Impit ang aking sigaw. Malaki ang mata habang mahigpit na napakapit ang dalawa kong kamay sa kaniyang batok. Napatitig ako sa kaniyang mukha. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito kalapit. Sobrang kinis ng kaniyang mukha! Nahiya ako bigla! Magkasalubong ang kilay ni Rivas. Nakatanaw sa basa kong damit. Parang naiinis pa ito dahil nabasa iyon. Hindi ko naman iyon kasalanan, ah! Kinakabahan ang aking nararamdaman ngayon. Halos manigas ako habang buhat-buhat niya dahil nararamdaman ko ang kaniyang malaking kamay sa aking likod at hita! Alam ko namang hindi niya intensiyon iyon ngunit t*ngina! Hindi ko gusto ang biglang pag-init ng aking katawan! Kinikilig ba ako?! Nahihiya kaya?! Lihim akong napakagat-labi nang maramdaman ang matigas niyang tiyan at mainit niyang dibdib. Bumaba ang ak

