“Alex, may mission tayo kaya bilisan mo d‘yan!” sigaw ko sa labas ng silid ng kaibigan ko. Kailangan naming makakuha ng one hundred thousand pesos para payagang makapag-bakasyon si Alex ng boss namin. Mukhang may papalit na rin sa lider namin dahil matanda na ito. Dinig namin ay ang anak daw nito ang papalit dito. Tsk! Kahit sino pa ang pumalit dito ay wala pa rin namang magbabago eh. Masasama pa rin kami, magnanakaw. Baka nga mas malala pa ang anak nito sa pamamahala sa sindakatong kinabibilangan namin.
“Palabas na!” malakas na sigaw nito pabalik sa akin. Sa ngayon ay nasa iisang bahay kami ni Alex nakatira. Nakiusap ang gago na dito muna makituloy sa akin dahil wala itong matutuluyan. Ibenenta kasi nito ang dating bahay. Mukhang may pinaplano ang kaibigan ko.
“Hoy! Tapos na ako! Tara na!” kalabit ni Alex sa akin. Tumango ako rito. Nakasuot ako ng isang itim na oversized t-shirt, pinatungan ko ng isang itim na leather jacket. Itinali ko ang aking buhok at isinuot ang baseball cap ko. Ripped skinny jeans ang pang-ibaba ko na tenernuhan ko ng puting sneaker. May suot akong itim na relo. Inilagay ko sa tagiliran ang kalibre kwarenta‘y singko kong baril.
Si Alex naman ay naka-all in black costume. May suot din itong itim na baseball cap.
“Susi!” sigaw ko sabay tapon ng hawak kong susi rito. Mabilis naman niya ‘yong nasalo. Pinaandar na nito ang motor at mabilis na akong umangkas sakay sa likuran ni Alex. Tinanggal muna namin ang suot naming baseball cap at isinuot ang helmet.
Dahil isang racer si Alex ay mabilis kung magmaneho ito. Walang kaba. At swabe ang pagpapatakbo.
Ilang minuto pa ay nasa isang malaking hotel na ako. Gabi na kaya naman makikita mo kaagad ang mga ilaw na nagmumula sa building.
Bumaba na ako sa sasakyan ni Alex. Ang kaharap ng hotel ay isang Luxury building na may mga iba’t-ibang nakahilerang mamahaling gamit. At doon papasok si Alex.
Nanakawin nito ang isang alahas na nagkakahalaga ng halos kalahating milyon. Kailangan namin ‘yong makuha upang makapag-bakasyon si Alex. Kaibigan ko siya at lahat gagawin ko para matulungan ito. Alam kong may plano ito para makawala na kami sa impyernong buhay namin sa kamay ng mga sindikato.
“Sige na, pumwesto ka na. Ilalagay ko muna sa magandang pwesto itong motorsiklo. Huwag mo na akong hintayin mamaya. Kapag nakuha ko na ang alahas ay sumibat ka kaagad. Magkita na lang tayo sa bahay. Ako na ang maghahatid ng alahas kay Boss!” bilin nito sa akin.
“Copy! Mag-iingat ka.” Ani ko rito. Medyo kinakabahan ako sa gagawin ni Alex. Walang problema sa akin dahil hindi naman ako ang magnanakaw.
Mas nag-aalala ako kay Alex. Mabuti na lang at may isang salita ang lider ng sindikato namin.
“Ako pa ba! Alam mo namang may pangarap pa ako. Alam mo ang mga sikreto ko. Kailangan kong makapag-training, hindi ko hahayaan na maging myembro na lang tayo ng sindikato habang-buhay.”
Sumakay na ako ng elevator papunta sa fourteenth floor. Last week ko pa inilagay ang ibang gamit ko roon sa silid. Kaya pang-isang linggo rin ang binayaran ko.
Nang makarating sa kwartong inuukopa ay mabilis ko ‘yong binuksan.
Sinigurado kong naka-lock ng mabuti ang aking silid. Inilabas ko ang aking laptop at inilagay sa tenga ko ang earpiece. Mabilis kong kinalikot ang aking laptop.
“Alex, do you hear me?” tanong ko rito.
“I’m on.” Sagot nito. Nakahinga ako ng maluwang.
“Just wait, I will clear the area first.” Bilin ko rito. Lahat ng CCTV camera footage ay ini-hack ko muna para mas malayang makapasok si Alex ng walang makakaalam.
“All clear!” sabi ko rito.
“Thanks.” Pasasalamat ni Alex.
“Mag-ingat ka.” Muli kong bilin dito. Nakaharap ako sa bintana kong nasaan ang Luxury building. Inilabas ko ang telescope ko at tiningnan ang galaw ng nasa loob. Medyo marami-raming tao sa loob ng building. Kumunot ang noo ko nang makitang nakasuot ng amerikana si Alex. What the heck! Sinundan ko ito ng tingin. s**t! May kausap itong babae at mukhang pinapasakay niya ang kausap.
Hinawakan ko ang suot kong earpiece.
“Remember, you're in a mission! Don't flirt around!” saway ko rito. But Alex just ignored me! Damn!
Nakikipag-usap pa rin ito sa babae. Mukhang gagamitin yata nito ang kausap para tuluyang makapasok sa ika-sampung palapag ng building. Doon kasi nakalagay ang mga mamahaling alahas at mukhang may mauuto ito ngayong gabi. Habang pinapanood si Alex na nakikipag-landian sa babae ay may kumuha ng atensyon ko. Isang lalaki na nakasuot ng navy blue long sleeve polo na tinupi hanggang siko ang manggas. Nakasuot lang ito ng itim na jeans. Nakasuot ito ng itim na relo sa kaliwang kamay nito, simple lang ‘yon sa paningin pero alam kong libo-libo ang presyo niyon. Ang kintab ng kanyang sapatos maging ang langaw ay takot na dumapo sa sapatos ng binata. Ang aviator sunglasses nito ay nakasabit sa kanyang suot na polo. He's so hot and undeniably handsome. Para itong isang Greek god na bumaba sa lupa. His eyes are expressively beautiful. He is tall, he has a broad shoulder and his muscles are flexible everytime he moves. Am I drooling over him? Bigla kong kinapa ang gilid ng aking labi. Mabuti na lang at walang tumulong laway.
“Hey! Sky!” malakas na pagsigaw ni Alex ang nagpabalik sa aking diwa.
“What? Huwag mo akong sigawan!” mariin kong ani rito.
“Damn! Kanina pa kita tinatawag. Ano bang nangyayari sa ‘yo?” tanong nito sa akin. Natahimik ako. Hindi ko p’wedeng sabihin dito na natulala lang naman ako sa isang lalaking ubod ng gwapo.
“Wala, tumae lang kasi ako kaya hindi kita narinig. Mas malakas yata ang pag-ire ko kesa sa boses mo,” pagsisinungaling ko rito. Narinig ko ang pagsusuka ni Alex sa kabilang linya. Napangiwi ako nang ma-realize ang sinabi ko.
“Yuck! You're gross! Paki-filter nga ‘yang bibig mo!” mahina nitong bulong sa akin. Umikot ang mga mata ko kahit hindi nito nakikita.
“Shut up! So, ano na? Tapos ka na ba?” mahina kong tanong dito. Sandali itong natigilan.
“Nope! Pero hindi ko na nanakawin ang alahas, may iba akong plano. Mauna ka na sa bahay. Hindi mo na kailangan pang bantayan ako. Salamat Sky, I owe you a lot. Ako na ang bahala sa sarili ko,” seryoso ang boses nito. Kapag seryoso na ang boses ni Alex ay sigurado akong may plano na ito. I trust him. Matagal na rin naman kaming magkasama na dalawa. Alam ko ang mga ugali nito. Pero hindi ako aalis hangga‘t hindi ito nakalabas ng building ng buhay.
“Dito na muna ako, gusto kong masigurado ang kaligtasan mo.” Ani ko sa kaibigan. He tsked me.
“Ang tigas talaga ng ulo mo.” Naiiling nitong ani sa akin.
“Kasing tigas ng ulo mo kaya pareho lang tayo. Sige na, kapag nakalabas ka d‘yan ng buhay ay saka pa ako mapapanatag,” sabi ko rito. Walang nagawa si Alex kundi ang hayaan ako sa gusto ko.
Hinanap ng mga mata ko ang lalaking nakita ko kanina, pero kahit anong ikot ang gawin ko ay hindi ko na ito nakita pa. Sayang, ang gwapo pa naman. Anang isipan ko. Hoy Azean! Hindi ba at may pangako ka na kay H, ‘yong lalaking nagligtas sa ‘yo sa university apat na taon na ang nakakalipas? Akala ko ba hahanapin mo siya at pakakasalan? Ano na? Promises meant to be broken na ba? Etsuserang tanong ng utak ko. Gusto ko pa rin naman si H, pero baka mag-change of heart na ako dahil nakakita na ako ng isang Greek god na bumaba sa lupa. Saka ko na iisipin ang tungkol kay H, bata pa ako n‘on kaya siguro nakapangako ako ng gan‘on.
Halos dalawang oras akong nagbantay sa mga galaw ni Alex. Nakahinga ako ng maluwag nang humakbang na ito papalabas ng Luxury building. Hindi nito ninakaw ang alahas, kundi ay mukhang binili ‘yon ng babae para sa kanya. Nang makalabas si Alex ay medyo lumayo ito sa babae.
“Success! Pero s‘yempre may kapalit ang ibinigay ni Xena sa akin. Kaya ikaw na ang magmaneho ng motor pabalik sa bahay mo, ilalagay ko ang susi dito sa flower pot. Nakita mo ba?” tanong nito sa akin.
“Copy! Enjoy!” biro ko rito. Mahina itong natawa. Nang makaalis na ang sasakyang sinakyan ni Alex ay iniligpit ko na rin ang mga gamit ko. May pinindot muna ako sa laptop ko para bumalik sa normal ang CCTV camera sa Luxury building na hinack ko.
Isinukbit ko na ang bag ko sa aking likuran at nang masigurong wala akong naiwang gamit ay mabilis akong lumabas ng silid at ibinigay ang susi sa receptionist.
Pinaharurot ko kaagad ang sasakyan ko papunta sa bahay ko. Mabuti na lang kahit papaano maayos na ang tinitirhan ko. Kahit masama ang pinanggalingan ng perang ipinatayo ko sa bahay ko ngayon ay masaya pa rin ako. Pinaghirapan ko ‘to, at may pera rin namang galing sa pagtatrabaho ko kaya iniingatan ko ang aking munting tahanan. Ipinasok ko ang motor ko at isinirado ang gate. Nang bumaba ako ay nagulat ako nang makita ko ang aking ama na nakaupo malapit sa pintoan ng bahay ko. Kumunot ang noo ko. Para itong binugbog, o mas tamang sabihing binugbog nga ito. Agad ko itong nilapitan at ininspeksyon.
“Tay! Ano pong nangyari sa inyo?” tanong ko rito. Kahit naman kinasusuklaman ko ito dahil ako ang ginawa nitong pambayad sa utang nito sa sindikato ay mahalaga pa rin ito sa akin. Dahil kahit baliktarin ko man ang mundo ay tatay ko pa rin siya. Ito ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon sa mundong ito. Umiling-iling ito. Mukha itong lasing. Binuksan ko ang pinto ng bahay at tinulungang makatayo si Tatay. Kahit nahihirapan ako ay pinilit ko pa ring maipasok ang aking ama sa loob ng bahay. Sa sofa ko muna pinahiga si Tatay. Sinigurado kong nakasara ng maayos ang pintoan.
Naiiling at nalulungkot ako sa hitsura ng aking ama. Simula ng mawala si Inay ay hindi na rin naging mabuting ama si Tatay sa akin. Siguro hanggang ngayon ay hindi nito matanggap ang pagkawala ng Inay. Kaya kahit may galit ako rito ay hindi ko pa rin ito pinapapabayaan.
Inasikaso ko si Tatay, pinunasan ko ito at ginamot ang kanyang mga natamomg sugat. Mabuti na lang at wala itong nabaling buto.
“Sana magbago ka na ‘Tay, tanggapin niyo na sanang wala na si Inay.” Bulong ko rito.
Kinabukasan ay nakita ko si Tatay sa kusina, umiinom ito ng kape. Mukhang malalim ang iniisip nito dahil hindi man lang napansin ang pagpasok ko.
“Tay,” tawag ko sa atensyon nito. Mabilis na lumingon ito sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang guilt. Bigla akong kinabahan. May ginawa ba ulit ito kaya nabugbog kagabi?
“Anak, pasensya ka na. Nadisturbo pa kita kagabi,” mahina nitong saad sa akin sa mababang boses. Confirm, may ginawa na naman ito.
“Tay, ano na naman po ba ang ginawa n‘yo?” mahinahon kong tanong dito. Ayaw ko kaagad itong husgahan, gusto kong marinig ang side nito. Ilang sandali itong natahimik, bago nagsalita.
“May malaking utang ako sa sindikato, natalo ako sa sugal kaya hindi ko sila nabayaran sa usapan namin. Pasensya ka na anak, wala na talaga akong malalapitan eh, alam mo namang ikaw lang ang natitira kong pamilya,” halos mabingi ako sa sinabi nito kahit mahina ang boses ng aking ama. Nahahapo akong napaupo sa plastic na silya.
“Tatay naman! Alam mo namang mataas ang patubo nila sa utang! Ano bang pumasok d‘yan sa utak mo? Hindi mo ba ako iniisip? Sarili mo lang ba talaga ang mahalaga sa ‘yo? Sawang-sawa na ako sa buhay na meron ako! ‘Tapos dadagdagan mo pa!” hindi ko na napigilan pang tumaas ang boses ko. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. Alam kong nagsisisi na ito ngayon sa ginawa nito, pero huli na rin ang lahat. Malalim akong bumuntonghininga.
“Gagawan ko ng paraan ang utang mo sa kanila. Pero ‘Tay, huli na po ‘to, kapag hindi pa rin kayo tumigil sa bisyo niyo at nagkautang ulit kayo, pasensyahan na tayo, dahil hindi na kita tutulungan pa.” Seryoso kong sabi rito. Nakita ko itong tumango. Pinaghanda ko ito ng agahan dahil ngayong araw ay kakausapin ko ang lider ng sindikato tungkol sa utang ni Tatay. Sana lang magkasundo kami ng bagong lider ng sindikatong kinabibilangan ko.