa akin. Sobrang dami ang dumalo sa aking concert. Ang iba ay galing pa sa ibang bansa. Dumayo lamang dito upang makita at makuha ng autograph ko. "Maraming salamat!" sigaw ko sa mga ito dahilan nang sigawan ng aking fans. Kumaway ako sa kanila. Ipinalibot ko sa buong arena ang aking paningin. Animo'y dagat sila sa aking harapan. Sumasabay sila sa aking pagkanta kanina. Isa ako sa may pinakamaraming fans at pinakamayamang celebrity. Kilalang kilala ako sa buong Pilipinas bilang magaling na actress, dancer, at singer. Marami na rin ang nagawa kong mga album. Nagbunga ang aking pagsisikap na maabot ang lahat ng aking mga pangarap. "Grabe talaga! Hindi ka pa rin kumukupas, Hope," ani ng Manager ko. Second name ang ginagamit kong pangalan sa showbiz. Pinalitan ko rin ang aking surname bago ako lumabas sa mga television. Hope Smith na ang pangalan ko. Iilan lang ang nakakaalam no'n at kasama na do'n ang aking manager. Ayaw kong malaman ng mga tao na galing ako sa mayamang pamilya. Isa pa, siguradong susugod ang media sa mga magulang ko kapag nalaman iyon. Limang taon na hindi ako pinapansin ng aking mga magulang. Nakikita ko ang mga ito minsan sa television. Minsan patago akong tumatakas sa aking Manager upang sumilip saglit sa Daddy at Mommy ko. "May delivery ka na naman, Hope." Lumingon ako sa aking secretary habang inaayos ng mga make-up artist ang buhok ko. "Saan galing?" kuryosong sabi ng Manager ko. Nagkibit lang ako ng balikat at inabot ang kulay pink na papel. "Your Secret Admirer?" basa ko rito. Kumunot ang aking noo saka napatingin nang pumasok ang mga lalaking may dalang mga iba't ibang bulaklak. "Sa secret admirer mo na naman ba galing ang mga ito?" masayang sabi ng hairstylist ko. "Sino ba 'yan? Halos araw-araw ka niyang binibigyan ng sandamakmak na mga bulaklak, ah." Pagod kong hinilot ang sintido. Mahihirapan na naman akong iuwi ang lahat ng mga bulaklak. "Sa inyo na lang 'yan," ani ko. "Nakakapagod nang mag-uwi ng bulaklak," saka sinandal ko ang likod sa upuan. "Talaga?!" sigaw ng bakla kong fashion designer. "Akin 'yong tulips, ha! Bibigay ko sa boyfie ko." Tumango lamang ako at hindi na nagsalita pa. Iisa lang naman ang makulit kong manliligaw. Ito lang pati ang iniisip kong magsasayang ng pera para sa akin. "Nandiyan na naman ang masugid mong manliligaw," bulong sa akin ng aking make-up artist. Huminga ako nang malalim. Pagod na ipinikit ang mga mata habang kaharap ang malaking salamin. Kahit ilang beses ko na itong tinataboy. Hindi pa rin ito nakikinig sa akin. Ayaw kong umaasa sa akin ang mga lalaki kaya minsan diretso ako kung magsalita sa mga ito. "Hi, Hope." Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin ako sa repleksyon ng salamin. Nagtama agad ang aming paningin ng masugid kong manliligaw. Guwapo naman si Jake. Maputi, mayaman, maganda ang katawan, at kilalang actor ngunit wala talaga akong nararamdaman para rito. Ni katiting na pagkagusto. Wala talaga. Ang priority ko lang ay ang aking career. Wala ng iba. Kahit pa 'ata lumuhod sa aking harapan ang mga guwapong lalaki ay hindi ako magdadalawang-isip na tanggihan ang mga ito. "Galing ba sa iyo ang mga iyan?" diretso kong tanong nang tumigil si Jake sa aking gilid. Kumunot ang noo nito saka tumingin kung saan ako nakaturo. "Nope." Umiling si Jake. Matagal niya itong tiningnan. Minsan kasi nagpapadala si Jake sa akin ng mga mamahaling pagkain galing sa five star restaurant kahit hindi ko naman sinasabing dalhin niya ako no'n. "I'm serious. Baka galing iyan sa fans mo. Ang dami naman ng mga bulaklak na 'yan." Malalim siyang bumuntong-hininga. Halata kay Jake na hindi ito nagsisinungaling. Sino naman ang mag-aaksaya ng pera at oras para lamang bigyan ako ng maraming bulaklak? Alam kong marami akong fans ngunit hindi basta-basta minsan ang ibang bulaklak na nakikita ko. Mga mamahalin ang iba. Kung gano'n mayaman ang nagpapadala sa akin? Umiling ako saka winaksi kaagad ang nasa isip ko. Nakasasakit lamang siya ng ulo. Pinaparami niya lang ang problema ko. "Ilang beses nang may nagpapadala ng ganiyang karaming bulaklak sa akin," sabi ko. Nakatitig sa aking repleksiyon sa salamin. "Iisang tao lang galing 'yan." Inabot ko sa kaniya ang pink na papel. Kinuha iyon ni Jake saka tinitigan nang maigi. "Mamahalin ang mga bulaklak na pinapadala niya," habang nakatitig pa rin sa letter. "Baka sobrang tagahanga mo lang." Nagkibit siya ng balikat saka ipinatong sa aking desk ang papel. Tumingin muli siya sa akin at ngumiti. "Anyway, I'm here because I want to invite you." Patago akong huminga nang malalim. Nagka-issue kami ni Jake noong sumama ako rito. Nagkalat ang mga litrato namin habang pinagbubuksan niya ako ng pinto gamit ang sariling sasakyan ko! Maraming nagalit sa akin na tagahanga ni Jake. Ang iba ay sinusundan ako upang takutin. Marami rin akong nababasang below the belt na mga comment kaya pinagpahinga muna ako ng manager ko sa mga social media ko. "Magiging busy ako ngayong buwan," sabi ko habang inaayos ang aking fake eyelashes. Mahaba naman ang pilikmata ko ngunit mas maganda kung mahaba pa ito lalo. "Kailan ka magiging free?" "Hindi ko alam." Pasimpleng tumingin ako sa aking mga kasama. Mabilis na nakuha ng aking manager kung anong ibig kong sabihin sa aking titig. "Naku, Jake! Kailangan na naming umalis. Hahabol pa kami sa shooting ni Hope. Bawal siyang malate doon," dahilan nito. Kita sa gilid ng aking mata na hindi tumingin si Jake sa aking manager. Nakatitig lang ito sa akin. Hindi ko nilingon siya at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng mga gamit ko. "Are you avoiding me?" Napatingin ako sa tanong nito. "Yes," I answered directly. Hindi ko naman kailangang magsinungaling dahil halata naman sa akin. "May nagawa ba akong mali?" Lumingon ako sa aking likod. Mabilis na nagsilabasan ang mga tao nang makita ang titig ko. Umayos ako ng upo saka tumingin muli kay Jake. "Look, Jake. Sasabihin ko ulit ito sa'yo," sabi ko. "Hindi kita gusto. Ayokong nililigawan mo ako at ayokong nangingialam ka sa mga gagawin ko." Umiling ako saka tumayo. Kita ang pag-igting ng panga nito. Halata ang galit sa mukha ngunit wala akong pakialam. Kung iyon ang nararamdaman niya sa sinabi ko hindi ko na iyon kasalanan. "Huwag mong sayangin ang sarili mo sa akin, Jake. You know that I'm a busy person. Hindi pa ako handa na pumasok sa isang relasyon." "I'm your perfect match, Hope," sabat niya. "We're famous, celebrity, and we both have a lot of fan." Umiling ako. "Parehas lang tayo ng estado pero hindi parehas ang nararamdaman natin, Jake," I said saka kinuha ang aking Chanel bag. "I don't like you, Jake. Accept it." Tinalikuran ko siya at naglakad paalis sa kaniyang harapan. Binuksan ko ang pinto. Agad na nagtumbahan ang mga make-up artist ko dahil sa biglaan kong ginawa. Kanina pa 'ata sila nakikinig sa loob. "A-Ayos na ba?" ang manager ko. "We can go now," habang sinusuot ang aking salamin. "How about your flowers, Hope?" Nilingon nito ang mga bulaklak. Maging sa labas ng dressing room ko ay may mga bulaklak din. Halos magmukha na itong garden sa sobrang dami. "Tapunin niyo na lang," balewala kong saad. "What?! Hindi mo iuuwi?" gulat na tanong ng manager ko. "Dalawang araw akong hindi uuwi sa bahay. I need to practice more for my upcoming song video." "Magpahinga ka rin minsan," pangaral niya sa akin. "Mayaman ka na. Hindi mo kailangang magpayaman pa." "I didn't do this for money. Wala akong pakialam do'n," taas noong sabi ko saka nilampasan sila. Naiwan si Jake sa loob. Mukhang natulala pa rin sa sinabi ko. Hindi naman bago sa kaniya iyon. Halos araw-araw ko ngang pinapaalala sa kaniya iyon, e. Ayaw lang talagang makinig sa akin. Masaya ako kung anong meron ako ngayon. Natupad ko ang aking mga pangarap gamit ang sariling suporta at paniniwala. Hindi ko na kailangan ang iba upang sumikat pa lalo. Masaya na ako na ganito. Okay na ako sa ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD