Chapter Six

2239 Words
Panay ang ngiti ko habang nakasakay kami ng eroplano papunta sa Manila. Paanong hindi ako magiging masaya eh, kinausap ako ni Hades kagabi. Hindi lang ‘yon, sabi niya, I can stay in his side as long as I want. Oh ‘di ba? Ang haba ng hair ko. Nagulat ako nang may bumulong sa tenga ko. “Stop smiling, it's giving a shiver in me.” Mariin nitong bulong, it's like he's warning me. Nilingon ko ito, and it's a damn wrong move! Naduling at nanlaki ang mga mata ko dahil sa paglalapat ng mga labi namin. Hindi ito gumalaw. Nakatitig lang sa akin si Hades, parang wala lang dito ang halik na namagitan sa amin. Bigla akong umatras at tinakpan ko ang bibig ko. “Bakit kasi ang lapit-lapit ng mukha mo! Ayan tuloy, natikman mo ulit ang labi ko! Abusado ka na yata masyado!” pagtataray ko rito. Mahinang tumawa si Hades. “Gusto mo naman.” Nanlaki ang mga mata ko itong tiningnan. “Excuse me! Hindi ah!” tanggi ko habang pulang-pula ang mukha ko. “Tsk! Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo sa labas ng silid mo? You want me to kiss you aga-” bigla kong tinakpan ang bibig nito at pinandilatan ko ng mga mata ang binata. “Shut the f**k up! I'm warning you.” Nandidilat ang mga mata kong saad sa binata. Pasalamat lang talaga ako at nakasakay kami sa private plane ni Hades. Walang nakakita sa amin. Nasa likuran naman ang triplets kasama ang mga yaya nila. Tinanggal ni Hades ang kamay ko sa bibig nito at mas lalo pang inilapit ang mukha nito sa mukha ko. He's looking at me seriously. “Don’t threaten me. I'm not nice if threatened.” Mariin at halos pabulong nitong wika. Napalunok naman ako dahil amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga, at ang pagkakalapit namin ay naghatid sa akin ng libo-libong nakakakiliting pakiramdam. Ang bilis-bilis din ng t***k ng aking puso. Para bang may karera sa loob ng aking dibdib. Bumalik ako sa upuan ko at hindi na ito pinansin “Cat got your tongue, huh?” nang-iinis nitong ani sa akin. Mas lalo lang akong humalukipkip. Naiinis ako rito dahil lahat ng sinabi nito ay totoo. “Don’t talk to me. We're not friends!” nakaingos kong saad dito. “Yeah, we are not. I'm your boss and you are my personal assistant. Just act like one. Let's be professional.” Malamig nitong pahayag. Nasaktan naman ako sa sinabi nito. Pero tama nga siya, we are not friends. We should act professional to each other. Hanggang sa lumapag ang eroplano ay tahimik lang kaming dalawa ni Hades. I assumed too much, kaya ayon, nasaktan ako. And it's hurt so damn much! Wow Azean! Bakit naging kayo ba? Kung maka-akting ka parang may relasyon kayo. You kissed each other, but you don't have a label! Bruhilda talaga ang utak ko, grabe kong magpatama, sapol na sapol. Tsk! May sumundo sa aming sasakyan na kulay pula. Nanlaki ang mga mata ko, it's a latest model. The new Nissan Terra SUV. Sabagay, he is a billionaire. No doubt that he can buy everything and anything in this world. Bago kami nagkita ni Hades, I do a little research about him. But he doesn't have any pictures. He is too private. Kaya nagulat ako nang makita ko ito. I didn't expect na ang crush ko na nakita sa Luxury building ay ang binata pala. Lahat ng nasa articles nito ay puro about business, I don't know his personal life. And this is my chance to know him better. I just need to act natural and be myself. Namangha ako sa bahay na pinasokan namin. Ang laki n‘on at halatang mayaman ang nakatira. Iginaya kami ni Hades papasok sa loob. Para namang walang tao. Sa living room muna kami naghintay. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig nang pumasok si Hades. Panay ang pagmumura nito. Hindi ko alam kung bakit ito galit. He looked mad or pissed? And I want to piss him more. Pilya akong napangiti. “Why you're so gwapo? Can you tell me?” kumunot ang noo nito nang marinig ang boses ko. “Shut up! I'm handsome that's it. No explanation needed for the obvious!” nanggigigil na saad ni Hades sa akin. Malandi akong tumawa. Oo, kalandian na this. Nakalimutan ko ng inis ako rito. “Oh! Talaga? But you're more handsome when you're mad. Kaya gusto kitang panggigilan eh.” Pang-iinis ko pa rito. Marahas niya akong nilingon at matatalim ang mga mata niya akong tiningnan. “Know what, hindi ko alam kung bakit pa ako pumayag na maging personal assistant kita. You're annoying!” sigaw ni Hades sa akin. Mas lalo lang lumapad ang ngiti ko. Pikon talaga. “Am I? Don't you find me cute? Annoying is cute,” I said. “You’re making me crazy woman!” singhal ulit nito sa akin. Pinipigilan ko ang sarili kong huwag humalagpak ng tawa. “Really? I make you crazy? Magpapa-party na ba ako? God! I can't believe it!” nasisiyahan kong pahayag dito. Mas dumilim pa ang mukha nito. I think I pissed him too much. Bad Azean. “Miss Azean Sky Salazar! I'm warning you.” mas madiin na ani ni Hades. Pangiti-ngiti lang ako rito. Magsasalita pa sana ako nang may tumawag sa pangalan ng binata. Si Bhie! May kasama itong gwapong lalaki. Siguro ito ang ama ng triplets, kamukha kasi nito ang tatlong bata. Wow! Bagay na bagay talaga silang dalawa. Maganda si Bhie at gwapo naman ang asawa nito. “Hades!” nang lumingon ako sa binata ay matalim ang mga titig nito sa akin na ipinagkibit-balikat ko na lang. Lumingon naman ang binata kay Bhie. Hindi pa rin nagbabago ang inis sa mukha nito. “What?” may inis na sigaw nito sa kaibigan. “Don’t you dare shout at my wife!” napalingon ako sa lalaki nang matalim nitong tingnan si Hades, and Hades doesn't care at all. “Don’t stare like that to Azean. She's a good girl. Bakit ba masama ang tingin mo sa kanya?” may inis na tanong ni Bhie sa binata. Lihim akong napangiti. Mukhang may kakampi yata ako ah. Nice one! Dapat pala akong maglalapit kay Bhie. “She’s annoying! God! I can't stand beside her! Baka mabaliw na ako ng tuluyan.” May inis pa rin sa boses nito. “Eh ‘di sayang ang ibinayad mo sa utang ng aking ama. Pasalamat ka pa nga at pagta-trabahuan ko ang perang ibinayad mo!” mataray kong sabad sa usapan nila. “Aba’t sumasagot ka p-” “That’s enough Hades! Respect her, she's a woman. And beside she needs your help, pagtatrabahuan naman niya iyon. Kaya please lang be good at her,” masuyong pakiusap nito kay Hades. Malalim itong bumuntonghininga. “Fine. Pipilitin kong maging mabait sa kanya.” He said. Biglang kumirot ang puso ko. Mabuti pa si Bhie, napapaamo nito si Hades. Ngumingiti rito ang binata. Kabaliktaran sa ginagawa nito sa akin. Pilit kong pinasigla ang aking boses. “Yes! Thank you!” malakas kong hiyaw. Yeah! I'm a damn best actress! I kissed Hades on his cheeks. Nakita ko kung paano nagulat si Hades sa ginawa ko. Alam kong nagulat din ang dalawang kasama namin sa ginawa kong paghalik dito. But they didn't say anything. “Where’s my kids?” mabuti at nagsalita ang asawa ni Bhie dahil bigla na lang natahimik ang lahat. Alam kong masisigawan na naman ako ni Hades dahil sa ginawa ko rito. I'm not Bhie para pakitunguhan nito ng maayos. And it's hurt me. Azean Sky Salazar! Wala ngang kayo ‘di ba? Bakit ka nasasaktan? Huwag umasa girl. Langit siya, ikaw, hindi ka lang lupa, nasa putikan ka pa! Tama ang utak ko. He is not for me, ang layo kaya ng agwat naming dalawa. I should know better. Masasaktan lang ako sa huli. I put my best smile on my lips. Ayaw kong makita nila ang sakit na nararamdaman ko. “Nasa may pool area sila naglalaro.” Malamig na sagot ni Hades. “Thanks Hades. Puntahan na muna namin sila.” Paalam ng mag-asawa. Nang umalis ang mag-asawa ay naging tahimik ang kusina. Walang gustong magsalita sa amin. “Don’t do that again.” Parang yelo sa lamig ang boses nito. Pilit kong pinasigla ang boses ko. “Wala naman akong ginawang masa-” “Don’t you dare kiss me in front of Bhie! Ayaw kong may isipin siyang iba sa ating dalaw-” “Are you still in love with her?” tanong ko rito. Pinalakas ko ang aking loob. Wala naman akong karapatang magtanong. Pero gusto kong malaman. Tumiim ang bagang nitong nakatingin sa akin. “It’s not your business anymore. Sinabi ko naman sa ‘yo kanina. Act professionally. Huwag na huwag mong panghimasukan ang buhay ko. Kakakilala lang natin. Hindi pa kita lubusang kilala, kaya kung pwede lang, makipag-usap ka lang sa akin kung tungkol sa trabaho. Nothing more, nothing less.” Parang tinusok-tusok ang puso ko. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha sa aking mga mata. Mabilis ko ‘yong pinalis. Yeah! The first time I saw him, I already like him. Kaya nasasaktan ako ng ganito dahil may gusto ako kay Hades. Mapait akong napangiti. Nakalimutan kong hindi nga pala ako katulad ni Bhie. She is perfect. She is beautiful, rich and smart. Samantalang ako, nakalubog sa putikan. Hindi ko nga alam kung paano ako aahon. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Alex. I need him right now. Habang papalabas ng bahay ay may tumawag sa pangalan ko pero hindi ako lumingon. Dere-deretso akong lumabas ng gate. “Sky? Are you still there?” natigilan ako nang marinig ang boses ng matalik kong kaibigan. “N-nasaan ka? P-please, sunduin mo ako rito, I need you now,” umiiyak kong pakiusap dito. Narinig ko ang mura nito. “Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kaagad kita.” Seryoso nitong tanong. Narinig ko kanina na nasa Villa Margarita kami. “Villa Margarita. Please, puntahan mo kaagad ako.” Pakikiusap ko rito. Habang naghihintay ako kay Alex ay panay ang tulo ng luha ko. “Where are you going?” nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko. It's Hades. Hindi ko ito sinagot. Palihim kong pinahid ang mga luha sa mga mata ko. I cleared my throat. “It’s none of your business,” sagot ko rito. “Tinawag ka ni Bhie, hindi mo siya pinansin. Nasa pamamahay ka niya, sana naman magkaroon ka ng konting respeto d‘on sa tao.” Ayun lumabas din ang totoo. Sinundan niya ako dahil kay Bhie. Hindi naman ako galit kay Bhie. Nagseselos? Oo, insecure na insecure ako rito. She has everything, while I don't have any to be proud of. Kahit nga kalayaan ko ay hindi sa akin. “Hihingi na lang ako ng tawad mamaya sa kanya. Sa ngayon, gusto ko munang makalanghap ng sariwang hangin.” “Let’s go inside.” Utos nito. Umiling ako rito. Magsasalita pa sana siya nang dumating si Alex dala ang motor nito. Mabilis akong lumapit sa kaibigan ko at niyakap ito nang mahigpit pagkatanggal ng helmet nito. “Anong nangyari sa ‘yo?” masuyo nitong tanong sa akin. Umiling lang ako bilang sagot. Kinuha ko ang isang helmet, “Ilayo mo muna ako rito, please?” pakiusap ko rito at isinuot ang helmet ko. “Azean!” tawag ni Hades sa pangalan ko. Nagbabaga ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Parang anomang oras ay bubuga na ito ng apoy. “Babalik din naman ako kaagad. Kailangan ko lang talaga ng sariwang hangin na malalanghap,” sagot ko rito. “Tayo na.” Utos ko kay Alex at mahigpit ko itong niyakap. Mabilis naman nitong pinaharurot ang sasakyan. Dinala ako ni Alex sa isang beer house. Panay ang inom ko. Wala akong pakialam kung malasing man ako ngayon. Nand‘yan naman si Alex. Kaya malakas ang loob ko. “Iyong lalaki ba na ‘yon ang nagpaiyak sa ‘yo?” nakatiim-bagang na tanong ni Alex sa akin. Hindi ko ito sinagot. Tinungga ko lang ang beer na hawak ko. “Tsk! I'm jealous and insecure. Eh, wala namang kami. I have no right to get jealous. Right?” mapait kong ani rito. “You like him? Akala ko ba si H ang pakakasalan mo? Hahanapin mo nga siya ‘di ba?” tanong nito sa akin. Mahina akong natawa. Alam nito ang tungkol kay H. “Alam mo bang Hades ang pangalan ng boss ko? The first word of his name starts with letter H. What a damn coincidence right? O baka mahilig lang talaga ako sa letter H?” natatawa kong pahayag sa kaibigan ko. “Tsk! You're drunk. Kung ano-ano ng nonsense ang sinasabi mo. Iuuwi na kita,” sabi ni Alex. Wala akong nagawa kundi ang magpatangay rito. Kinaumagahan ay nagising ako na masakit ang ulo ko. Napatili ako nang makita kong may kayakap akong lalaki. “Ahhh!” sigaw ko at malakas na itinulak ang lapastangang lalaking tumabi sa akin. “s**t! Damn!” sunod-sunod na mura ng lalaking nahulog sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na mukha ng binata. “Hades. . .” tawag ko sa pangalan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD