Sa police station kami nagharap ng tatlong goons na kasamahan ko at dumating din ang abogado ng binata. In fairness, ang yaman ni Hades ah. Hindi na lugi ang first kiss ko! Ayeee! ‘Yong buhok sa ibaba ko tumatayo dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Mabuti nga at hindi niya ako iniwan nang may tumawag dito. Ang laki ng pasasalamat ko kay Bhie sa pagsalba niya sa akin.
“Magkano ba ang utang ng tatay mo?” mahina nitong bulong sa aking tenga. Ngumuso ako. I don't want to lie. Umakto akong nahihiya sa harapan ng binata. Tumikhim muna ako at ngumuso ako. Gusto kong maging cute sa paningin niya. Hoy Azean! Hindi ka cute! Ano ka aso? Ngali-ngali kong dagukan ang sarili ko.
“Ahm, two million pesos lang naman,” mahina kong sagot. Namimilog ang mga mata niya akong tiningnan.
“Two million lang, naman? Talaga ha!” medyo napalakas ang boses nitong saad sa akin. Mabilis kong tinakpan ang bibig nito gamit ang palad ko. Pinandilatan ko ito ng aking mga mata.
“Nakakahiya! Makasigaw ka naman,” nahihiya kong saad dito sabay tingin sa paligid. Lahat ng tao sa loob ng presinto ay sa amin nakatutok ang paningin. Nag-init ang mukha ko at binawi ko ang palad kong pinantakip sa bibig ng binata. Inilagay ko sa tapat ng ilong ko ang palad ko at inamoy-amoy iyon. Wow naman! Kahit ang bibig nito ang bango. Kaya siguro ang sarap nitong humalik. Nakapikit pa ang mga mata ko habang patuloy sa pag-amoy sa aking palad. Malakas na tumikhim si Hades sa tabi ko.
“Hey! Tama na ‘yang ginagawa mong pag-amoy d‘yan sa palad mo. Nagmumukha kang timang,” bulong ng binata sa tenga ko. Bigla na lang nagsitayuan ang balahibo sa katawan ko. God! Ano ba ang meron sa lalaking ‘to at ang lakas ng epekto sa akin? Nilingon ko ito at napatitig sa binatang katabi. Ang gwapo-gwapo niya talaga. Hindi nakakasawang pagmasdan ang mukha nito. ‘Yong labi niya, parang cherry, ang sarap kagatin para malasahan ko ang katas na nagmumula rito. Wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
Nagulat ako nang akbayan ako ni Hades at bumulong sa tenga ko.
“Stop staring at me. Nakakahiya na sa mga kasama natin. If you kept on staring at me, I will ravish your lips here, in front of them. Got it?” biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Pagbabanta ba ‘yon? Bakit nagustuhan ko? Umayos na ng upo si Hades, nanatili naman ang mga kamay nitong nakapatong sa balikat ko.
“Attorney De Lamar, ibigay mo na sa kanila ang cheque, worth two million pesos. Papirmahin mo rin sila ng kasulatan. Kapag hindi sila sumunod at ginulo pa rin nila si Azean, ay kakasuhan na natin sila. Maliwanag ba?” seryoso at madiin na wika ni Hades. Ang mga mata nito ay matatalim na nakatingin sa goons na nasa harapan namin. Mabuti naman at hindi nila ako tinatapunan ng tingin.
“Copy boss! Sa inyo na ‘yang si Azean at pangako, hindi na kami manggugulo pa.” Pangako n’ong lider nila at itinaas pa talaga ang kanang kamay. Mahina akong natawa.
“Sa kaliwa! Tanga!” sita ng isa nitong kasama kaya mabilis nitong itinaas ang kaliwang kamay. Mas lalo akong natatawa.
“Tanga ka rin! Kanan ang tama!” pagtatama naman ng isang kasamahan nila. Sabay na lang na itinaas ng nasa gitna ang pareho nitong kamay. Mga tanga talaga ang kasamahan ko. Tsk.
Matapos pirmahan ng tatlong lalaki ang dokumento ay agad na silang umalis. Nag-excuse kaagad ako para sundan ang mga lalaking goons.
“Pst! Akin na ang cheque!” halos pabulong kong tawag sa mga lalaki. Pasimple kong binunggo ang lalaking may hawak ng cheque at mabilis naman nitong ibinigay sa akin ang maliit na papel na may malaking halagang nakalagay. Mabilis ang mga kamay kong itinago ang cheque.
“Ipapadala ko ang bayad ko sa inyo. Hintayin niyo ang tawag ko,” pabulong kong sabi sa lalaki.
“Huwag na kayong bumalik dito ah! Bayad na ang tatay ko!” bigla kong sigaw sabay tulak sa lalaking pinakamalapit sa akin. Kailangan kong umakteng at baka nanonood si Hades. Mabuti at na-gets agad ako ng mga kasamahang lalaki.
“Oo na! Aalis na kami!” malakas na sigaw ng lalaki.
“Don’t shout at her!” parang dumagundong ang boses ni Hades sa labas ng presinto. Bigla na namang bumilis ang pagtahip ng puso ko. Nilingon ko si Hades. He has this dark aura. Nakakatakot. Mabilis namang nagsitakbuhan ang mga lalaking goons.
Kahit seryoso at napakalamig ng mukha ni Hades ay ang gwapo-gwapo pa rin nito. Nakakalaglag panty ang kanyang kakisigan. Tama nga ang una kong impresyon sa kanya n‘ong una ko itong makita. He is like a Greek god sent by heaven.
“Don’t stare at me like that.” Mariin at malamig na saway ni Hades sa akin. Namula naman ang mukha ko. Nakakahiya at nahuli niya akong nakatitig sa kanya.
Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa binata.
“Para nakatitig lang eh,” nakanguso kong bulong.
“I can hear you,” wika nito sabay hinto at lingon sa akin. Dahil bigla ang paghinto at paglingon nito sa akin ay tumama ang noo ko sa malapad nitong dibdib. Gosh! Napahawak ako sa aking dibdib. Ipinikit ko ang aking mga mata nang malanghap ko ang mabango nitong amoy. Naramdaman ko ang mahinang pagtulak ni Hades sa akin papalayo sa kanya.
“Nakakarami ka na. Nakikititig ka na nga kanina sa mukha at katawan ko, nakikiamoy ka pa. Are you perhaps seducing me?” nanunudyo ang boses nitong tanong sa akin. Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan ang binata. Halos tatlong dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa’t-isa. Napalunok tuloy ako nang bumaba ang mga mata nito sa aking labi. Napatingin din ako sa mga labi nitong mapupula. Para talaga itong cherry. Wala sa sariling binasa ko ang labi ko gamit ang aking dila. Ang lakas ng epekto nito sa akin.
“Can. . . Can I kiss you again?” wala sa sarili kong tanong sa binata. Nag-angat ako ng tingin dito. Nakita ko ang pagkamangha sa mga mata nito. Nakanganga pa ito habang nakatingin sa akin. Mariin kong nakagat ang pang-ibabang labi ko. I'm just trying my luck. But I guess, I failed.
Pinitik nito ang noo ko.
“Aray!” masama ko itong tiningnan.
“You’re not my type. At isa pa, may mahal na akong iba.” Ouch! Ang sakit naman. Sapol na sapol ng kutsilyo ang puso ko. Nakanguso akong napatingin sa binata.
“Hmp! Ang ganda ko kaya! Balang araw kakainin mo rin ‘yang sinasabi mo!” wika ko rito. Hindi naman sa pagyayabang pero maganda naman talaga ako. Ang dami ngang nagkaka-crush sa akin sa university noon eh. Kung hindi lang ako nakapangako kay H, naku! Ang tagal ko na sanang nagka-boyfriend!
“Ang lakas ng kumpiyansa mo sa sarili ah,” komento nito. Tinaasan ko ito ng kilay.
“I love myself of course!” mataray at proud kong ani rito. Umiling-iling ito sa akin at pumasok na sa loob ng bahay.
“Pasok ka. You can stay here tonight. Bukas na bukas pwede na kitang ipahatid sa kung saan man ang bahay mo, hindi ka na naman siguro guguluhin ng mga goons na ‘yon dahil nabayaran ko na ang utang ng tatay mo.” Pahayag nito. Bigla akong nag-panic. No! Hindi ako papayag na basta-basta na lang niya akong paaalisin.
“W-what? Pinapaalis mo na ba ako?” tanong ko rito.
“Sa kusina na tayo mag-usap. Hindi yata tayo nagkaintindihan kanina,” yaya nito sa akin. I need to make a plan!
“Manang Rosing, pakihanda naman kami ng meryenda. Salamat po,” magalang na utos ni Hades sa kasambahay nito.
Umupo ako sa silya at nag-iisip pa rin ng magandang plano.
“Okay lang ba ang banana cue para sa meryenda?” tanong ng binata sa akin.
“Banana cue? Oy! Masarap ‘yan! Mahilig ako sa saging, lalo na ‘yong medyo sunog! ‘Yong medyo brownish na medyo sunog-sunog din!” excited akong kumain ng banana cue. Nakita ko ang pagtitig ni Hades sa akin.
“Bakit nakatitig ka? Nagagandahan ka na ba sa akin?” pabiro kong tanong dito.
Mahina itong natawa.
“Hindi ba sinabi ko na sa ‘yong hindi ang tipo mo ang type ko?” seryoso nitong saad. For the second time ay sinaksak ulit ang puso ko.
My heart has been slain! Double kill!
Pilit kong pinasigla ang sarili ko.
“Eh ‘di hindi. Hindi rin naman ang ikaw ang type ko noh! May isang lalaki akong gusto. He is like a Greek god! Ang gwapo-gwapo niya at sigurado akong magugustuhan niya ako.” Wika ko para pagtakpan ang aking kahihiyan. Pero ang totoo, si Hades lang din naman ang tinutukoy ko. Ang labo ngang magustuhan niya ako. Mangarap ka na lang Azean!
“Mabuti naman kung ganoon.”
Tahimik kaming dalawa na kumakain ng saging. Gutom na gutom ako kaya naubos ko ang tatlong banana cue. Uminom ako ng pineapple juice. Malakas akong duminghay. Tinakpan ko kaagad ang bibig ko.
“Ops! Sorry, busog lang,” hingi ko ng paumanhin.
“Malinis naman ang isang guest room, pasasamahan kita mamaya kay Rosa sa magiging silid mo.” Pahayag ng binata. Malungkot akong tumingin sa binata.
“Papaalisin mo na ba ako bukas? Hindi ba p’wedeng dito na lang muna ako? I can do anything and everything. Marunong akong maglinis ng bahay, marunong rin ako sa mga papeles. Tama! Pwede mo akong gawing personal assistant mo. ‘Tapos walang bayad ‘yon. Isipin mo na lang na ang sahod ko ay binabawas mo sa utang ng aking ama na binayaran mo sa mga goons na ‘yon. Malaki ang pasasalamat ko sa ‘yo dahil sa ginawa mong pagligtas sa akin. Kaya please, please! Nakikiusap ako sa ‘yo, i-hire mo na akong personal assistant mo. Basta free foods and lodging lang, sapat na sa akin.” Pakikiusap ko rito. Malalim na bumuntonghininga si Hades.
“No, I already have my own secretary. Hindi ko na kailangan pa ng dadagdag sa sakit ng ulo ko.”
“Ay! Marunong akong magmasahe! Pwede kitang masahiin. At isa pa, iba naman ang secretary sa personal assistant ah. Pretty please, wala na akong ibang matutuluyan pa. Ulila na ako sa aking ina at ang aking tatay naman, lulong sa sugal at parating lasing. Ayaw ko ng umuwi sa amin. Kaya tanggapin mo na ako!” muli ay pakiusap ko rito.
“I will think about it.” Biglang nagliwanag ang mukha ko.
“Talaga? Yehey! Salamat!” masaya kong pahayag.
“Huwag ka na munang matuwa. Pag-iisipan ko pa lang,” pasuplado nitong pahayag. Nginitian ko lang ito.
“Naku! Malakas yata ang kutob ko na nandito ang destiny ko. Alam mo, pagpunta ko pa lang dito ay nagpahula ako, at alam mo ba ang sabi ng manghuhula? Matatagpuan ko ang knight in shining armor ko! At feeling ko ikaw ‘yon! Suswertehin daw kasi ang sinomang tutulong sa akin!” o Diyos ko, patawarin niyo ako sa mga kasinungalingan ko.
Tinitigan lang ako ni Hades na para bang isang akong baliw. Bahala na ito kung anong gusto niyang isipin sa akin. Panay lang ang ngiti ko rito. Baliw na kung baliw!
Nakikipaglaro ako ngayon sa triplets na anak ni Bhie. Sad to say, hindi pa rin ako tinatanggap na maging personal assistant ni Hades. Panay na nga ang pa-cute ko eh. Wala epek pa rin sa kanya ang pagpapa-cute ko.
“Hmp! Ang sama ng ugali niyang uncle niyo. Ilang linggo na ako rito, hinihintay ko pa rin ang desisyon niya. Ayaw niya ba sa akin? Maganda naman ako, sexy, matalino. Hindi sa pagbubuhat ng sarili kong bangko pero totoo naman eh. Sang-ayon ba kayo sa akin?” parang tanga kong kausap sa tatlong bulinggit. Laglag ang panga ko nang magsi-iling ang triplets. Napanguso tuloy ako.
“Hmp! Kaugali niyo ang uncle Hades niyo! Masama ang ugali!” himutok ko sa tatlong bata. Narinig ko namang may tumawa sa likuran ko. Matalim kong tiningnan si Hades. Pero ilang sandali pa ay nabighani na ako sa ngiti nito. Sa triplets lang ito ngumingiti. Pero kapag ako ang kaharap ay malamig pa ito sa bato. Paano ba naman kasi, brokenhearted ang loko. Tsk. Mahal nga niya, hindi naman siya ang mahal. Iyon ang sinasabi sa isang kanta na ‘Pinagtagpo pero ‘di tinadhana’.
“Kita mo na! Maging ang triplets sang-ayon sa akin.” Panay pa rin ang tawa nito habang nakatitig sa akin.
“Paano ba kasi, nilason mo ang utak ng mga bata. Hmp! At saka totoo naman ang sinasabi ko ah! Maganda ako, sexy at saka matalino! Bulag ka lang talaga! Bulag!” inis kong hinawi ang mahaba kong buhok para tumama sa mukha ng binata.
“Hey!” inis nitong sigaw sa akin. Ngumisi ako rito.
“Hey mo ang mukha mo! Gago!” nakairap kong saad dito sabay pakita ng aking gitnang daliri rito.
“Aba’t!” hindi ko na ito pinakinggan pa at pumasok na ako sa loob ng bahay ng binata. Nagkulong ako sa loob ng silid na inuukopa ko. I need to make my move. Kailangan kong maging personal assistant ni Hades. And I want it as soon as possible. At iisa lang ang taong makakatulong sa akin. Lintek lang ang walang ganti Mr. Sungit na Greek god! I smirked with the thought.