Halo-halo ang aking nararamdaman ngayon habang nakatingin sa mga dayuhang lumalangoy sa swimming pool. Nakaupo ako sa upuan habang hawak ang aking orange juice. Nasa ilalim ako ng malaking payong. Umaalon pa rin ang aking dibdib sa galit. Kanina pa ito! Mula no'ng sinabi ni Francine sa akin na baka kasama ni Rivas ang babae niya kaya wala siya sa kan'yang kuwarto! Hindi ko maipaliwanag pero nanlulumo rin ako ngayon. Parang bumigat ang aking pakiramdaman. Gusto ko na lang na magkulong sa aking kuwarto habang nakatitig sa kisame. Wala ako sa mood ngayong mag-swimming at makihalubilo sa kahit sino. Uminom ako habang ang aking dalawang siko ay nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nakasuot ako ngayong black bikini. Nakalugay ang aking buhok. Nadagdagan pa lalo ang aking inis nang mapansin ang mga

