Napatigil ako sa paglalakad nang makita si Manang Betta sa labas ng bahay. Naghuhukay ito ng lupa gamit ang shovel. Naglakad ako at lumabas ng bahay, lumapit kay Manang Betta na abala pa rin sa pagtatanim ng bulaklak. “Bagong bulaklak po, Manang?”’ “Ay, susko ka!” Lumingon siya sa akin habang nakahawak sa kaniyang dibdib. May gulat na makikita sa mukha nito na aking ikinatawa nang mahina. “Ikaw pala ‘yan, Ma’am Hope.” Nginitian ko siya. Tumayo si Manang Betta at tumingin sa isang mga rosas. Hindi pa namumulaklak ang mga ito na nakalagay sa itim na plastik. “Binili ko po ‘yan. Ang ilan kasi sa mga bulaklak ay nagsimatayan na. Para rin pandagdag dito sa hardin.” Ipinalibot ko ang aking mata. Medyo nabawasan nga ang mga bulaklak ko dito. Ngayon ko lang ito napansin kahit araw-araw nama

