Mahinang binuga ni Rivas ang kaniyang hininga, nanginginig iyon. Bahagyang nakabuka ang kaniyang bibig habang titig na titig sa akin. Pumatak ang isang butil ng luha ko sa pisngi. Ngumiti ako sa kan'ya. Hindi ito makakibo dahil sa aking sinabi kaya inabot ko ang kaniyang labi saka hinalikan. Nakapikit ako. Dama ang malambot niyang labi. Siya lang ang tanging taong hinayaan kong pumasok sa aking buhay. Akala ko dati nasira ang buhay ko dahil sa kaniya. Hindi ako makapag-focus sa aking trabaho kahit pinipilit ko ang aking sarili na huwag siyang isipin. Siya lang ang lalaking iniyakan ko bukod sa aking Daddy. Pero ang lahat palang iyon ay isang senyales na umiibig na pala ako kay Rivas. Hindi ako makapag-isip ng tama noon. Hindi ko mapigilan ang aking kilos o emosyon na dati naman ay m

