Sa isang hotel ako dinala ni Tita Hayde. Hindi lang basta-bastang hotel ang pinagdalhan niya sa akin. Isa iyong exclusive hotel na para lang sa mga may VIP card. Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid na inuukopa ko.
“For the meantime ay dito ka muna sa hotel na ito mananatili. We will surprise my son tomorrow night,” nakangiting wika ni Tita Hayde sa akin. Excited tuloy ako sa magiging hitsura ko bukas. God! Gusto kong ako lang ang maganda sa paningin ni Hades. Ayaw kong tumingin ito sa ibang babae. Nginitian ko si Tita Hayde.
“Don’t worry Tita. I'm sure na maglalaway si Hades sa akin bukas ng gabi,” pakikisabay ko rito. Mas lumapad ang ngiti ni Tita Hayde.
“Make it happen, darling. Gusto talaga kita para sa anak ko. Make him yours,” buyo pa nito sa akin. Namula naman ang mukha ko sa sinabi nito.
“I will, Tita. And by the way, he already courting me.” Balita ko rito. Nanlalaki ang mga mata nitong tiningnan ako.
“Really?! Akala ko kayo na dahil nanghahalik ka na kanina. But, I'm so happy for the both of you!” masaya nitong ani sabay yakap sa akin. Namula ang mukha ko dahil pinaalala nito sa akin ang ginawa kong paghalik sa kanyang anak sa harapan nito mismo! Napangiti na lang ako kalaunan.
“Huwag mo ng pahirapan ang anak ko, I know, he likes you.” Seryoso nitong pahayag. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
“Magpapakipot po muna ako, Tita Hayde. Para naman ‘di niya isiping easy girl lang ako no!” nakanguso kong ani sa mommy ni Hades. Malakas naman itong natawa.
“Well, I will agree with you. Make him suffer, pambawi man lang niya sa pagpapasakit ng aking ulo.” Pilya nitong ani. Tumango ako rito.
“So, hindi na ako magtatagal. Take a rest. Ayaw kong makitang may pimples at may dark circles d’yan sa mga mata mo bukas. Ipagmamalaki kita bukas sa buong angkan ng Gonzales.” Bilin pa nito sa akin.
“Sige Tita, susundin ko po lahat ng payo niyo. Mag-iingat po kayo sa pag-uwi.” Bilin ko sa kanya.
“I will, hija. Tumawag ka lang sa hotel service kung may kailangan ka. It's all on me. ‘Kay?” muli nitong bilin. Kumaway pa ako bago ito tuluyang naglakad papunta sa elevator.
Namamangha pa rin ako sa loob ng hotel room. Damn! Iba talaga kapag mayayaman.
Kompleto naman ang mga pinamili namin, binilhan niya ako ng extra damit para sa pananatili ko ngayong araw hanggang bukas sa hotel na ito. May kinontak na rin itong make-up artist at hair dresser na mag-aayos sa akin bukas ng gabi. Six thirty in the evening, Hades will pick me up in the hotel lobby.
Nagbihis ako ng aking damit bago nahiga sa kama. Nakakapagod pala ang mag-shopping at magpa-salon. Well, sa salon, na relax ako kanina dahil nagpa-massage kami ni Tita Hayde.
Nang maramdaman ko ang lambot ng kama ay mabilis akong hinila ng antok at tuluyan akong nakatulog.
Tunog ng cellphone ang nagpagising sa akin. Kahit antok na antok pa ako ay pinilit ko ang sariling bumangon. Hinanap ng mga mata ko ang nag-iingay kong cellphone. Nang makita ko ‘yon ay agad kong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag sa akin. Nagising ang diwa ko nang makita ang pangalan ni Hades. I cleared my throat. Pinindot ko ang answer call button.
“Yes, hello?” pinalambing ko ang boses kong sagot sa tawag ni Hades.
“Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Kanina pa kita tinatawagan. Where have you been?” sunod-sunod na tanong ni Hades sa akin. Napailing na lang ako. He's pissed and annoyed. I can sense in his voice.
“Sir, nagpapahinga po ako kasi ‘yon ang bilin ng mommy niyo. She wanted me to look beautiful tomorrow night.” I explained to him with my sarcasm. I heard him groaned.
“Fine. Pero ngayon, pwede na kitang
madisturbo?” tanong nito. Lihim akong napangiti.
“Later. Tatapusin ko muna ang ginagawa kong report para wala na akong problema bukas sa date nating dalawa. ‘Kay? Ite-text na lang kita mamaya kapag tapos na ako. Pwede ba ‘yon?” malambing kong pakiusap dito.
He sighed heavily.
“Can you prioritize me first?” nasa boses nito ang pakiusap.
“Hades, kakaumpisa mo pa lang na manligaw. Tapos demanding ka na kaagad? Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang sinasakal ako,” I lied. Wala naman akong pakialam kung maging mahigpit ito sa akin. Again he sighed.
“Fine. But after your work, text me okay? Or much better kung magbi-video call na lang tayo. What do you think?” masaya na ang boses nito.
“No to video call. Let's just text each other, mas gusto ko ‘yon.” Pahayag ko.
“Anything you want, aking bughaw.” Sabi nito na siyang napakilig sa akin sa huling sinabi.
Dahil dala ko ang aking laptop ay mabilis akong nagtipa sa computer ko. I need to finish this as soon as possible. Nag-concentrate ako sa aking ginagawa. Nang matapos ako sa aking mga report ay agad kong isinara ang aking laptop at inilagay sa bag.
Nakaramdam ako ng gutom kaya naman mabilis akong tumawag sa hotel service. Sinabi ko rito na magpapa-deliver ako ng pagkain. Ilang minuto lang ang hinintay ko bago dumating ang order kong pagkain. Natatakam ako sa mga pagkain sa aking harapan. Nagsimula na akong kumain. Dahil sa gutom ay naubos ko ang in-order ko. Kinuha ko ang cellphone ko at umupo ako sa kama at isinandal ang likuran ko sa headboard. As I promised to Hades, ite-text ko ito. Ngunit mukhang naunahan na niya akong pinadalhan ng mensahe.
Hades (The Greek god):
Hey! What are you doing?
Napangiti ako nang mabasa ko ang text nito. Mabilis naman akong nagtipa ng reply sa binata.
Me:
Texting you. I'm done with my work. Ikaw anong ginagawa mo?
Hades (The Greek god):
I'm blushing right now. Know why?
Napakurap-kurap ako sa reply nito. Damn it! Kinilig ako.
Me:
And why are you blushing? May nagpapakilig ba sa ‘yong ibang babae d‘yan?
I teased him. Kagat-kagat ko ang aking pang-ibabang labi.
Hades (The Greek god):
Wala no! Ikaw kasi pinapakilig mo ako. You and me changing messages makes my heart flutter and make me blush.
Oh my goodness! My god! Napahawak ako sa aking puso nang biglang bumilis ang t***k niyon. Kinuha ko ang unan at dumapa ako sa kama.
Me:
Are you sure? Baka binubola mo ako.
Hades (The Greek god):
I will never do that. Sabi ko naman sa ‘yo, I'm serious about courting you.
Me:
Fine. Naniniwala na ako.
Hades (The Greek god):
Bakit feeling ko napipilitan ka lang?
Me:
Feeling mo lang ‘yon. Anyways, are you excited tomorrow night?
Hades (The Greek god):
Yeah! Can't wait to see you. Ngayon pa nga lang nami-miss na kita. (With sad emoji)
Mahina akong natawa sa emoji nito.
Me:
Nah! Baka bukas sa ibang babae ka nakatingin.
Hades (The Greek god):
Don't annoy me, Azean. I told you, my attention, and eyes are only for you. Paulit-ulit na lang ba.
Me:
Are you mad?
Hades (The Greek god):
No. How can I be mad at you? You're my woman.
Muli ay kinilig naman ako sa sinabi nito. I'm his woman!
Me:
Hindi pa kita sinasagot no!
Hades (The Greek god):
I don't care. You are mine to begin with.
Halos magpagulong-gulong ako sa kama dahil sa sobrang kilig.
Me:
Tsk! Assuming.
Hades (The Greek god):
Pero alam kong kinikilig ka na sa mga banat ko.
Me:
Asa! Sige na, I want to have my beauty rest. Ayaw ni Tita Hayde na magpuyat ako.
Hades (The Greek god):
Fine. Ito talagang si Mommy. Mukhang magkasundo na kayong dalawa ah.
Me:
Yep! She's so nice.
Hades (The Greek god):
Nah: She's not nice.
Me:
She is. Sige ka, isusumbong kita sa kanya.
Pananakot ko.
Hades (The Greek god):
Naghanap ka pa ng kakampi. But, I'm happy dahil magkasundo kayo.
Me:
Sige na bye! Tulog ka na rin para hindi halata bukas sa mukha mo na sobra mo akong na-miss.
Biro ko rito.
Hades (The Greek god):
Ang hangin ah! Bye! Take care okay?
Me:
You too. Good night.
Hades (The Greek god):
Dream of me.
Me:
I will.
Para akong bata na nagpagulong-gulong sa malambot na kama habang itinataas-baba ang aking mga paa. Damn it! Iba talaga kapag in love ka. Parang ang kulay ng buong paligid ko. Binuksan ko ang cellphone ko at hinanap ang picture ni Hades. I want to kiss him good night. Nang makita ang mukha nitong seryoso at halos magkasalubong ang mga kilay ay napangiti ako. Ang lalaking madaling mainis sa mga banat ko. I kissed the picture and hugged my cellphone. Ini-imagine ko na si Hades ang kayakap ko. I love you, aking hari ng kailaliman.
Kinabukasan ay maagang dumating ang mga inutusan ni Tita Hayde para sa family occasion ngayong gabi. Sa umaga ay may nag-masahe sa akin. Na relax ako at ilang oras ding nakatulog. May nag-deliver ng lunch sa amin. Bale, tatlo ang nagpunta sa rito sa hotel room. Isa para magmasahe sa akin. Ang isa ay make-up artist at ang isa naman ay hair dresser.
Panay ang text at tawag ni Hades sa akin. Pero lahat ng iyon ay inignora ko. I want him to miss me. Napangiti ako sa nag-upgrade kong mukha. Hindi sa pagmamayabang pero maganda talaga ako.
Pagtuntong ng alas-singko ng hapon ay sinimulan na nila akong ayusan. Inuna ang buhok ko. Naka-messy bun iyon at may itinirang ilang hibla ng buhok para parang dramatic ang awra. Isinuot ko na rin ang damit na binili namin. Gosh! Baka nga himatayin si Hades pagkakita sa hitsura ko mamaya.
Pagkatapos ayusin ang aking buhok ay ang mukha ko naman ang pinagtuunan nila ng pansin. Halos abutin ng kinse minutos ang pagmi-make up sa akin. Nang makita ko ang repleksyon sa salaming kaharap ko ay hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. I'm gorgeous! Halos hindi ko na makilala ang hitsura ko.
Kinakabahan ako. Nandito na ako sa lobby ng hotel at hinihintay si Hades na sunduin ako. Hindi naman matagal ang paghihintay ko at dumating na si Hades.
Nakita ko ang pagkamangha sa mga mata nito nang makita ako. Hinagod ako ng tingin ni Hades, mula ulo hanggang paa at pabalik. Nakagat ko tuloy ang pang-ibabang labi ko. Kitang-kita ko ang paghanga sa mukha nito.
“Can I keep you? Parang ayaw na kitang ipakita sa mga tao.” Pabulong nitong pahayag sa akin. Bigla akong nanliit sa aking sarili.
“Bakit? Hindi ba ako maganda?” may hinanakit sa boses kong tanong. Agad akong nilapitan ni Hades at hinawakan ang braso ko.
“Of course not! You're so damn gorgeous and sexy! Kaya nga gusto kong itago ka na lang eh, sigurado akong marami na naman akong kaagaw mamaya sa ‘yo,” parang bata nitong pahayag. Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nito.
“Thank you, and by the way, you're handsome tonight.” Puri ko rito.
“Ngayong gabi lang?” he teased me.
“Yeah. Ngayong gabi lang. Ka-date kasi kita eh kaya naging gwapo ka, at dahil kasama mo rin ako.” Pang-iinis ko rito.
“Tsk! Can you stop annoying me? Just tonight,” pakiusap nito. Umiling ako rito.
“Not gonna happen.” Sabi ko. Nakita ko ang pagsimangot nito na siyang ikinatawa ko. Mabilis ko itong hinalikan sa kanyang labi. He stunned. I smirked. Inilapit ni Hades ang labi nito sa tenga ko.
“Make sure that your lipstick is a kiss proof. Because I will smashed your lips later. Remember that.” Halos manindig ang balahibo ko sa sinabi nito.
Binigyan ako ng isang bouquet ng puting roses ni Hades nang makasakay kami sa sasakyan nito.
Pagdating sa mansion ng mga Gonzales ay nanlamig ang mga kamay ko. Kinakabahan ako. Paano kung pumalpak ako? O kaya paano kung hindi nila ako magustuhan? What will I do? Naramdaman kong may pumisil sa kamay ko.
“You’re cold and shaking. Are you nervous?” masuyong tanong ni Hades sa akin. Tiningnan ko ito at tumango ako.
“Want me to make you comfortable?” he asked again. Nasa loob na kami ng garden nila. Muli ay tumango ako rito.
Hindi ko inaasahan ang ginawa nito. He just kissed me! Nang maramdaman ko ang malambot nitong labi sa aking labi ay bigla na lang nawala ako sa aking huwisyo. Nakalimutan ko bigla ang kaba sa puso ko. Ipinulupot ko ang aking dalawang kamay sa batok ng binata. We kissed, not minding our surroundings. Nalalasing na rin ako sa sensasyong pinupukaw ni Hades sa buong pagkatao ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang masilaw ako sa ilaw na nagmumula sa spotlight. Damn it! Sa amin ni Hades nakatutok ang spotlight!
“Let’s welcome! My son, Hades Gonzales and my soon to be daughter in-law, Azean Sky Salazar! A round of applause for our amazing couple!” narinig ko ang boses ni Tita Hayde na siyang nagpakilala sa amin gamit ang hawak nitong microphone. Nag-iinit ang mukha ko dahil sa hiyang nararamdaman ko. Lahat ng tao ay nakatutok sa amin ni Hades. Malakas ang palakpakan sa buong paligid. They are cheering! Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng binata. Hinawakan naman ako ni Hades sa aking baywang at iginaya papunta sa isang mahabang mesa. Gusto ko sanang yumuko ngunit bumulong si Hades sa akin.
“Be yourself, don't look down and act naturally. Be confident, you are my woman, remember?” tumango ako sa sinabi nito.
God! Help me. Ipinalibot ko ang paningin sa mga taong nasa paligid ko. Ngunit nahagip ko ng pangin ang lalaking hindi ko inaasahang makikita ko rito. Anong ginagawa niya rito? At paano siyang nakapasok? He smiled at me. Itinaas pa nito ang kanyang hawak na kopita. Agad kong iniwas ang paningin dito. Ang puso ko ay parang lalabas na sa sobrang kabang nararamdaman. Damn it! He's planning something. Kailangan ko itong maunahan.