Chapter Fourteen

2171 Words
Lumapit sa akin ang mommy ni Hades. “Mabuti naman at nandito ka. I want to invite you this coming Saturday, it's our family occasion, and I want you to be there. Be my Hades date. Please?” pakiusap ng mommy ni Hades. Natigilan naman ako sa pakiusap nito. It's a family occasion, hindi naman ako kasapi ng kanilang pamilya eh. Okay lang sana kung girlfriend ako ni Hades, pero hindi eh. Isa lang akong personal assistant nito. Ni hindi nga ako nililigawan ng binata. Kaya aasa pa ba ako? Kahit naman may sinasabi ito at pinapakita sa akin na nagpapalakas ng pag-asa sa puso ko ay ‘di pa rin ako aasa. I cleared my throat and I shyly smile to Tita Hayde. “Ahm, eh. . . Hindi po ako bagay sa mga okasyong ganyan. Simpleng personal assistant lang naman po ako, at isa pa family occasion niyo ‘yon, hindi naman ako kasapi ng pamilya niyo eh. At isa pa nakakahiya.” At hindi rin ako girlfriend ni Hades, gusto ko sanang idugtong ‘yon. “Naku hija! Don't worry, ako naman ang nag-invite sa ‘yo eh. At isa pa, may naaalala kasi ako sa ‘yo, she is my best friend. Kaya lang maaga siyang kinuha ng Diyos. She's really like you,” malamyos ang boses nitong pahayag. Marahan pa nitong hinaplos ang aking pisngi. Bigla kong naalala ang aking ina. She's very kind and sweet too. Nagulat ako nang punasan ni Tita Hayde ang luha sa mga mata ko. Hindi ko pala namalayang umiiyak na ako. Tumayo si Tita Hayde at niyakap niya ako. Sisinghot-singhot kong pinahid ang aking luha. “Sorry po, naalala ko lang ang aking ina. Bata pa lang din po kasi ako nang kunin siya sa amin ng Diyos.” Paliwanag ko rito. Marahan nitong hinagod ang aking likuran. “Shhh. . . It's alright. Nandito naman ako, I can be your mom. And you know what? I like you for my son. Sana magustuhan ka ni Hades at maging girlfriend niya, magiging masaya akong ina sa buong mundo.” Sinero nitong pahayag. Kumalas na ito sa pagkakayakap sa akin. “Malabo po ‘yong mangyari Tita. Wala naman po akong maipagmamalaki sa sarili ko. At isa pa, ang hirap niyo pong abutin. Nasa tuktok kayo at nasa ibaba lang ako.” Pahayag ko kay Tita Hayde. Hinawakan nito ang magkabila kong braso at nagtitigan kaming dalawa. “Hija, walang mayaman o mahirap sa pag-ibig. Huwag mong sabihing hindi ka nababagay sa anak ko. Mahirap man o mayaman ang magustuhan ni Hades ay okay lang sa akin. Ang importante ay ang dito,” inilagay nito ang isa nitong kamay sa bandang dibdib ko, “ang nilalman nito, at ang kabutihan ng puso mo. ‘Yon ang mahalaga.” Seryoso nitong wika. Nakahinga ako ng maluwang dahil napakabait ni Tita Hayde sa akin. Hindi niya ako hinusgahan agad. Nginitian ko ito. “Salamat Tita Hayde.” Pasasalamat ko rito. Bumalik na ito sa kanyang upuan. “Can I ask you?” “What is it, Tita?” “Do you like my son?” seryoso na ang mukha at boses nito. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nahihiya akong aminin dito ang totoo, pero mas maganda na ngang sabihin ko na ang tunay na nararamdaman ko para sa binata. Tumango ako rito. Nagulat pa ako nang biglang sumigaw si Tita Hayde. “Really?!” parang hindi ito makapaniwala sa naging sagot ko. Tumango-tango lang ako rito. Kitang-kita ko rin ang kasiyahan sa mukha nito. “Mukha yatang masaya kayong dalawa ah. Here's your order.” Wika ni Hades na kakapasok pa lang. Inutusan kasi ito ng kanyang ina na bumili ng pagkain para masolo ako ni Tita Hayde. “Yeah, I'm really happy son.” Si Tita Hayde. Ngumiti naman si Hades dito. “And what makes you happy?” “Ah, it's a girl thing. Itong si Azean kasi eh, may sinabing crush daw niya. Kaya ayon, kinilig ako. Kaya son, kung ako sa ‘yo, bilis-bilisan mo na ang kilos mo at baka magising ka na lang na wala na siya sa tabi mo. Ikaw rin, magsisisi ka.” Halos magdugo na ang aking labi dahil sa diin ng pagkakakagat ko. Nilingon naman ako ni Hades. Tinitigan ko lang ito na para bang, o, anong tinitingin-tingin mo? Look. “It will not gonna happen.” Madiin nitong sambit. Lumapad naman ang ngisi ni Tita Hayde. “That‘s my son! I like her for you. And promise, hindi na kita iba-blind date pa sa ibang babae kapag niligawan mo si Azean.” “Tita!” nanlalaki ang mga mata kong pahayag dito. Nakakahiya kay Hades. Baka kung anong isipin nito. Tumawa lang si Tita Hayde. “I gotta go! Enjoy! Anyways, son, I invited Azean to our family occasion this coming Saturday. She will be your date. Bye!” pahayag nito sa anak bago nagpaalam. Nang mawala sa paningin namin si Tita Hayde ay bumalik ang nararamdaman kong hiya para sa binata. Kung ano-ano kasing pinagsasabi ni Tita Hayde eh! Tinakpan ko ng dalawa kong palad ang aking mukha. “So, anong pinag-usapan niyo ni Mommy? Mukhang close na kayong dalawa ah,” narinig kong pahayag ni Hades. Hindi ako sumagot dito. Nahihiya pa rin akong tumingin sa binata. “Hey, sino naman ang sinasabi ni Mommy na crush mo raw?” tanong ulit nito sa akin. Umiling-iling ako rito. Ngunit nagulat ako nang may yumakap sa akin mula sa likuran ko. “Are you okay?” malambing nitong bulong sa akin. Napilitan akong harapin ang binata. Abot-abot ang kaba ko dahil sa paglalapit ng katawan namin. “O-oo naman, b-bakit mo naitanong?” nauutal ko pang tanong sa binata. Tinitigan niya ako at mabilis na sinakop ang aking labi. Para akong natuod sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw. Ngunit nang maging mapusok ito sa paghalik sa akin ay ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang labi ng binata. May sarili na ring isip ang kamay ko at pumulupot ang kamay ko sa kanyang batok. Doon ako kumuha ng lakas. Dila sa dila, laway sa laway ang naging labanan namin. Ginalugad nito ang loob ng aking labi. Halos mapugto ang aking hininga dahil sa ginagawa nito sa aking bibig. Tinulak ko si Hades nang kapusin na ako ng hininga. Nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Maging ako ay ganoon din. Hindi ko alam kung bakit niya ako hinalikan. “Can I court you?” hinihingal nitong tanong sa akin. Napatitig ako sa kanyang mukha. Hindi ko sigurado kong pinaglalaruan niya ba ako o seryoso ito? O baka naman dahil gusto ako ng mommy niya? Itinulak ko ito palayo at tumayo ako at dumisntasya sa binata. “Sigurado ka ba d‘yan sa tanong mo? O baka naman dahil gusto ni Tita Hayde na ligawan mo ako kaya mo ako inaaya?” seryoso kong tanong sa binata. I want to make sure. Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito. “Anong gusto mong palabasin? Na minamanipula ako ni Mommy kaya gusto kitang ligawan?” may inis nitong tanong sa akin. I sighed. “Hindi nga ba‘t pumayag ka na makipag-date kay Miss Lucia dahil nireto ito ng mommy mo? Ano bang alam ko kung ganoon din ang gawin mo sa akin?” paglilinaw ko rito. Marahas itong bumuntonghininga. “Iba naman ‘yon. Pinagbigyan ko lang si Mom. Hindi nga ba at tumanggi na ako sa pangalawang date na sinet-up nito? Dahil ang sabi ko may nagugustuhan na akong ibang babae.” Paliwanag nito. “Alam ko naman kung sino ang gusto mong babae at mahal mo eh. It's Bhie, kaya don't mind Tita Hayde. I will explain to her that we are just frie-” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sinakop na nito ang aking labi. Muli ay lumukob sa akin ang kakaibang init na hatid ng labing kahinang ko. Nanghihina ako kaya napakapit ako sa braso ni Hades upang kumuha ng lakas. Mabuti at hinawakan nito ang baywang ko kundi ay bubuway ako. Halos mapugto ang hininga naming dalawa dahil sa intense ng aming halikan. Binitiwan niya ako at tinitigan sa aking mga mata. “I loved Bhie, but I think I already move on. Ilang buwan ng nawala sa utak ko si Bhie. Ikaw na ang pumalit sa kanya, parati kang laman ng isipan ko. Walang kinalaman ang Mommy sa pagkakagusto ko sa ‘yo, and I'm happy that she likes you. Hindi na ako mahihirapan pang ipakilala ka sa kanila.” Paliwanag nito sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinasabi nito. “Sigurado ka na talaga? Malayo ang agwat nating dalawa. Langit ka at nakalubog naman ako sa putikan. At kapag nalaman mo kung sino talaga ako ay baka mandiri ka at pagsisisihan mong ako ang nagustuhan mo.” May bahid na takot sa boses ko. May misyon pa ako, at kailangan ko ‘yong tapusin. Paano kapag tapos na ako? Makakaya ko kayang mapalayo sa binata? Sigurado akong pareho kaming masasaktan na dalawa. “Gusto mo bang halikan pa kita para maniwala kang gusto kitang ligawan?” seryoso nitong tanong sa akin. Napalunok ako sa sinabi nito. Though gusto ko ang halik nito ay ayaw ko namang magpahalik pa at baka hindi na lang halik ang pagsaluhan naming dalawa. Seryoso ko itong tiningnan sa kanyang mga mata. “Ayaw ko lang na masaktan tayong pareho. Hangga’t maari, gusto kong maging magkaibigan na lamang tayo. Katulad ng dati, you hated me. Mas gusto ko ‘yon.” Seryoso kong ani rito. Masaya ako na gusto niya ako, pero natatakot akong kamuhian niya kapag nalaman ko ang totoo kong pakay. I don't want to hurt him. He was brokenhearted when I entered his life, I don't want to left him brokenhearted again. Dapat matagal ko na siyang iniwasan eh, pero suwail itong puso ko eh. Ayaw papigil. Tsk. Iniwas ko ang mga mata ko nang makita ang sakit sa mga mata ng binata. Kapag hindi ako ngayon naging matatag, baka bumigay ako. Hinawakan ni Hades ang baba ko at pilit na hinaharap sa kanya. “Listen, I don't hate you okay? Maybe, I was annoyed and pissed by you, but I never hated you. Can you give me a chance? Maybe magustuhan mo ako,” pakiusap nito. Gusto na nga kita eh. Gusto ko sanang isigaw. Itinikom ko na lang ang labi ko. “I will think about it.” Sabi ko na lang. Uwian na kaya naghanda na ako para umalis. Kailangan ko pang kunin ang motor ni Alex at iuwi sa bahay. “Hades, mauuna na ako. May gagawin kasi ako eh,” paalam ko rito. “Sabay na tayo,” yaya nito. Umiling ako. “No. This is important.” Tanggi ko kaagad. “Magtatagal ka ba?” may lungkot sa boses nitong tanong sa akin. Umiling ako. “Mabilis lang naman ako, may ihahatid lang. Hintayin mo na lang ako sa condo mo. If you want, ipagluto mo ako. Are you good in cooking right?” wika ko. Nakita ko ang ngiti nito. “I love too. Sige, bilisan mong umuwi okay?” ani nito. Tumango lang ako at tuluyan ng lumabas sa office ng binata. Pinark ko ng maayos ang motor sa maliit na garahe ng bahay ko. Bumili ako ng take out na pagkain para kay Tatay. Pagpasok ko ay nakita ko ang aking ama na nanonood ng television. “Tay.” Tawag ko rito. Mabilis itong lumingon sa akin. “Anak! Mabuti at umuwi ka! Kumusta ka naman?” magiliw nitong tanong. Hinalikan ko ito sa kanyang pisngi. “Mabuti lang po ‘Tay. Kayo po kumusta?” tanong ko rito. “Mabuti naman ako anak. Ano ‘yang dala mo?” tanong nito sabay turo sa plastic bag na dala ko. “Take out ko po para sa inyo. Kumain na kayo?” “Hindi pa nga. Salamat anak ah. Ngayon na talaga ako tumino kung saan binigyan kita ng malaking problema.” Nahihiya nitong pahayag sa akin. “Okay lang po ‘yon. Kinakaya ko naman eh. At kakayanin ko para sa ating dalawa. Kapag natapos ko ang misyon kong ito, magbabagong-buhay tayong dalawa ‘Tay, sa malayong lugar, ‘yong walang nakakakilala sa atin.” May lungkot sa boses kong ani. “Anak, may problema ka ba?” seryosong tanong ni Tatay. “I’m in love. Pero ilang buwan na lang at matatapos na ang aking misyon. At isa pa hindi talaga kami pwedeng dalawa. Masasaktan lang kaming pareho,” hindi ko napigilang magsabi sa aking ama ng tunay kong nararamdaman. “Eh ‘di mahalin mo siya hangga’t magkasama pa kayo. Hindi mo hawak ang kinabukasan mo, mas mabuting sumugal ka sa pag-ibig ngayon, kaysa pagsisisihan mong hindi ka sumugal dahil lang sa natatakot ka.” Payo ni Tatay sa akin. Tama nga ito. Baka may plano ang tadhana para sa aming dalawa. Sana nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD