Chapter Five

2238 Words
Nasaktan ako sa sinabi ni Hades sa akin. Siguro nga sumobra ako sa kalokohan ko. Am I deserve to leave his house? Feeling ko talaga, si Hades na ang knight and shining armor ko. Hays! Kalokohan pa more Azean! Nagkulong muna ako sa silid na inuukopa ko. Sinabunutan ko ang sarili kong buhok. Paano na ‘to ngayon? Paano na ang mga plano ko? Ays! Nagpapadyak ako sa sahig na parang batang may tantrums. Magmakaawa kaya ako sa kanya? Akitin ko kaya siya? Oh my goodness! Alam kong batak na batak sa masel ang katawan ni Hades! Feeling ko tumulo ‘yong laway ko. Agad kong pinunsan ang gilid ng aking bibig. Mabuti naman at walang laway na tumulo doon. What should I do now? “Alam ko na! Ang talino ko talaga!” patili kong kausap sa sarili. Mabilis kong inimpake ang aking mga gamit. Kailangan kong umiyak. Damn! Hindi ako iyakin kaya hindi madali para sa aking umiyak. Kailangan kong manood ng sad movies. Kinulikot ko ang aking cellphone at nanood ng isang nakakaiyak na palabas. Pero kahit anong pilit ko sa sariling umiyak ay hindi ko talaga magawa! Pesteng luha ‘to! Tumulo ka naman oh! Kailangan ko ng simpatya mo! Ngunit wala pa ring nagpaiyak sa akin sa mga napanood ko. Anong gagawin ko? Tama! Sibuyas! Kailangan ko ng sibuyas! Mabilis akong bumaba sa kusina at naghanap ng sibuyas. Kinuha ko ang kutsilyo at hiniwa ko ang sibuyas malapit sa mga mata ko. “s**t! Ang hapdi ng mga mata ko! Totoo pala talaga ang sabi nila, nakakaiyak ang sibuyas. Argh!” halos hindi na ako makakita dahil ang hapdi na ng mga mata ko. Ibinalik ko ang kutsilyo at itinapon ang sibuyas. Hinugasan ko ng mabuti ang kamay ko para hindi ako amoy sibuyas mamaya. Sana lang talaga ay bumalik na si Hades. Umakyat ako ulit sa silid ko at nag-spray ng pabango. Panay pa rin ang singhot ko. Naparami yata ang sibuyas na nahiwa ko dahil ang hapdi-hapdi pa rin ng mga mata ko. Napaigtad ako nang makarinig ako ng katok sa labas ng pinto. Sa pag-aakalang si Manang Rosing ‘yon ay inayos ko ang sarili ko. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa nabungaran ko. s**t! Malapit ng ma-expire ang luha sa mga mata ko. Kailangan kong mag-isip para tumulo ang mga luha ko. Nag-iisip ako nang sad memories ko. Hanggang sa maalala ko ang pagkamatay ng aking Inay. Nagkaroon ito ng malubhang karamdaman at dahil wala kaming pera ay hindi namin ito naipagamot. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko nang hindi ko namamalayan. “Damn!” napaigtad ako nang malakas na magmura si Hades. This is it! Light camera action! “Please! Maawa ka naman sa akin, huwag mo akong paalisin. Kahit isang taon lang akong manilbihan sa ‘yo, lahat naman kaya kong gawin. Sabihin mo lang sa akin. Kayang-kaya kong maging isang baby!” pakiusap ko rito. Umakto akong parang baby, “Papa, need ko mik, gutto ko mik,” ani ko sa boses bata. Kumunot ang noo ni Hades, he looked pissed. Umayos ako ng tayo sa harapan nito. “Kaya ko ring maging normal, oo, madalas normal naman talaga ako. Ten percent lang ang pagiging abnormal ko. Sige na gawin mo na ak-” “Argh! So annoying! You're hired!” malakas na sigaw ni Hades sa akin. Agad na nanlaki ang mga mata ko! Tinitigan ko ito sa kanyang mga mata. Hinanap ko kung nagbibiro lang ba ito o hindi. “T-totoo? T-talaga? Hindi mo ako pina-prank?” hindi makapaniwalang sunod-sunod kong tanong dito. Mas gumwapo yata siya sa paningin ko nang mas lalong lumalim ang gatla sa noo nito. “Mukha ba akong nagbibiro? Gusto mo bang bawiin ko?” naiinis nitong tanong sa akin. “Hoy! Wala ng bawian ‘yon no! Kapag binawi mo, papangit at mamalasin ka. Gusto mo ba ‘yon?” pananakot ko rito. “Do you think I care?” tanong nito pabalik sa akin. Napanguso na lang ako sa tanong nito. “Napaka-KJ mo naman!” may inis kong wika. “At ikaw pa ang may ganang mainis? Alalahanin mo, ikaw ang may utang sa akin. Kaya umayos ka.” Malamig ang boses nitong paalala sa akin. “Oo na! Menopausal na hari ng kailaliman! Akala ko naman tulong mo ‘yon! Maniningil ka rin pala! Hmp!” mataray kong pahayag dito. I crossed my arms covering my breast and stomped my feet on the floor like a kid in her tantrums. “May I remind you na ikaw ang nagpumilit na maging personal assistant ko para makabayad sa perang binayad ko sa utang ng tatay mo. So, it's your fault.” Hmp! Pinaalala pa talaga. “Oo na! Ako na ang nagpumilit! Sa nakakahiya naman kasi sa ‘yo! Alam kong makapal ang mukha ko-” “Mabuti at alam mong makapal ang mukha mo,” he cut me off! Mas lalo tuloy akong nainis dito. “Because I'm honest! Alam mo naman ang kasabihan, honesty is the best policy ‘di ba?” sarkastiko kong ani rito. “Whatever! Just pack your thing-” “Ops! Teka lang! Sabi mo sa akin kanina, I'm hired. Bakit mag-e-empake ako?” nameywang ako sa harapan ng binata. Marahas itong bumuntonghininga. Para bang nauubosan na ito ng pasensya sa akin. Hmp! Bahala kang maubosan d‘yan! “Pack your things, we will go to Manila tomorrow early in the morning with the triplets. Any questions? Clarifications? Or violent reaction?” nagpipigil sa inis na tanong ni Hades sa akin. Pinandilatan ko lang ito ng mga mata. Kung kanina gustong-gusto kong magmakaawa rito. Ngayon naman, gusto ko na lang itong sakalin dahil sa inis. Ni hindi man lang marunong ngumiti kapag ako ang kaharap. Parating malamig ang ekspresyon ng mukha. “Wala po hari ng kailaliman! Sana sinali mo na rin ang addition! Subtraction! Multiplication! At divisi-” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla na lang akong kabigin ni Hades papalapit sa kanya at halikan. He pressed his lips on me and move slowly. Nanlalaki lang ang mga mata ko at hindi ako makagalaw. Hinahabol ko ang aking hininga nang bitiwan ako ng binata. Nagtatanong ang mga mata ko itong tiningnan. I'm beyond shock. “Eh ‘di natahimik ka rin. Halik lang pala ang makakapagpatahimik sa ‘yo. Sa susunod na mag-ingay ka pa. Hindi lang halik ang matitikman mo sa akin, kapag napuno ako sa ‘yo. Stop annoying me. Now, pack your things at maaga pa ang flight natin bukas.” Tinalikuran niya akong nakatulala pa rin dahil sa ginawa nitong paghalik sa akin. Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi. Napangisi ako sa naisip. Ano pa kaya ang kaya niyang gawin kapag napikon ko ulit ito ng sobra. Is it more than a kiss? Bigla akong napatili dahil sa naisip kaya kahit malayo na si Hades ay napalingon pa rin ito sa akin kaya naman nag-finger heart ako rito at nag-flying kiss bago pumasok ulit sa loob ng silid ko. Ang saya-saya ko kaya tinulungan ko si Manang Rosing sa paghahanda ng hapunan. Pakanta-kanta pa ako. “Always remember us this way, ooh yeah!” kanta ko pa. “Masaya ka yata ah! Anong nakain mong bata ka?” tanong ni Manang Rosing sa akin. “Ahm. . . Maniniwala ka po ba kung sinabi kong, masaya ako dahil hinalikan ako ni Hades?” halos pabulong kong ani rito, at para akong uod na binudburan ng asin dahil sa kilig! Hinampas-hampas ko pa si Manang Rosing sa braso nito. “Ang sarap ng kiss niya, Manang!” kinililig kong pahayag. Malakas akong napatili nang kurutin niya ako sa aking singit. Napadaing tuloy ako. “Manang Rosing naman eh!” nakanguso kong saway rito. “Tigilan mo ako ah! Ang bata-bata mo pa! At isa pa, mahal ni sir Hades si Bhie. Pero, alam ko namang hanggang kaibigan lang ang turing nito kay sir Hades. Sana lang talaga makahanap si sir ng babaeng mamahalin siya at mamahalin din niya,” kwento ni Manang. Bigla akong nalungkot para kay Hades. Kahit naman malamig ang pakikitungo nito sa akin ay alam kong may ginintuan itong puso. “Sana nga po Manang Rosing. Sana may magkagusto sa kasungitan niy-” “At sino ang masungit?” napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng binata. “Ay butiki na walang balls!” bigla kong sigaw. Masama ko itong tiningnan. Mahinang natawa si Hades sa sinabi ko. “Wala naman talagang balls ang butiki!” naiiling nitong ani. “Sa susunod huwag kang manggugulat! Kainis ‘to! Nagmo-moment pa kami ni Manang Rosing!” nakaingos kong pahayag sa binata. “So, sino ang pinag-uusapan niyong masungit kanina?” muli nitong tanong. Napanguso ako rito. “Ikaw,” halos pabulong kong sagot sa binata. “Hindi ako masungit.” Madiin nitong depensa sa sarili. Tumaas ang kilay ko rito. “Say’s who? Eh, ang sungit-sungit mo nga sa akin eh!” birada ko rito. “Because you're annoying!” kumunot ulit ang noo nitong nakatingin sa akin. “Annoying my ass!” bubulong-bulong kong wika. “Give me a water,” utos nito sa akin. Tumaas ang kilay ko itong tiningnan. “Hindi mo ako yaya!” “You are my personal assistant. So give me water, now.” Mariin nitong utos sa akin. Matalim ko itong tiningnan. “Malamig o mainit?” “Malamig.” “Sa pitsel o sa gripo?” “Sa pitsel.” “Sa plastic o sa babasagin?” “Babasagin.” “Ngayon mo na iinumin o mamaya pa?” tanong ko ulit. I'm teasing him, and testing his patient too. Marahas itong bumuntonghininga at matalim akong tiningnan. Padabong itong tumayo at tinungo ang refrigerator at ito na mismo ang kumuha ng tubig sa pitsel at nagsalin sa baso. Sunod-sunod itong uminom ng tubig. “I am warning you. Stop annoying me, I can fire you anytime. At kayang-kaya rin kitang palayasin dito sa pamamahay ko. Do you understand me?” mariin nitong tanong sa akin. Nagtitimpi ang mga mata niyang nakatitig sa akin. So damn hot! Kahit galit ito ay ang gwapo pa rin niya. “I don't like that punishment. I want more than kiss, hari ng kailaliman. If you can give me that, then I will stop annoying you. Deal?” sinadya kong lambingan ang boses ko. Nakita ko ang paglunok nito at tumitig ito sa aking mga labi. Tumaas ang kilay ko, ngunit bumilis naman ang pagtibok ng puso ko nang makita ko ang pagnanasa sa mga mata nito. Akala ko susugurin ako ni Hades ngunit tinalikuran niya lang ako at saka lumabas ng kusina. “Tsk! Ang sungit talaga!” bulong ko na lang. “Ngayon ko lang nakita ulit si sir Hades na ngumiti ng ganoon. At dahil ‘yon sa ‘yo. Dati-rati si ma'am Bhie lang naman ang nakakapagpasaya sa kanya. Halos ibuhos niya ang pagmamahal nito sa mag-iinang ‘yon. Pero hindi mo ito makikitaan ng pagrereklamo. Iba talaga ito kung magmahal, buong-buo. Kaya nga niyang tanggapin ang maging ama ng triplets kung minahal lang din sana siya ni ma'am Bhie,” muli ay kwento ni Manang Rosing sa akin. Napatingin ako sa nilabasang pinto ni Hades. Nasasaktan ako para sa kanya. Pero nagpasalamat pa rin ako dahil hindi siya minahal ni Bhie, may pag-asa pa akong pasayahin ito. Alam kong wala akong karapatang magtanong kung sino si Bhie sa buhay niya at wala rin akong karapatang panghimasukan ang buhay nito. Ngunit hindi ko kayang pigilan ang puso kong hindi masaktan para rito. He is too kind to get hurt. Alam ko kung paano ang hindi mahalin pabalik, dahil ganoon si Tatay sa akin, though magkaiba kami ng pagmamahal na gustong makamit. Ilang taon akong nabubuhay sa mundo na walang taong nagparamdam ng tunay na pagmamahal sa akin. Nand‘yan nga si Alex, pero ibang pagmamahal ang ibinibigay nito sa akin, pagmamahal ng isang kaibigan. Hindi niyon kayang punan ang kahungkagan sa puso ko. Gusto ko ring balang araw ay may magmahal sa akin ng buo at tanggap ako sa kung sino ako. Namalayan ko na lang na humahakbang na pala ako para hanapin ang binata. Natagpuan ko ito sa garden at nakatitig sa mga bituin sa kalangitan. Habang pinagmamasdan ito sa malayo ay kitang-kita ko ang kalungkutan at sakit sa mga mata nito. Pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para mapasaya ito. Alam kong mahirap makapag-move on lalo na sa taong minahal mo. Hindi ko pa man naranasan ang magmahal na katulad sa pagmamahal nito kay Bhie, pero alam kong hindi madali ang bitiwan ang taong mahal na mahal mo. Dahil ako nga hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa pagkawala ng aking ina. Ang hirap bumitaw sa taong pinaglaanan mo ng pagmamahal. At bilang kabayaran sa kabutihang ginawa niya sa akin, ay pasasayahin ko ito sa abot ng aking makakaya, kahit pa may sekreto akong dapat ‘di niya malaman. Babawi ako rito. At sana kapag malaman man nito ang katotohanan ay mapatawad niya ako. Sana nga mangyari ‘yon. “Did I told you to stop staring at me?” napakurap-kurap ako nang marinig ang malamig na boses ni Hades. Ngayon ko lang naisip, his voice seems familiar. Saan ko nga ba ito unang narinig?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD