“Anong ginagawa mo rito sa silid ko?!” halos lumabas ang litid ng ugat sa aking leeg dahil sa pasigaw kong tanong sa binata. God! Isang lose t-shirt at boxer short lang ang suot ko. Napatakip ako sa aking bibig. Ipinalibot ko ang aking mga mata sa buong silid. Hindi ko alam kung silid ko nga ba ito o hindi. Ang damit ko ngang suot alam kong hindi iyon sa akin.
Bumangon si Hades sa pagkakatayo nito at mas nanlaki ang mga mata ko nang makitang naka-boxer short lang din ito at sando! Naeeskandalo akong napatingin sa gitnang hita nito. Namimilog ang mga mata ko at napa-O-shape pa ang aking bibig dahil sa bukol ng pagkakalaki nito. Nang medyo magtagal ang mga mata ko sa bumubukol niyang hinaharap ay bigla na lang ‘yong gumalaw at napaatras ako. Itinuro ko ang bukol ni Hades.
“G-gumagalaw!” sigaw ko dahil bigla akong nahintakutan sa nakita. My eyes! My innocent eyes! My goodness!
“Azean Sky Salazar! Eyes up!” madiin at malakas na sigaw ni Hades sa akin. Nagulat ako, kaya naman umangat ang mga mata ko sa kanyang mukha. Namumula ang mukha nito at umiigting ang panga. Para bang galit na galit.
Nakita kong tumutok ang mga paningin nito sa dibdib ko kaya bigla kong tinakpan ang aking dibdib. Sinilip ko ang loob ng t-shirt ko at wala nga akong suot na bra! The horror! Umangat ulit ang mga paningin ko sa binata.
“Bakit magkatabi tayong natulog? At. . . At a-ano. . . Ahm, s-sino ang nag-h-hubad sa ‘kin?” halos hindi ako magkaundagaga sa pagsasalita. I heard him cleared his throat.
“Ako. Ako rin ang nagbihis sa ‘yo. Don't worry wala akong nakita. Nakapatay ang ilaw at nasa ilalim ka ng comforter habang binibihisan kita.” Sagot nito.
“Ba-bakit magkasama t-tayo?” halos pabulong kong tanong. Parang kinakabahan ako sa magiging sagot nito kaya naman ay kagat-kagat ko ang aking pang-ibabang labi. Natatakot akong may nagawa akong kahalayan habang lasing ako kagabi! Wala pa naman akong matandaan sa mga nangyari.
“Kasi, gusto mong magtabi tayo. Nang akma akong aalis ay umiyak ka na lang bigla at wala na akong nagawa kundi ang yakapin ka at patulugin. Hindi ko namalayang nakatulog din pala ako,” paliwanag ulit nito. Mas lalong namula ang aking mukha. Nahihiya ako sa kanya. Muli akong napatitig sa gitnang hita ni Hades.
“Don‘t stare at my manhood. Ginigising mo ang natutulog eh, tsk.” Saway nito sa akin pero alam kong pinipigilan nitong ngumiti. Napanguso tuloy ako.
Hinablot ko ang comforter at doon ay binalot ang sarili ko.
“Kaninong silid ‘to?” tanong ko rito.
“Sa ‘yo. Sige na lalabas na ako. Magsisimula na ang trabaho mo mamaya.” Imporma nito sa akin. Tumango lang ako rito. Nang makalabas ng silid si Hades ay nagtititili ako. Nakakahiya talaga ako! Lupa kainin mo na lang ako! Please!
“Sky! Nandito na tayo!” gising ni Alex sa akin. Dumaing lang ako sa sinabi nito. Lasing na lasing na nga talaga ako.
Narinig ko ang pagbukas ng gate.
“Si Azean ba ‘yan?” tanong ng lalaking sumira at nagwasak ng aking puso. Nang marinig ang boses nito ay pilit kong iniangat ang ulo ko.
“H-hoy! Ack. . . H-how dare y-you!” lasing kong duro kay Hades.
“Tumahimik ka nga! Ibibilin na kita rito sa boss mo. May lakad pa ako bukas. Pare, ikaw na ang bahala sa kaibigan ko. Ingatan mo siya at huwag sasaktan, kung hindi ay ako mismo ang papatay sa ‘yo.” Mariing banta ni Alex kay Hades. Malapad akong napangiti. Hinampas-hampas ko pa sa braso si Alex.
“S-salamat! Inghat kha!” paalam ko rito.
Hindi ko na narinig pa ang boses ng kaibigan.
“Ang bigat mo naman!” reklamo ni Hades.
“H-hindi ah! Shexy akhooo!” malakas kong sigaw. Tinakpan naman kaagad ng binata ang aking bibig na siyang ikinahagikhik ko.
Nang ilapag niya ako sa malambot na kama ay halos mapapikit ako. Naramdaman ko ang paghubad nito ng aking damit.
“Ikhaw ah, mhay c-crush ka sha akhin noh?” tanong ko rito sa lasing na boses. Wala akong nakuhang sagot dito hanggang sa matapos nito akong bihisan. Akmang aalis na ito nang pigilan ko sa braso ang binata.
“Dhito ka lhang! Khundi iiyak ako! Iiyak akooo! Naririnig mo ba akooo!” malakas kong sigaw rito sabay iyak.
“Shhh. . . May natutulog na!” saway nito sa akin. Mas nilakasan ko pa ang aking pag-iyak.
“Dhito kha lhang! Hug mo ‘ko!” parang bata kong hiling. Nang sumampa si Hades sa kama at naramdaman kong niyakap niya ako. Tumaas ang kanyang isang braso kaya kita ko ang mamasel nitong balikat. Mabalahibo rin ang kili-kili nito. Bigla ko na lang isinubsob ang mukha ko sa kili-kili ni Hades at inamoy-amoy ko ‘yon. Panay ang tawa ni Hades. s**t naman! Ang bango ng kili-kili nito.
“S-stop it Azean! Na-nakililiti a-ako!” parang kinakapos ang hininga nitong saway sa akin. Ngunit hindi ako tumigil. Nakaka-addict ang amoy ng kili-kili nito. Mas lalo kong isinubsob ang mukha ko sa Kili nito.
“Oh s**t! Damn it woman!” malakas nitong mura. Pinipilit niya akong inilayo ngunit para akong naka-glue sa kili-kili nito.
“I love you. . .” wala sa sarili kong bulong at ilang sandali pa ay nilamon na ako ng kadiliman at tuluyan ng nakatulog.
“Oh my God! Did he heard me?” tanong ko sa aking sarili, halos ayaw ko ng lumabas ng aking silid dahil sa mga pinaggagawa at pinagsasabi ko kagabi. Me and my drunken self! Argh! I hate you beer! I will never drink you again! Never! I'm not a shameless woman! Ahhhh!
Inayos ko ang sarili ko. Alam kong kahit anong gawin ko ay hindi na n‘on mababago pa ang mga kahihiyang ginawa ko.
Paglabas ko ng aking silid ay nakita ko si Bhie. May ginagawa ito.
“H-hi!” bati ko rito. Nag-angat ito ng tingin at nginitian ako.
“Good morning! How's your sleep?” tanong nito sa akin. Nahihiya ko itong nginitian.
“Ayos lang. Sorry pala kahapon at hindi ko narinig ang pagtawag mo. May nangyari lang talaga sa akin kahapon eh. Kapag malapit na ang pagbilog ng buwan, sumasapi na naman ang kabaliwan ko. Kaya sana pagpasensyahan mo na ako sa inakto ko. Promise, hindi na ‘yon mauulit. Lagi ko ng dadalhin ang gamot ko sa saltik!” pangako ko rito. Seryoso ang mukha kong nakatingin kay Bhie. Bigla na lang humalagpak ng tawa ang kaharap ko. Naku! Mukha yatang may saltik din ang isang ito. Nang kumalma ito sa pagtawa ay nakangiti niya akong tiningnan.
“Know what, I like you. Pareho pala tayong may saltik na dalawa kaya magakakasundo tayo.” Narinig kong wika nito. Nakahinga naman ako ng maluwang.
“Mabuti naman kung gan’on. Ano pala ang ginagawa mo?” tanong ko rito.
“Naghahanap ako ng wedding organizer eh. Gusto kong maging perfect ang lahat para sa kasal namin ng best friend ko.”
“Ay! May kakilala akong wedding organizer. Hindi nga lang halata sa hitsura nito, pero sigurado akong magaling ang kaibigan kong ‘yon.” Pahayag ko rito. May college friend ako n‘on. We’re not that close pero may kontak kami sa isa’t-isa.
“Talaga? Tawagan mo naman para sa akin.” Pakiusap ni Bhie. Kaya agad kong tinawagan si Janeth Alvarez, ang kaibigan kong organizer.
“Azean! Let's go! Naimpake ko na ang mga gamit mo,” pahayag ni Hades pagkatapos kong mag-almusal.
“Ha? Aalis na tayo?” nagtataka kong tanong dito. Tumango ito sa akin.
“Yes, sa condo ko tayo tutuloy. Bilisan mo na at bibili pa tayo ng mga gagamitin mong damit at gamit. I want the best for my personal assistant. So, shall we?” aya nito sa akin.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod dito. He is my boss after all. Nagpaalam ako kay Bhie at sa asawa nitong si Quincy. Mami-miss ko rin ang triplets.
Habang sakay ng sasakyan ay hindi ko magawang tingnan si Hades. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa ginawa ko. Ngumuso ako. I want to say sorry, pero nauunahan ako ng hiya.
Pinakalma ko ang aking sarili. Kailangan kong lunukin ang pride ko.
I cleared my throat.
“Ahm, sir Hades. Sorry pala sa ginawa at pinagsasabi ko kagabi sa ‘yo. Lasing lang ako at dala lang ‘yon ng espirito ng alak. Sana huwag mo ng isipin ang mga nangyari kagabi,” mahina kong pahayag dito. Nilingon niya ako, kunot na kunot ang noo. Then he tsked on me. Gusto ko sanang umirap pero pinigilan ko ang aking sarili.
“I can't believe na hihingi ka ng tawad sa ginawa mo. Hindi ikaw ang tipo ng babaeng humihingi ng tawad. And you called me sir? That's new to hear. Alam mo huwag ka ng magpanggap na mabait, hindi bagay sa ‘yo,” sabi nito sa seryosong boses. Bigla akong napahiya sa sinabi nito. Nasaktan din ako.
“Kapag ba humingi ng tawad dahil may nagawa akong hindi maganda, nagpapanggap agad? Hindi ba p‘wedeng sincere akong humihingi ng despensa sa nagawa ko? And calling you sir is a must. You are my boss and I'm your employee. I need to respect you.” Paliwanag ko sa mababang boses. Narinig ko ang mahina nitong mura.
“Hindi lang ako sanay na hindi mo ako binabara o kaya ay iniinis. Kalimutan mo na ang sinabi ko. Just suit yourself.”
Wala kaming naging imik hanggang sa huminto ang sasakyan nito sa isang mall.
“Let’s go!” yaya nito sa akin. Agad naman akong sumunod dito. Ang lalaki ng hakbang ni Hades kaya ang hirap nitong sabayan. Para tuloy akong tumatakbo habang nakasunod dito. Panay rin ang irap ko dahil ang daming mga matang nakatitig sa binata. Tsk! Oo given namang gwapo siya at makalaglag panty, pero bakit kailangan pang titigan? Bakit ba nagagalit ka? Ikaw nga grabe kung makatitig kay Hades! Tulo laway ka pa nga minsan. Sigaw ng utak ko. Dahil ang lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansing nakahinto na pala si Hades, kaya bumangga ako sa matigas nitong likuran.
“Ouch!” mahina kong daing.
“Tsansing ka lang talaga.” Mahinang bulong ni Hades sa akin. Inirapan ko ito. Nag-iinit ang mukha ko dahil sa hiya.
“Hindi no! Kapal mo!” nakasimangot kong pahayag dito. Hinawakan nito ang aking kamay at hinila papasaok sa loob ng isang malaking boutique. Mula sa damit, sapatos, bag, jewelries, make-up ay kompleto ang buong lugar.
Namamangha kong ipinalibot ang aking mga mata sa loob ng buong boutique.
“Good morning sir! Ma'am! Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” magalang na tanong ng saleslady.
“Hanapan niyo siya ng office attire, dresses, shoes, bags, jewelries and make-ups. I will pay,” parang balewalang utos ni Hades sa babae. Agad naman akong hinila ng babae at nagsimula na akong magsukat. Halos mahilo ako dahil sa dami ng isinukat sa aking damit. Si Hades ang taga-approve. Halos abutin kami ng dalawang oras sa pagbili ng mga gamit na kakailanganin ko. Bitbit na ni Hades ang mga paper bag na naglalaman ng lahat ng aming pinamili.
“Thank you Ma'am! Sir! Please come again!” magalang na paalam ng saleslady. Inilagay ni Hades ang mga paper bag sa backseat.
“Mag-go-grocery naman tayo. Alam kong walang supply ang condo ko. Sa condo tayo pansamantalang titira.” Pahayag nito. Tumango ako rito. Pero ang puso ko ay ang lakas ng kabog dahil sa isiping sa iisang bahay lang kami titira. Oh my goodness! I should protect my virginity! Ang landi at rupok ko pa naman pagdating sa kanya. Diyos ko! Patnubayan niyo nawa ang pempem ko at ilayo ako sa tentasyon. Amen.
Pagdating sa grocery store ay ako ang pinapili ng mga grocery ni Hades, kahit inis ako rito ay kinilig naman ako ng slight. Feeling ko tuloy mag-asawa kami. Of course in my dreams. Hindi naman ako bagay sa isang Hades Gonzales. Billionaire na gwapo pa.
Halos mapuno na namin ang cart ng groceries.
“Ano pa bang gusto mo? May gusto ka pang ipadagdag?” tanong nito sa akin. Napanguso ako. Ayaw ko namang bumili ng mga sanitary napkin habang nakatingin ito. Nakakahiya. Umiling ako rito.
“Ako na lang ang bibili ng mga personal na gamit ko. Nakakahiya naman sa ‘yo,” halos pabulong kong ani rito.
“Can you stop acting like that! Gusto ko ‘yong annoying Azean. Sa inaakto mo ngayon, It's pissing me off!” inis na saad nito sa akin. Umirap ako sa kanya.
“Akala ko ba, annoying ako? Tapos ngayon na gusto ko ng maging perfect personal assistant mo, ay ayaw mo naman! Ano bang gusto mo?” inis kong tanong dito. Hinawakan nito ang aking balikat at nagtitigan kaming dalawa.
“I’m sorry kung may nasabi akong hindi mo nagustuhan kanina. I just want you to know that, be yourself. Okay?” malambing ang boses na saad ni Hades. Bigla na namang lumakas ang tahip ng puso ko. Isa lang ang alam ko. Nagustuhan ko ang sinabi nito. I really want to be myself. Nginitian ko ito at tumango.
“That’s my girl!” nakangiti nitong ani sa akin. Namula ako sa sinabi nito. My girl, damn! Para akong mahihimatay sa kilig!