Chapter Seventeen

2130 Words
Nang makita kami ni Tita Hayde ay agad niya kaming nilapitan ni Hades. “Hija! You're so stunning tonight!” puri nito sa akin at niyakap ako. Napapangiti na lang ako. Nakipag-beso ako kay Tita Hayde. “You’re beautiful too, Tita.” Pahayag ko rito. Mas lumapad ang ngiti nito. “Thank you, hija. By the way, ipapakilala kita sa Daddy ni Hades. Come on!” excited nitong yaya sa akin at inagaw ako sa pagkakahawak ni Hades sa akin. Nakita ko ang pagsimangot ng binata na tinawanan ko lang. Nawala saglit sa isipan ko ang lalaking nakita kanina. Ano na naman kaya ang binabalak nito? “Hon! I want you to meet Azean Sky Salazar, our son's apple of the eye!” masayang pakilala ni Tita Hayde sa asawa nito. Ang gwapo-gwapo rin ng Daddy ni Hades, halos magkahawig ang dalawa. Malapad na ngumiti ang ama ng binata sa akin. Inilahad nito ang kaliwang kamay sa akin. “Nice meeting you hija, I'm Luciano, Hades father.” Pakilala nito. Mabilis kong inabot ang kamay ng Ginoo. “Same here, sir.” Ani ko. “Oh! Don't be too formal! Call him Tito Luciano, besides, tatawagin mo na rin kaming mommy at daddy soon kapag nagpakasal na kayo ng anak ko.” Bigla akong nahiya sa sinabi ni Tita Hayde, pero ang puso ko ay tuwang-tuwa sa narinig. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng daddy ni Hades. “Hon, mukhang ginugulat mo naman si Azean. Hayaan na natin ang mga bata sa ganyang bagay,” sabi nito. Tumikhim si Hades na nasa likuran ko. “Dad is right, ako na po ang bahala kung paano ko aayaing magpakasal si Azean, for the meantime ay ipanalangin niyo munang sagutin na niya ako sa panliligaw ko sa kanya,” pabirong wika ni Hades. Mas lalong lumakas ang tawa ni Tito Luciano. “Ikaw talaga Hon, nanliligaw pa nga lang itong binata mo, tapos kasal na agad ang sinasabi mo. Let them be, okay?” malambing na wika ni Tito. “Fine! Sabik lang naman akong magkaapo! Unico hijo lang natin si Hades kaya wala akong ibang aasahan na magbibigay ng apo sa akin kundi ‘yang anak mo!” parang bata nitong pahayag. Habang ako naman ay kasing pula na ng kamatis ang pisngi ko dahil sa sobrang hiya. Bakit kasi umabot na sa pagkakaroon ng anak ang usapan! “Mom, you're making Azean uncomfortable.” Saway ni Hades sa ina. Tumingin naman si Tita Hayde sa gawi ko. “Oh! Did I make you uncomfortable, hija? I'm sorry about that. I'm just excited to have a grandchildren. Ang tahimik kasi ng mansion eh.” Hingi ng paumanhin ni Tita sa akin. Nginitian ko lang ito. “It’s okay po Tita,” ani ko na lang. “Hijo, pwede ko bang hiramin si Azean sandali? Ipapakilala ko lang siya sa ibang kasapi ng pamilya natin.” Pakiusap ni Tita Hayde sa anak. Napangiti pa nga ako nang mag-puppy eyes ito. Mahinang bumuntonghininga si Hades. Para bang sumusuko na ito sa pagiging makulit ng ina. “Fine, pero ibalik niyo kaagad siya sa akin okay? Kahapon ko pa siya nami-miss.” Pagpayag ni Hades. Nakasimangot pa ito habang nakatingin sa akin. Napailing na lang ako. “Gusto mong i-kiss kita para mawala ang tampo mo?” I tease him. Nakita ko ang kasabikan sa mukha nito. Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi ko. “I want it too, aking bughaw. I want to ravish your lips. . . Later, but now I will just give you a simple kiss.” He said. Nagulat na lang ako nang hawakan nito ang panga ko at masuyo akong halikan sa aking labi. Mabilis lang ‘yon. Pero bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong sistema ko. Bumulong ito sa bandang tenga ko. “I will claim you after this party. This is my warning, hmmm.” Ilang beses akong napalunok dahil sa sinabi nito. What he mean by claim? Claim my lips or claim my- Oh my goodness! I'm not ready yet to lose my virginity! Oh God! Mahinang tumikhim ang daddy ni Hades. Muli akong nahiya. “Mana ka talaga sa akin. Alam mo bang dinaan ko rin sa santong paspasan ang mommy mo? Kaya, boom! Na-in love kaagad siya sa ‘kin!” biro na sabi ni Tito Luciano. Nakita kong kinurot ito sa tagiliran ni Tita Hayde. Ang sweet nila. “Huwag mong gayahin ang Daddy mo Hades ah!” pinanlakihan ni Tita Hayde ng mga mata ang anak. “Mom, kung ‘di madaan sa suyo, doon talaga ang tungo ko,” sakay nito sa biro ng ama. “That’s my son. At ang galing mong mamili ng babae. She's a beauty, you must keep her,” seryoso na ang boses ba saad ni Tito Luciano. Napangiti ako sa mga papuri nila. Sinulyapan ko pa si Hades bago ako tuluyang hinila ni Tita Hayde. I saw desire burning in his eyes. Napalunok ako. Hinawakan ako ni Tita Hayde sa siko ko. “Hi! This is my soon to be daughter in-law, Azean. Darling, this is Hades Aunties, Jelly, Laura, and Bianca.” Pagpapakilala nito sa tatlong babaeng nasa harapan namin. Nginitian ko sila. “Good evening, ma'am!” bati ko sa kanila. “Oh! You should call me Auntie from now on,” si Auntie Laura ang nagsalita. Isa-isa silang bumeso sa akin. “You’re beautiful! Anong work mo?” puri sabay tanong ni Auntie Jelly. Napalunok ako sa tanong nito. Nahihiya akong tumingin sa kanila. Hindi ko naman kinakahiya ang trabaho ko pero, parang ang liit ko lang tingnan sa tabi nila. “I am Hades personal assistant.” Pormal kong sagot. Tumaas ang kilay ni Auntie Bianca sa akin. “So, may nangyayari talaga sa totoong buhay na gan‘on. Ang amo nahuhulog sa empleyado. What an interesting story, right?” taas ang kilay na saad ni Auntie Bianca. “It’s an interesting love story talaga. And besides, wala naman sigurong masama kung magkagusto ang anak ko sa personal assistant nito?” may inis na tanong ni Tita Hayde kay Auntie Bianca. “Ahm, Auntie Bian-” “Oh! Don't call me that. You should respect your boss Aunt. Hindi kita pinayagang tawagin ako ng ganyan.” Mataray na pagsupalpal ni Bianca sa akin. Namula ang mukha ko dahil sa pagkapahiya. I bit my lower lip. Ngayon ko lang naramdaman ang layo ng agwat ng buhay namin ni Hades. Ang sakit pala kapag sinampal na sa ‘yo ang katotohanan. “Bianca! You should respect her!” saway ni Tita Hayde. “Respect? Hello? She's just a personal assistant of my nephew! Tell me, paano mo inakit ang pamangkin ko? Dinala ka na ba niya sa kama? O baka naman nagpabayad k-” “Shut up! Your words are below the bel-” putol ni Tita Hayde sa sinasabi ni Bianca, ngunit mas nagulat ako nang may magsalita mula sa likuran namin. May pumulupot na braso sa may baywang ko. “You should watch your words Auntie Bianca. How dare you insult my woman!” tila kulog ang boses na wika ni Hades sa kanyang auntie. Hinawakan ko ang kamay niya. Ayaw ko ng gulo, nakakahiya. Dapat pala hindi na ako sumama rito. I should really know my place. “Huh! Huwag mong sabihing hulog na hulog ka na sa kanya? I know that kind of woman, Hades! She just after your wealth! Kaya kung ako sa ‘yo, si Lucia ang piliin m-” “At anong karapatan mo para sabihin sa akin ‘yan? If you want Lucia, then go! Be her lover! The hell I care! Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang kinakanti ang babaeng mahal ko. Sa susunod na insultuhin mo si Azean, mawawalan ka ng mana.” Pananakot ni Hades sa Auntie nito. Nakita ko ang panlalaki at pamumutla ng mukha nito. “You can't do that!” nangangalaiti nitong sigaw. Seryoso ang mukha ni Hades na nakatingin kay Bianca. “I can, and I will. So, beware.” Matalim munang tiningnan ni Hades ang auntie nito bago binalingan ang ina. “Isasama ko na si Azean, Mom.” Paalam nito sa ina. Isang beses na tumango si Tita Hayde. “Sige hijo, and I'm sorry for what happened. Hija, sana hindi ka natakot ni Bianca. Don't worry, hindi naman lahat ng kasapi ng pamilya namin ay ganoon ang ugali.” Hingi nito ng despensa. Nginitian ko lang ito. Wala akong makapang salita. “At anong gusto mong palabasin na masama ang ugali ko?” inis na tanong ni Bianca. Tiningnan ito ni Tita Hayde. “Hindi nga ba?” balik tanong nito. Hinila na ako ni Hades papalayo sa kanila. Tahimik naming binaybay ang daan papasok sa loob ng malaking mansion. Akala ko sa silid niya ako dadalhin, pero dinala niya ako sa kusina. Pinaghila niya ako ng upuan. “Maupo ka, ipaghahanda kita ng pagkain.” Ani ni Hades. Sumunod naman ako rito. Hindi gaano kalaki ang kusina, ngunit kumpleto naman sa kagamitan. “Ilan ang kusina niyo?” tanong ko sa binata. “Lima. This one is mine.” Sagot ni Hades. Tumango-tango naman ako. Grabe! Limang kusina sa iisang bahay lang? Tsk! Ang yaman nga naman. Inilapag nito ang mango float at isang orange juice sa harapan ko. “Wow! Ang sarap nito!” excited kong kinain ang mango float. Umupo rin si Hades kaharap ko. Ilang araw ko na palang hindi ito iniinis. Gusto ko itong inisin ngayon dahil kinikilig pa ako sa sinabi nito kanina, na mahal niya ako. Gusto kong isipin na sana hindi joke ang sinabi niya. “Hades, tama naman ang auntie Bianca mo. Malayo ang agwat ng estado ng buhay natin sa isa’t-isa. Sabi ko naman sa ‘yo eh, langit ka at nasa putikan lang ako.” Wika ko. Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito. “At makikinig ka talaga sa kanya? Narinig mo ba ang sinabi ko kanina?” may galit sa boses nitong tanong sa akin. Nagkibit-balikat ako. “Oo, tama kasi siya. Siguro dapat ko na lang ibaling ulit kay H ang atensyon ko, katulad noon, ito lang ang gusto kong pakasal-” malakas na hampas sa mesa ang ginawa ni Hades. Natapon ang orange juice na iniinom ko kaya naman napatayo ako. Nanlalaki ang mga mata ko itong tiningnan. “Don’t annoy me, Azean. Baka parasuhan kita at kalimutan kong kailangan muna tayong magpakasal bago kita angkinin.” May warning na ang boses nito. Napalunok ako dahil sa kabang lumukob sa pagkatao ko. He's different, para bang nakakatakot ang binata ngayon. At dahil sa takot ay bigla ko na lang itong tinalikuran at patakbong lumabas ng kusina. Hindi pa malayo ang tinakbo ko nang may humila sa aking braso at takpan ang bibig ko. Akma akong manlalaban nang marinig ang boses ng isang demonyo. “Shhh. . . It's me Bradley. I know nagtataka ka kung paano ako nakapasok dito. Pero huwag mo ng usisain pa, because I have a lot of connection. May isang pasabog ang Gonzales clan ngayon at ‘yon ang hihintayin nating dalawa. Makinig kang mabuti sa ipapagawa mo sa ‘yo, dahil kung hindi, pareho kong pasasabugin ang bungo ng tatay mo at ni Alex, at s‘yempre, isasama ko si Hades, ang lalaking mahal mo.” Halos manlamig ang buong katawan ko sa sinabi nito. Lalo na nang banggitin nito ang pangalan ni Hades. Ayaw kong madamay ang binata sa problema ko. “Kapag may ginalaw ka sa kanila, wala kang mapapala sa akin.” Mariin kong ani rito. Hinawakan nito ang panga ko, agad ko namang pinalis ang kamay nitong nakahawak sa aking panga. Nandidiri akong mahawakan nito. “Don’t threaten me. I can do anything, Sky. I can.” Madiin nitong pahayag. “And now, let's call the attention of Hades Gonzales, the heir of Gonzales clan!” nagpalakpakan ang lahat ng tao. Nasa tago at madilim na bahagi kasi kami ni Bradley kaya hindi kami makikita o mapapansin man lang. Nakita ko ang pag-akyat ni Hades sa stage. Hindi maipinta ang mukha nito. Nagulat ako nang kunin ang pulang tela na napatakip sa ibabaw ng isang mesa. May nakalagay doon na isang kwintas na may limang klase ng bato ang pendant. Ang chain ay gold. Mukhang nagkakahalaga iyon ng milyon. “Yan ang kukunin mo, kapag nakuha mo ‘yan at naibigay sa akin, ay makakalaya ka na at si Alex sa organisasyon ko. At alam mo naman ang mangyayari kapag pumalpak ka hindi ba? Kaya ngayon pa lang isipin mo na ng mabuti ang gagawin mo.” Wika nito bago ako tuluyang pakawalan. Kumuyom ang kamao ko. Ito na, magsisimula na ang impyerno sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD