Chapter Thirteen

2215 Words
Kinabukasan ay masaya akong pumasok sa loob ng office ni Hades. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil ramdam kong gusto ako ng nanay ni Hades para sa anak nito. May pag-asa kaya ako sa binata? Azean, please huwag ka ng umasa. Masasaktan ka lang sabi eh, bakit ba ang tigas ng ulo mo? Paalala ng utak ko sa akin. Kaya bigla na lang nawala ang kasiyahan sa puso ko. “Magta-trabaho na ako.” Paalam ko sa binata. Tumango lang ito sa akin. Pero kita ko naman ang kislap ng kasiyahan sa kanyang mga mata. Nang makaupo ako sa swivel chair ko ay sinimulan ko na ang pagtitipa ko. Seryoso ang mukha ko habang nagtitipa ako nang tumunog ang cellphone ko. Nabasa ko ang pangalan ni Alex sa screen ng cellphone ko. Agad ko ‘yong sinagot. “O, Alex? Napatawag ka?” tanong ko rito. “Can you do me a favor?” mahina nitong tanong sa akin. Kumunot naman ang noo ko. “Anong favor naman?” tanong ko. “Ikaw na ang magmaneho ng motor ko pabalik sa bahay mo mamaya. May gagawin lang ako, emergency.” Mabilis nitong pahayag. “Sige. Iwan mo na lang ang susi sa dating taguan. Ako ng bahala. Send me the address.” “Salama-” nagulat ako nang may umagaw sa aking cellphone. “Azean is still working. Huwag kang disturbo. Next time, don't call her when it's still a working time. Am I clear?” seryosong tanong ng binata kay Alex. Nakanganga lang ako habang pinagmamasdan ang binata. Inilapag nito ang cellphone ko sa aking mesa. “Hindi ba at sabi mo, kapag pinagtapat ko ng nagseselos ako kay Alex ay hindi ka na makikipag-text o tawagan sa kanya?” parang bata nitong tanong sa akin. Ang cute pa nito dahil nakanguso. “Oo, pero emergency ‘yong itinawag niya sa akin. May pinakiusap lang siya sa akin.” Paliwanag ko rito. “Ako, pwede mo na ba akong maging text mate? O call mate kaya?” sunod-sunod nitong tanong sa akin. Bigla kong nakalimutan ang paalala ng utak ko kanina sa akin. Napangiti ako sa sobrang kilig na nararamdaman. “We can do both. Gusto mong subukan?” nakangiti kong tanong dito. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha nito. “Really? We can do it both? I can text you after our work, or I can call you if I want to talk to you? Hindi ba ganoon ang ginagawa ng mga mag-text mate at call mate?” excited nitong pahayag. “Yup. So, wanna try?” tanong ko rito sabay kindat. Nakita ko ang gulat sa mukha nito. Napailing ako at natawa sa naging reaksyon nito. “Doon ka sa table mo, tapos ikaw ang unang magte-text sa akin. Mag-re-reply naman ako. Ano game ka?” tumaas-baba ang kilay kong tanong dito. Nag-approve sign sa akin ang binata. Mabilis itong umupo sa kanyang swivel chair at kinuha ang cellphone. Habang ako ay hindi mapigilan ang kiligin. Damn it! Ako ang nag-suggest pero ako ‘yong mas kinilig. Nagulat pa ako nang tumunog ang cellphone ko. Nanginginig ang kamay kong binuksan ang mensahe. Galing ‘yon kay Hades. Napakagat-labi ako nang buksan ko ang mensahe nito. Hades: Hi. How are you? Damn! Ang puso ko parang lalabas na sa sobrang lakas ng t***k niyon. Hindi ko sinulyapan si Hades. Nagtipa ako ng mensahe rito. Me: Hello. I'm fine. Ikaw, anong ginagawa mo? Mahina akong natawa dahil para kaming mga baliw ni Hades. Nasa loob lang kami ng opisina at nagpapalitan pa kami ng mensahe. Hades: Staring at you. Bigla akong nag-angat ng paningin at nagtama ang paningin namin ni Hades. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas-lakas ng t***k niyon. Nang ngumiti ito ay para akong nililipad sa alapaap. Nakaawang pa ang labi ko habang nagtitigan kami. Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko. Binalingan ko ang nag-iingay na cellphone. Nabasa ko ang pangalan nito sa screen. He's calling me! Mabilis kong sinagot ang tawag nito. I cleared my throat. Sinulyapan ko siya saglit, nang makita ko ang titig nito ay bigla kong ibinaling ang paningin ko sa harapan ng computer ko. “H-hello?” damn! I stammered! Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa sobrang hiya. Akala ko ba madali lang makipag-text mate at makipag-call mate? Narinig ko ang mahina nitong tawa. Ngunit hindi ako lumingon sa banda nito. “Are you blushing?” tudyo nito sa akin. Mas nag-init ang dalawang pisngi ko. “Nope. I am not.” Deny ko. “You’re beautiful while blushing.” Napakagat-labi ako sa papuri nito. Kinalma ko ang sarili ko. “Are you kidding me? Alam ko namang hindi ang tipo kong babae ang magugustuhan mo eh.” Ani ko pa. “Who told you that?” seryoso na ang boses nito. “Ako. Alam mo ang katulad niyong mayayaman ay para lang din sa mayayaman. Ako, walang maipagmamalaki sa buhay. Nakalubog ako sa putikan.” Paliwanag ko rito. “You don't have the right para pangunahan ang nararamdaman ko.” Napatingin ako sa direksyon ng binata nang marinig ko ang galit sa boses nito. Muli ay nagtama ang paningin naming dalawa. Ang intense ng mga titig nito sa akin kaya ako na ang unang umiwas. “Sabagay. But for me, I will always know my place.” “Whatever. Can I invite you?” pag-iiba nito ng topic. “Saan naman?” “Lunch. Gusto kong makasabay kang kumain ng lunch.” Nakagat ko ulit ang pang-ibabang labi ko. “Su-” “Sir Hades!” naputol ang pagsagot ko nang biglang pumasok si Kia sa loob ng opisina ng binata. Nagulat kami kaya hindi namin kaagad naibaba ang mga cellphone namin. “Yes?” si Hades ang unang nakabawi. “Ibababa ko na muna ang tawag.” Pabulong kong wika. “No, don't hang-up.” Sagot ng binata. Nakita ko ang pagpalipat-lipat ng mga mata ni Kia sa aming dalawa ni Hades. Iniwas ko ang paningin ko sa dalaga. “Sir, do you mind if tatanungin ko kung sino ang kausap niyo?” may panunudyo sa boses ni Kia. Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone na hawak ko. Pinindot ko ang end call button. Nakakahiya kay Kia. “Azean! Bakit mo ako pinatayan ng tawag?” kunot na kunot ang noong tanong ng binata. Hays! Pinandilatan ko ng mga mata si Hades. Alam naman niyang nasa harapan namin si Kia. Hindi ko ito sinagot dahil sa sobrang hiya. Malakas na tumikhim si Kia. “So, nagtatawagan kayong dalawa? Eh, nasa loob lang naman kayo ng opisina. Why calling each other? It's weird.” Tanong at komento ni Kia sa nasaksihan sa aming dalawa ng binata. “We are text mate and call mate, kaya nagtatawagan kaming dalawa,” balewalang sagot ni Hades. “Kahit na! Para kayong mga baliw. Malapit na nga kayo sa isa’t-isa, eh nagtatawagan pa. Tsk.” Naiiling na saad ni Kia. “Ano bang pinunta mo rito?” may inis sa boses ni Hades. “Heto. You need to sign this. Kailangan ko ‘yan ngayon before lunch.” Imporma ni Kia. “You may leave.” Si Hades. Sinulyapan ako ni Kia at binigyan ng warning look. Ang ibig sabihin niyon, marami akong ipapaliwanag dito. Tsk. Parang dinaanan kami ng anghel nang lumabas si Kia. Kinalma ko ang sarili ko at nagsimula ng magtipa. “Sa susunod, huwag mo akong bababan ng tawag.” Warning nito sa akin. Nilingon ko ito. “Ginawa ko ‘yon dahil nand‘yan si Kia. Kita mo nga, sinabihan niya tayong baliw.” “I don't care ‘bout her. Basta kapag tumawag ako, kahit anong mangyari huwag na huwag mo akong bababaan. Okay?” ang kulit talaga. Wala akong nagawa kundi ang tumango rito. Nakita ko ang pagngiti nito. Nang sumapit ang lunch time ay sabay na nga kaming kumain ni Hades. Sa isang exclusive restaurant niya ako dinala. Pinaghila ako ng upuan ng binata. Pilit kong nilalabanan ang kilig na nararamdaman ko. “Hello ma'am and sir! What's your order?” magalang na tanong ng waiter. Nakatitig lang ako kay Hades habang ibinigay nito ang order sa waiter. Ang gwapo-gwapo niya talaga. “Azean, anong order mo?” narinig kong tanong ni Hades. “Ikaw.” Wala sa sarili kong sagot. Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang malakas na tawa ni Hades, nakita ko rin ang pinipigilang tawa ng waiter. Nang ma-realize ko ang nasabi ay gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa hiya. “Sorry, Honey, but I'm not on the menu. Maybe on our dinner, pwede ako.” He teasingly told me. Malakas ko itong inirapan. “Kung anong order mo ay ‘yon na rin ang akin.” Sabi ko na lang. Tahimik kaming kumain na dalawa. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina. Nakakahiya! “Gusto mo bang mag-order ng dessert?” tanong nito sa akin. Umiling ako. “Why you don't want to speak? Still ashamed?” tanong ulit nito. Pinanliitan ko ito ng mga mata. “Huwag mo akong iniinis.” Madiin kong pahayag dito. Mahinang natawa si Hades sa sinabi ko. Nakasakay na kami ni Hades ng elevator. Nagulat ako nang pasimple nitong hawakan ang kamay ko at pinagsiklop iyon. Nag-angat ako ng paningin sa binata. Hindi ito lumingon sa akin. Pero kitang-kita ko ang ngiti nito sa kanyang labi. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ng binata. Sinulyapan niya ako pero pinandilatan ko lang ito ng mga mata. Walang salitang namutawi sa mga labi naman. Action speaks louder than words, ika nga. Aasa na ba ako? Napailing ako sa tanong ng utak ko. Magkahawak-kamay pa rin kami hanggang sa makalabas kami ng elevator. Akmang papasok na kami sa loob ng office nang harangin kami ni Kia. May nanunudyong mga titig itong nakatingin sa amin. Bumaba pa nga ang kamay nito sa magkahugpong kamay namin ng binata. Hihilahin ko na sana ang kamay ko nang mas lalo niya ‘yong higpitan. “Sir. Pwede ko bang mahiram saglit ang kaibigan ko?” nakangiting paalam ni Kia kay Hades. Nilingon ko ang binata at nakita ko kung paano nagdilim ang mukha nito. “Fifteen minutes lang, okay? I don't want to miss her,” pagpayag nito. My heart skip a beat when he said, he's going to miss me. God! Ang puso ko. I saw Kia smirked at me. Inirapan ko lang ito. “Fifteen minutes! Okay.” Sang-ayon ni Kia. Nang mawala sa paningin namin si Hades ay pinaghahampas ako ni Kia sa balikat ko. “Aray! Papatayin mo ba ako?” kunwa’y inis kong saway rito. Nginisihan lang ako ni Kia. Akala ko titigilan na niya ako nang bigla na lang niya akong sinundot-sundot sa aking tagiliran. Napapaigtad ako sa bawat sundot nito. “Tigilan mo nga ako! Nakikiliti ako! Ano ba!” saway ko sa kaibigan. “Anong kaganapan ang meron kayo ni sir Hades? Ano ‘yan, sala sa init, sala sa lamig? Tapos kanina, magkasama sa opisina, nagtatawagan pa? Ano ‘yon? At ngayon naman magkasamang nag-lunch at may pa-holding hands pa. Hmm. . . Something is going you two, right?” tsismosang sunod-sunod na tanong ni Kia sa akin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. “Hindi ko pa alam. Wala pa kaming label na dalawa.” Honest kong sagot dito. “Papunta na rin ‘yon d‘on. Tsk. Pero gusto mo na siya?” tanong ni Kia. Isang beses akong tumango rito. Nagulat pa ako nang tumili ito kaya naman mabilis kong tinakpan ang bibig nito. “Shhh!” saway ko rito. Magsasalita pa sana si Kia nang lumabas si Hades mula sa office nito. “Time is up! Pumasok ka na Azean.” Seryosong utos ni Hades sa akin. Nginitian ko lang si Kia at nagpaalam na rito. Nang makapasok kami sa loob ng opisina ay bigla akong niyakap ni Hades. “I miss you.” Bulong nito. Dahil sa gulat ay hindi ako nakaimik. Nang bitiwan niya ako ay isang ngiti ang namutawi sa labi nito. Habang ako ay gulat na gulat. “Tsk. Hindi na ako papayag na hiramin ka ni Kia sa susunod.” Wika pa ni Hades. “H-ha? Bakit naman?” nagawa ko pang magtanong. “Kasi na-miss kita kaagad.” Napakurap-kurap ako sa sinabi nito. “Hades. Huwag mo akong paasahin. Ayaw kong masaktan.” May takot sa boses kong pahayag dito. “Hindi kita pinapaasa. I'm serious.” Nakikita kong sensiro nga ito. Hindi ako nagsalita. Ilang beses akong napalunok nang unti-unting bumaba ang ulo nito habang nakatitig sa aking labi. Ipipikit ko sana ang aking mga nang may kumatok sa opisina ni Hades. “Damn it! Kung sino man ang kumakatok sa labas, I will fire her or him.” Galit nitong bulong sa akin. Napangiti na lang ako. Inayos ko ang sarili at bumalik ako sa aking mesa. Nang buksan ni Hades ang pinto ng opisina nito ay pumasok ang ina ng binata. “Hija! I'm glad you're here!” magiliw nitong pahayag. Napangiti ako sa ginang. “Tita.” Wika ko. Gumaan ang pakiramdam ko nang yakapin ako ni Tita Hayde. Ang sarap sa pakiramdam habang nasa bisig ako ng ina ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD