Chapter Four

2284 Words
Napangiti ako nang um-oo si Bhie sa hiling ko na tulungan niya akong kumbinsihin si Hades na maging personal assistant nito. Now it's payback time. Winasak mo ang puso ko ng ilang ulit kaya ngayon humanda ka sa mga gagawin ko sa ‘yo. Pilya akong napangiti sa naisip. Tinungo ko ang kusina at naabutan si Manang Rosing na naghahanda ng agahan. “Good morning Manang! Ano po ang niluluto mo?” magiliw kong tanong sa ginang. “Ah, simple lang ang niluluto ko para sa agahan. Kailangan ko kasing maagang mag-grocery eh,” sagot ni Manang Rosing. Mas lumapad ang ngiti ko. “Manang, ako na po ang bahala rito. Umalis na kayo para mabilis kayong makabalik.” Nakangiti kong saad dito. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha nito. “Talaga? Naku! Salamat talaga hija! Hulog ka ng langit! Sige, maiwan na kita rito ah. Ikaw na ang bahala kay sir Hades. Mabait naman ‘yon, medyo masungit lang ngayon kasi brokenhearted nga ‘di ba? Kaya ikaw na ang magpasensya sa batang ‘yon,” paliwanag ni Manang Rosing. Wala naman siyang dapat ipaliwanag eh. Ngumiti lang ako rito. “Manang ako na po ang bahala sa kanya. Sige na umalis na kayo at baka gabihin kayo ng uwi,” pagtataboy ko sa ginang. Kinawayan ko pa ito bago tuluyang umalis. “Hmmm. . . Ano kayang masarap na breakfast para sa lalaking pumunit ng puso ko? Hindi lang isang beses nitong winasak ang puso ko kundi dalawang beses pa talaga! Hmp! Akala niya hindi ko siya gagantihan? In his dreams!” kausap ko sa sarili ko at ngumisi sa naisip. Nagsimula na akong gumawa ng pancakes. May ready to cook na namang pancakes na naka-box kaya ‘yon ang ginamit ko. Nilagyan ko lang ng konting tubig at inihalo ko ng mabuti. Natatawa ako nang lagyan ko ng kakaibang flavor ang pancakes na lulutuin. Nagluto rin ako ng fried egg at bacon. Pumalakpak ako nang matapos akong makapagluto. Ang triplets naman ay nilutuan ko ng masarap na sopas. Sinarapan ko talaga. Ang mga yaya ng mga bata naman ay nilutuan ko lang ng scrambled eggs at hotdog. S‘yempre ako na ang maghahatid sa mga yaya ng triplets. Gusto kong masulo si Hades. Umakyat ako sa itaas dala-dala ang pagkain ng mga bata at ng mga yaya nila. Kumakatok ako sa silid ni Bhie kung nasaan ang triplets. Pinagbuksan ako ng isa sa yaya ng triplets. “Kunin niyo itong agahan niyo. D’yan lang kayo sa loob. Huwag kayong lalabas at may gagawin ako. Salamat and enjoy your food!” nakangiti kong pahayag sa kanila. Kahit naguguluhan ang mukha ng isa sa yaya ng triplets ay tumango na lang ito. “Salamat,” pasasalamat nito na nginitian ko lang. Humugot muna ako ng malalim na hininga. Kaya ko ‘to! Kakayanin ko! Para sa puso kong nasaktan at nasugatan! Tinungo ko ang silid ni Hades. Kumatok ako pero wala akong narinig na sagot mula rito. Kaya naman pinihit ko ang seradura ng pinto. At napatalon ako sa tuwa nang bumukas ‘yon. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Hindi ako gumawa ng ingay at mahinang isinara at ini-lock ang pinto. Hmmm. . . Ang bango naman ng silid ng binata. Kasing bango nito. Napatitig ako sa binata na mahimbing na natutulog. Dahan-dahan akong lumapit dito. Kainis naman si Hades! Kahit tulog ang gwapo-gwapo pa rin. Umupo ako sa gilid ng kama nito. Ang sarap haplusin ng kanyang gwapong mukha. Napakaamo nito kapag natutulog. Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid nito. Huminto ang mga mata ko sa pentel pen. Pilya akong napangiti. Kinuha ko ang pentel pen at ginuhitan ko ang mukha ni Hades. Nilagyan ko ng dalawang malalaking bilog ang bawat pisngi nito. Ang kilay naman niya ginuhitan ko ng malaking sungay. Nilagyan ko ng alon-alon ang ibaba ng mga mata nito. ‘Yong bibig naman niya ay ginuhitan ko na parang pangil ng bampira. May dinagdag pa ako na munting detalye sa mukha nito. Nang matapos kong i-make over ang binata ay ibinalik ko sa lalagyan ang ginamit kong pentel pen. Kinuha ko sa bulsa ng aking pantalon ang cellphone ko at kinunan ito ng litrato. Nagulat ako nang mag-flash ang camera at tumunog ‘yon. Itinago ko kaagad sa likuran ko ang cellphone. “What the hell!” sigaw ng binata. Mabilis ko itong nilapitan. Itinago ko sa pantalon ang aking cellphone. “Good morning Mr. Underworld god!” sarkastiko kong bati rito. Mas lalong kumunot ang noo nito. “What are you doing here in my room?!” pagalit nitong sigaw. Nang bumangon ito ay bumaba rin ang comforter na tumatabon sa kalahati nitong katawan. Napatitig tuloy ako sa mamasel nitong mga braso. Puting sando lang kasi ang suot nito. I'm curious kung anong suot nitong pang-ibaba. I cleared my throat. Stop flirting around Azean! Kadenahan mo muna ‘yang kalandian mo sa katawan! Umayos ka! “Nandito ako para pasayahin ka. Para ka kasing baby eh,” ani ko rito, “Peak-a-boo! Baby look at your beautiful Nanny! Tatawa na ‘yan! Peak-a-boo! Bulaga!” pakikipaglaro ko rito. Para lang akong baliw. Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito. Itinigil ko naman kaagad ang ginagawa ko at ngumuso rito. “Hindi ba nagustuhan ng hari ng kailaliman ang pakikipaglaro ko?” parang bata kong tanong dito. “Get out! Now!” malakas nitong sigaw. “Ikaw na nga ang pinapasaya, ikaw pa itong galit! D’yan ka na nga! Ang pangit-pangit mo! May dalawa kang sungay at may pangil ka pa! Hmp!” naiinis kong wika sa binata at padabong na lumabas ng silid nito. Napangiti ako nang makalabas ng silid ni Hades. Nasa labas lang ako ng pintoan ng silid nito. Dinig na dinig ko ang malakas na pagsigaw nito sa pangalan ko. “Azzzeeeann!” natatawa akong tumakbo papuntang kusina. “Buti nga sa ‘yo! Simula pa lang ‘yan, hari ng kailaliman. Mas marami pa akong gagawin,” bulong ko at pilya akong ngumiti. Tiningnan at inamoy ko pa ang mga hinanda kong pagkain. Sigurado akong uusok na naman ang ilong nito mamaya sa galit. Kasalanan niya naman kasi. Kung hindi nito winasak at ginutay-gutay ang puso ko, eh ‘di sana, vibes kaming dalawa. *** “Azzzeeeann!” malakas kong sigaw sa pangalan ng dalaga. Sino ang hindi uusok sa galit kapag nakita mo ang mukha mong puno ng drawing! Kaya pala ang saya-saya niya kanina dahil may ginawa pala itong kalokohan. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko pa itong tumira rito sa bahay ko. Because you're too good, that's why. Sagot ng isipan ko. Malalim akong napabuntonghininga at kalaunan ay napangiti na rin ako. Mukhang mas malala pa ito sa kabaliwan ni Bhie. Naghilamos ako ng mabuti hanggang sa matanggal ang tinta sa buong mukha ko. Naligo na rin ako. Iniisip ko pa rin ang ginawa ni Azean sa akin. Para talaga itong bata kung umakto. Kungsabagay, bata pa naman talaga ito. Siguro nasa twenty plus pa lang ang dalaga. Samantalang ako, thirty-one na. Ang layo ng agwat ng edad naming dalawa. Baka tawagin pa akong cradle snatcher kapag pinatulan ko ito. Matapos makapag-ayos ng sarili ay bumaba na ako at tinungo ko ang kusina. Agad ko namang nakita ang dalaga. Para itong may hinihintay at nakapangalumbaba. “Hey! Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ko rito. Imbes na magalit dito dahil sa ginawa sa akin ay pinalampas ko na lang muna. Mabilis itong nag-angat ng tingin sa akin. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay biglang lumakas ang pintig ng puso ko. Ipinilig ko ang aking ulo at pilit na pinapakalma ang pagtibok ng aking puso. “Sorry na sa ginawa ko sa ‘yo. Hmm. . . Pinaghanda kita ng breakfast mo. Ano bang gusto mo? Coffee? Ipagtitimpla kita, basta huwag mo lang akong palayasin dito sa bahay mo,” biglang lumambot ang puso ko dahil sa sinabi nito. Wala naman talaga akong balak na palayasin ito. Naghila ako ng isang silya at umupo roon. “I prefer black coffee without sugar and creamer,” sagot ko sa tanong nito kung anong gusto ko. Napangiti ako nang makita ang kasiyahan sa mukha nito. “Coming!” mabilis itong gumawa ng black coffee. Inilapag nito ang kape sa harapan ko. “May niluto akong fried egg, bacon at pancakes! Gusto mo bang kumain ng pancakes?” masaya nitong tanong sa akin. Nakakadala ang masaya nitong ngiti. Napangiti na rin ako. “Sure,” sagot ko rito. Kagat-kagat nito ang pang-ibabang labi habang inilalagay sa harapan ko ang pancakes na niluto nito. “Kumain ka na,” udyok nito sa akin. Nakatitig lang ito sa akin. Medyo nailang tuloy ako. “Hindi ka ba kakain?” pasimple kong tanong dito. Umiling ito. “Tapos na akong kumain. Ikaw na lang talaga ang hinihintay ko. I want to say I'm sorry for acting childish awhile ago.” Hingi nito ng despensa habang kagat-kagat nito ang kanyang pang-ibabang labi. Napatitig tuloy ako sa labi ng dalaga. Natural ang pagkakapula nito at mas lalo pa itong namula nang kagatin niya iyon. Bigla tuloy akong napalunok. Parang natutuyo ang aking lalamunan. I cleared my throat and eat my pancakes. Napaubo ako nang malasahan ang pancake sa bibig ko. Biglang namula ang buo kong mukha. Matalim kong tiningnan ang dalaga. Pilit nitong sinusupil ang ngiti nito. She acted innocent while looking at me. Damn her angelic and innocent face! “Anong nangyayari sa ‘yo? You want water?” tanong nito sa akin. Nilunok ko ang pancake at tumayo ako para kumuha ng tubig. Ako na ang kumuha dahil baka may ilagay na naman si Azean sa inumin ko. “What the hell are you thinking Azean?! Are you really trying to kill me?!” galit na galit kong tanong rito. She pouted her lips like an innocent girl. But she's not! Azean is a little devil! “I’m sorry,” mahina nitong bulong pero natatawa pa rin sa hitsura ko. “Sorry? I don't want to believe you. Hindi ka nga sincere sa paghingi ng sorry sa ginawa mo sa akin kanina eh. I trusted you, but I guess I trust you too much. Pack your things and leave my house. Dapat hindi ko na makita ‘yang pagmumukha mo rito sa pamamahay ko. You little devil!” galit na sigaw ko rito. Dinuro-duro ko pa ito dahil sa sobrang galit ko. Sino namang matino ang maglalagay ng chili powder sa pancakes! Sobrang anghang ng pancakes at sigurado akong namumula ngayon ang buo kong mukha. Nakita ko ang sakit at lungkot sa mukha ng dalaga. But I'm clouded by my anger. “I’m sorry. I promise hin-” “Just keep it to yourself. Pack your things and leave my house. I don't want to see you anymore. Am I clear?” malamig kong pahayag rito. She just nodded and say nothing. Lumabas na ako ng kusina at nagkulong sa aking silid. I am calming myself. Nang kumalma ay sinabunutan ko ang sarili kong buhok. Am I harsh to her? Pero ito naman ang nag-umpisa. She's annoying the s**t out of me! Dahil gulong-gulo ang isipan ko ay umalis muna ako ng bahay. Sana lang ay hindi ako sundin ni Azean. Panalangin ko. Habang nasa paborito kong lugar ay nag-iisip ako, at ang lugar na tinutukoy ko ay sa itaas ng punong mangga. Nakasandal ako sa isang malaking sanga. Tinawagan ko si Bhie dahil mukhang nakalimutan na niya kami. “Hades! Ang mga bata kumusta?” agad nitong tanong sa akin. “They are fine. Pero, hinahanap ka na nila. Anong plano mo?” tanong ko rito. “Can you do me a favor? Please, isama mo paluwas ng Manila ang mga anak ko bukas, nasa Villa Margarita ako ngayon.” Pakiusap nito sa akin. “Okay, as you say so. Bukas na bukas ay luluwas kami ng mga bata kasama ang mga yaya nila.” Mabilis kong pagpayag sa pakiusap nito. “How about Azean? Is she okay? Nand‘yan pa ba siya?” sunod-sunod nitong tanong sa akin. Malakas akong napabuntonghininga. Ayaw kong sabihin rito na pinapalayas ko ang dalaga. “She’s annoying! And now she's applying as my personal assistant! The f**k!” malakas na mura ko. “Tanggapin mo na siya. Kawawa naman, she needs your help. Hindi ka ba naaawa sa kanya? Paano kung saktan siya ulit ng mga goons na ‘yon? Mas mabuting kasama mo muna si Azean. Nararamdaman kong mabuti siyang babae and maybe siya na ang desti-” I cut her off. “Oh shut the f**k up! Fine! Pero hanggang sa mabayaran niya lang ang utang niya sa akin ito mananatili. After that ay pwede na siyang umalis bilang P.A ko.” Malamig kong saad. “Whatever you say. Okay sige na bye! Take care of my kids okay and please, take care of Azean for me. Can you?” malambing ang boses nitong pakiusap sa akin. Kung hindi ko lang talaga ito mahal ay nunka ko itong susundin. Marahas akong buntonghininga. “Fine! Okay I gotta go! You take care too.” Paalam ko rito. Ewan ko ba. Kahit matagal ko ng alam na hindi niya ako kailanman mamahalin na higit pa sa kaibigan ay hindi ko pa rin ito magawang pabayaan. Sana lang ay makapag-move on kaagad ako. Dahil hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako at selos na selos sa tuwing magkasama sila ni Ezra. What a lucky bastard. Mabilis akong bumalik sa bahay. Sana lang ay abutan ko pa ang dalaga. I will hire her as my new personal assistant. I just hope that we’ll get along.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD