"Francine…" Napatigil kaming dalawa sa pagsasayaw nang marinig namin ang malamig na boses mula sa aming gilid. Sabay kaming napatingin sa may-ari nito at halos mapaatras ako nang matagpuan ng aking mata ang madilim at matalim na mga mata ni Rivas. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa amin dahil nawiwili ako kay Francine. Sumasayaw kasi ito habang hawak pa rin ang aking kamay. Sumasabay ako sa bawat indayog niya. "Brad." Hinawakan ni Francine ang balikat ni Rivas. Malaki ang ngiti nito. Halata sa mukha niya na medyo lasing na siya. "Kanina ka ba nandito? D*mn, brad ang daming chicks dito." Hindi naman naalis ang aking ngiti sa labi nang sabihin ni Francine iyon. Unang kita ko pa lang naman sa lalaking 'to ay alam ko ng playboy siya saka sinabi rin naman ni Rivas sa akin n

