Chapter Two

2370 Words
Nagsuot ako ng isang faded jeans at isang oversized black tshirt na pinatungan ko ng leather jacket. Itinali ko ng paikot ang aking buhok at isinuot ang baseball cap ko. Kinuha ko ang itim kong sneakers at isinuot ‘yon sa paa ko. Inilagay ko sa gilid ng suot kong pantalon ang aking baril. Mas mabuti na ang sigurado. Kinuha ko ang sling bag ko at isinukbit iyon sa aking katawan. Bumaba na ako para magpaalam sa aking ama na aalis muna ako. Nakita ko itong nakaupo sa sala. Nakabukas ang TV ngunit parang wala sa pinapanood nito ang kanyang atensyon. Ang lalim ng iniisip nito. “Tay, aalis na po muna ako. Makikipag-usap ako sa bagong lider ng sindikato. Dito ka lang at huwag kang aalis ng bahay. Maliwang po ba?” mahigpit kong bilin sa aking ama. Parang wala sa sarili itong tumango. “Oo anak, dito lang ako at hindi ako aalis. Mag-iingat ka,” sabi pa nito. May bahid na lungkot ang boses nito. Nakikita ko rin sa mukha nito na nagi-guilty ito. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ako tuluyang umalis. Sumakay ako sa motorsiko ko. Tinanggal ko muna ang aking baseball cap at nagsuot ng helmet. Mabilis kong pinaharurot ang motor ko papunta sa bahay ng mga Morales. Ang pamilya nila ang lider ng sindikatong kinabibilangan ko. Tatlumpong minuto lang ang biniyahe ko at mabilis akong nakarating sa bahay nila, ito rin ang nagsisilbing headquarter ng grupo. Hi-Tech ang mga kagamitan dito. Napakahigpit din ng security. Dahil sa kamamadali ay nakalimutan kong tawagan si Alex, itatanong ko sana kung ayos lang ba ito. Gusto ko ring itanong dito kung naaprubahan ba ang hinihingi nitong bakasyon. Pinark ko ng maayos ang motor ko at tinanggal ko ang helmet kong suot. Inayos ko muna ang buhok ko bago ko ulit isinuot ang baseball cap sa ulo ko. Tinungo ko ang guardhouse. “Magandang umaga po Manong!” masaya kong bati sa security guard dito sa bahay ng mga Morales. “Oh! Sky, ikaw pala. May appointment ka kay Boss?” tanong kaagad ni Manong Tolly. “Wala akong appointment, pero may sadya ako sa kanya,” naging seryoso na ang aking boses. “Ganoon ba, sige hija. Tatawagan ko muna ang nasa loob. Iba na kasi ang pamamalakad ngayon lalo na at hindi na si Don Martin ang namamahala sa grupo, si Señorito Bradley na.” Imporma ni Manong Tolly sa akin. Tumango lang ako rito. Ilang sandali akong naghintay dahil kinakausap pa ni Manong Tolly ang nasa loob ng mansion. “Pasok ka na raw sa loob. Dumeretso ka sa library ng dating boss. Bilin ng guard na kausap ko,” imporma ulit nito sa akin. “Maraming salamat po,” pasasalamat ko rito. Kinakabahan man ay pilit kong pinapalakas ang loob ko. Hindi ako p’wedeng panghinaan ng loob. Kailangan ko ‘tong gawin para sa tatay ko. Nang makita ako nang guard sa labas ng gate ay agad niya akong pinapasok. Walang emosyon ang mababakas sa mukha ko. Ganito ako kapag tumuntong na ako sa bahay ng mga Morales. Feeling ko kasi tumuntong ako sa impyerno. Alam ko na ang pasikot-sikot sa bahay na ito. Kaya alam na alam ko kung saan ang library ng dating boss namin na si Martin Morales. Hindi ko pa nakikita ng personal ang anak nito. Pero sigurado akong masama rin ito katulad ng ama o baka nga mas higit pa. Pinuno ko muna ng hangin ang aking baga bago ko pinihit ang seradura ng library. Pagpasok ko ay agad na dumampi sa balat ko ang lamig ng aircon. Nakita ko ang lalaking nakatalikod sa akin. I examined his back. He has a broad shoulders. Mukha ring alaga sa gym ang mga muscles nito. He just wearing a gray t-shirt that fitted on his body. Tumikhim ako para ipaalam ang presensya ko. “Did I passed?” he asked me with his deep baritone voice. Kumunot ang noo ko sa tanong nito. Hindi ako nagsalita. Umikot ang swivel chair na kinauupuan ng bago naming boss. Nagtama ang paningin naming dalawa. “I can feel that you stared at me for a couple of minutes, so I asked you if did I passed?” tumingin ako direkta sa mga mata nito. He has a deep brown eyes. He has a pointed nose, his lips are naturally red. From his hair, eyebrows and eyelashes, they are black. His prominent jaw is screaming of power. All in all, he has a looks that every woman will die for, but not me. “No. And I'm just checking on my new boss,” I said with my cold voice. Katulad kanina ay walang emosyon ang aking mukha. Mahinang tumawa ang binata sa harap ko. “Tama nga ang sinabi ng aking ama. You are different, I can see the fierce in your eyes. And you're too beautiful to become a thief. Hmm. . . So, what can I do for you?” marites din pala si Don Martin. Hindi ako nagpaapekto sa sinabi nito. Matatag pa rin akong nakatayo at matapang na nakikipagtitigan sa bago kong boss. “Do you want to introduce yourself first? It's just awkward to talk to our new boss without knowing his name,” I said as a matter of fact. Muli itong tumawa. I didn't give any reaction. As much as possible I want to be professional. Yeah right! Professional my ass. “By the way, I'm Bradley Morales, your new boss. And may I know your name too?” pagpapakilala nito sabay tanong sa akin. “Azean Sky Salazar,” simple kong pagpapakilala. Ayaw kong maging plastic. It's stink. “You may take a sit, baka mangalay ka,” iminuwestra nito ang upuang kaharap nito. Mabilis naman akong umupo roon. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nandito ako para sa utang ng aking ama. Ako na ang magbabayad, just leave him alone.” Madiin ang pagkakasabi ko sa huling salita. Seryoso akong tiningnan ni Bradley sa aking mga mata. Nakipaglaban ako ng titig dito. “Do you know kung magkano ang utang ng magaling mong Tatay?” si Bradley. Kinabahan ako bigla. Hindi ko tinanong ang aking ama kung magkano ang utang nito. Umiling ako sa binata. “Two million pesos ang utang niya, with the interest of course.” sagot ni Bradley. Two million pesos?! Ganoon kalaki? Damn it! Mukhang mahihirapan akong kumbinsihin ang lalaking nasa harapan ko. Ilang linggo ko ring pagtatrabahuan ang gan‘on kalaking halaga para makapagbayad sa kaharap ko. Huminga ulit ako ng malalim. Bradley is eyeing on me. He's reading my emotions, I know that kind of stare. Hindi ako magiging isang magaling na magnanakaw kung hindi ako marunong bumasa ng emosyon ng taong kaharap ko. “I can do anything and everything para mabayaran ko ang utang ng aking ama. Just give me one month. Babayaran kita sa loob ng isang buwan,” pakikipag-deal ko rito. Kumunot ang noo ko nang tumawa ito. “I can't give you that long, Sky. I want my money back after two weeks. Dalawang linggo lang ang kaya kong ibigay sa ‘yo. Pero if you want, I have another deal to give you, are you in?” makahaluguna niya akong tiningnan. I knew it! He planned this from the start. What a smart ass. Wala sa sarili akong umuwi ng bahay. Everything is going to his plan. He tricked my father, and he's going to trick me as well. Pero pasensyahan na lang kami. I can do anything and everything. Wala yatang inaatrasan ang isang Azean Sky Salazar. Inayos ko ang pagkaka-park ng motorsiklo ko. Ngayon pa lang ay dapat planado ko na ang lahat. I want it to be perfect. Kailangan kong manalo kay Bradley Morales. I won't let him, claim me. Over my dead gorgeous and sexy body! “Anak! Kumusta ang pag-uusap niyo ng bagong boss?” tanong kaagad ni Tatay sa akin pagpasok ko pa lang ng bahay. I felt so tired. Damn it! “Two million lang naman ang utang mo, at kailangang bayaran sa loob ng dalawang linggo. Pero dahil hindi ko kakayaning bayaran ang gan‘on kalaking halaga sa loob ng dalawang linggo ay may iba kaming pinagkasunduan,” sagot ko sa tanong ng aking ama. Nakita ko ang takot sa mga mata nito. “Anong kasunduan? Sigurado ka bang ayos ka lang sa kasunduan niyo?” may pag-aalalang tanong ng aking ama. Gustuhin ko mang sisihin ito ay hindi ko magawa. “Ayos lang po ako ‘Tay. Ilang araw siguro akong mawawala. Kailangan ko lang magtrabaho para sa utang na babayaran ko,” pilit kong pinatatag ang sarili ko sa harapan ng aking ama. Pero ang totoo ay nanghihina ako. Nagulat ako nang yakapin ako ni Tatay. Sa unang pagkakataon simula nang mamatay ang Inay ay ngayon niya lang ulit ako niyakap ng ganito. Yumuyogyog ang balikat nito tanda na umiiyak ito. “P-patawarin mo ako anak. Ang laki ng kasalanan ko sa ‘yo. Ako ang humila sa iyo sa impyernong mundong ito, ngayon naman ay mas pinalala ko pa. Pinapangako ko anak, hinding-hindi na ako magsusugal at maglalasing pa. Susundin na kita. Umuwi ka lang ng ligtas anak. Masaya na ako.” Tatlong araw akong naghanda para sa aking plano. Tumawag ako sa kompanyang pinapasukan ko. Oo, may legal din akong trabaho, hindi lang pagnanakaw. “Mia, pasensya ka na at may emergency kasi akong kailangang gawin. I will send my resignation letter today. I will send it thru email, salamat.” Kausap ko kay Mia. “Sayang naman ang promotion mo Sky, ang tagal mo kaya ‘yong pinangarap.” Malungkot na saad ni Mia sa akin. “Ayos lang. May ibang pagkakataon pa naman para makamit ko ang pangarap ko, sige na at kailangan ko ng umalis Bye!” paalam ko sa kaibigan ko na manager ng kompanyang pinagtatrabahuan ko. Handa na ako sa pag-alis ko. Kinausap ko na rin ang tatlong kalalakihan na sasama sa akin. Babayaran ko naman sila eh. Kailangan ko lang talagang maging successful ang plano ko. Bago ako umalis ng bahay ay panay ang bilin ng aking ama. Kumalma lang ito nang sabihin kong tatawag-tawag lang ako rito. O Diyos ko, patnubayan niyo nawa ako. Nang mamataan ko ang binata ay bigla na lang nagrigodon ang puso ko. Para na nga itong lalabas sa ribcage ko. Kung hindi pa tumikhim ang mga lalaking kasama ko ay hindi babalik ang diwa ko. I know him! Siya ang lalaki d‘on sa Luxury building. I am lucky! Mabibilis ang hakbang ko papalapit sa binata. May kausap itong babae pero wala akong pakialam. Bigla ko na lang itong iniharap sa akin at saka hinalikan sa kanyang mga labi. Naramdaman ko ang pagkagulat ng binata sa ginawa kong paghalik dito. Maging ako ay nagulat din dahil may kakaibang kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan. I like his kisses! “Azean!” malakas na tawag sa akin ng isa sa goons na kasama ko. Bigla kong binitiwan ang lalaking hinalikan ko. “Please magpanggap kang boyfriend at fiance ko, please!” nagmamakaawa kong saad sa binata. My face is pleading and my voice is desperate. “Help him Hades, look at the goons, nakakatakot sila. Just help this beautiful lady,” nagpasalamat ako at tinulungan ako ng babaeng kasama nito. So, wala silang relasyon. I felt relieved. “No way! I didn't know he-” “My name is Azean Sky Salazar. And you are?” mabilis kong pagpapakilala rito. “Hades, his name is Hades Gonzales.” Ang babaeng kasama na nito ang sumagot. Binigyan ko ito ng isang tipid na ngiti. Nagpapaawa nga ako ‘di ba? “Azean!” malakas na tawag ng lalaking goons. Sabay kaming lumingon na tatlo sa mga bagong dating. Nakakatakot ang mga mukha ng tatlong kalalakihang kaharap namin ngayon. Pasimple kong hinawakan ang braso ni Hades. Tsk! Pwede na akong tanghaling best actress in the whole wide world. “Bakit ba kayo sunod ng sunod sa akin? At ikaw! Ilang beses ko bang sasabihing may nobyo na ako at magpapakasal na kaming dalawa? Ang bobobo niyo!” malakas at matapang kong sigaw sa mga lalaki. Bravo Azean! Pumalakpak pa ang dalawa kong tenga. Biglang nagdilim ang mukha n‘ong nasa gitna na parang butiki. Napangiwi ako. “Sinungaling ka! Akin ka lang Azean! Ako lang ang dapat mong pakasalan! Baka nakakalimutan mong may utang ang ama mo sa akin!” galit ang boses na ani ng lalaki habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Hades at sa akin. Pwede na ring pang-kontrabida awards ang tatlong goons na nasa harapan namin ngayon. Kapag nagtagumpay ako, may bunos sila sa akin. “Babayaran ko ‘yon. Pero bigyan mo pa ako ng konting panahon. Maghahanap pa ako ng trabaho at huhulog-hulogan ko na lang ‘yong utang ni Papa sa ‘yo!” may pakiusap na sabi ko sa kanila. Narinig kong nagsalita ang binata sa likuran ko. “Magkano ba ang utang ng ama ng nobya ko sa iyo?” may diin na tanong ni Hades sa lalaki. Malakas na tumawa ang nasa gitnang lalaki. Bigla namang nagrambulan ang mga paru-paro sa tiyan ko nang sabihin niyang nobya niya ako. God! Pwede bang mahimatay? Kahit one second lang tapos didilat kaagad ako. “Bakit? Babayaran mo ako? Well, kung mababayaran mo ako sa utang nila ay tatanggapin ko at hinding-hindi ko na guguluhin pa si Azean. Madali naman akong kausap eh.” Mayabang na ani ng lalaki. “Just wait a minute.” Seryoso ang boses na wika ni Hades. Nakikinig lang ako sa isang tabi. May ngiting tagumpay sa labi ko, pilit ko lang iyong sinusupil. “Atty. De Lamar, may ipapaasikaso ako sa ‘yo. This is ASAP. Sa police station tayo magkita. Salamat.” Nang ibaba nito ang cellphone ay madilim ang mga mata nitong tiningnan ang mga lalaki. “Sa police station tayo. Gusto kong makasigurado na pagkatapos kitang bayaran ay patatahimikin mo na si Azean at ang pamilya nito.” Mariin na ani ni Hades. Damn he's so hot and yummy! Naka-jackpot ako at sa crush ko pa talaga ako napunta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD