Chapter Eight

2402 Words
“Good morning Mr. Gonzales!” halos sabay-sabay na bati ng mga empleyado kay Hades. Para itong isang hari dahil lahat ng madaanan namin ay yumuyukod rito. Bawat hakbang nito ay nakasunod naman ako. I'm in my corporate office attire with my three inch black high heels. Nakasabit din sa kanang balikat ko ang isa sa sikat na designer bag na galing sa E & Z designer bag boutique. Kulay puti iyon at may maliit na real diamond sa may gilid ng kanyang lock. Sigurado akong libo-libo ang presyo niyon. Pero dahil hindi naman pera ko ang ipinambili kaya okay lang para sa akin. “Good morning.” O kaya ay tango lang ang parating tugon ni Hades sa mga bumabati rito. Napaka-hot nitong tingnan kahit napaka-seryoso ng mukha nito. Para bang kapag kinalabit mo ay agad kang susuntukin. Ganoon ang awra niya. Ang swerte ko na ngang matatawag kasi nakakausap at natitigan ko ng mabuti at ng malapitan si Hades. Ang puso mo Azean, pigilan mo ‘yan. Masasaktan ka lang sa huli. Langit siya, nasa putikan ka. Paalala ng aking utak sa akin. Agad kong pinindot ang open button ng VIP elevator para bumukas iyon. Nasa gilid lang ako ni Hades. Nang bumukas ang elevator ay iminuwestra ko ang aking kamay para mauna itong pumasok. Saglit akong tinapunan ng tingin ni Hades pero nakayuko lang ako. Nang makapasok ito ay saka pa ako pumasok at pinindot ang numero kung saan ang floor number ng office ni Hades. “Stop doing that.” Mariin at may inis na saad ng binata sa akin. Nag-angat ako ng paningin at tiningnan ang binata. “Stop doing what, Sir?” mahinahon kong tanong dito. “You don't have to act like a professional personal assistant! It's irritating me!” sigaw nitong ani sa akin. Pormal ang mukha ko itong tiningnan. “Sir, may I remind you that you're the one who enrolled me in that training center. So, I could be a efficient and good personal assistant to you.” Itinago ko ang inis sa boses kong wika sa binata. Frustrated niya akong tiningnan. “Because I want you to be good. To be the best personal assistant that I can be proud of. And it's for you. Kapag natapos mo na ang pagiging personal assistant mo sa loob ng isang taon ay makakapaghanap ka kaagad ng trabaho. I can back you up too. Pero kapag walang nakakakita sa atin pwede ka namang umaktong normal.” Paliwanag nito sa akin. Medyo nasaktan naman ako sa sinabi nito. Talaga palang hanggang isang taon niya lang ako kayang pagtiisan. Kung sabagay, baka nga hindi ako umabot ng isang taon sa pagsisilbi rito. It's an act after all. Mapait ko itong nginitian. “Thank you for caring about my future. Pero hindi niyo na ‘yon dapat gawin. I can handle myself well. And sorry to tell you, I can't act like what you wanted me to do. May makakita man o wala ay kailangan kong maging magalang at pormal sa iyo, dahil ikaw ang boss ko.” Malamig ang boses kong paliwanag kay Hades. Magsasalita pa sana ito nang bumukas na ang elevator. Katulad kanina ay iminuwestra ko ulit ang aking kamay para mauna itong lumabas. I will do anything para maging mabilis ang mga plano ko. Hindi na dapat ako umabot ng isang taon bilang personal assistant nito. Baka kapag malalim na ang nararamdaman ko rito ay hindi ko na kayanin pang mawalay sa binata. Nakasunod lang ako kay Hades nang bumati ang kanyang secretary. “Good morning sir Hades! Good morning Miss Azean!” bati ni Kia, ang secretary ni Hades. “Good morning din sa ‘yo Kia.” Nakangiti kong bati rito pabalik habang tumango lang si Hades dito. Agad kong binuksan ang pinto ng office para sa binata. Nang makapasok na ito ay agad din akong pumasok. Tinulungan ko itong tanggalin ang kanyang coat at sinabit ‘yon sa sabitan. Nang makaupo ang binata ay nagsalita na ako. Everyday routine na rin naman namin ‘yon. Isang buwan na akong nagtatrabaho bilang personal assistant nito. “Ipagtitimpla ko po kayo ng ka-” “No, si Kia na.” Putol nito sa sinasabi ko. Kumunot ang aking noo. “The last time I checked, ayaw mo sa pagkakatimpla ni Kia ng kape mo kaya ako na ang nagtitimpla ng kape mo.” Paalala ko rito. Salubong ang kilay at malamig ang mga mata niya akong tiningnan. “Ako ang boss ‘di ba? So, ako ang sundin mo.” Mariin nitong ani sa akin. Muli ay kumirot ang aking puso. Tumango na lang ako rito. “Noted, sir.” Diniinan ko ang pagkakasabi ko ng sir dahil sa sobrang inis ko sa binata. Lumabas ako ng office nito. Pilit kong nginitian si Kia. “Kia, sabi ni sir, ipagtimpla mo raw siya ng kape.” Sabi ko sa dalaga. Kumunot ang noo nito. “Hindi ba at ikaw ang nagtitimpla ng kape niya?” nagtataka rin nitong tanong sa akin. Nagkibit-balikat lang ako rito. “Utos niya eh. Siya ang boss natin kaya ito ang masusunod.” Sabi ko na lang. Walang nagawa si Kia kundi ang sundin ang utos ng magaling naming boss. Habang naghihintay kay Kia na maihatid ang kape kay Hades ay pinapatay ko na ang binata sa isipan ko. Damn it! I'm pissed! Hindi ko alam kung bakit ang lamig ng pakikitungo nito sa akin. Minsan naman okay lang, minsan mabait din siya at caring sa akin. Ay ewan! Para siyang nagme-menopause! “Hoy Azean! Ang lalim yata ng nilipad ng isipan mo.” Pukaw ni Kia sa lumilipad kong diwa. “Sinasakal ko kasi si sir sa isipan ko eh. Kainis.” Nakasimangot kong pahayag dito. Umupo ulit si Kia sa upuan nito. Iniabot niya sa akin ang isang brown folder. “Heto oh, iyan lahat ang schedule ni Sir Hades sa loob ng isang linggo. Ikaw na ang bahala d‘yan.” Imporma ni Kia sa akin. Tinanggap ko naman ang brown folder. “Salamat ah,” pasasalamat ko sa dalaga. “Naku! Ako ang dapat magpasalamat sa ‘yo, kasi dumating ka at naging personal assistant ni sir Hades. Nabawasan ang stress ko.” Pabiro nitong saad sa huling sinabi. Mahina na lang akong natawa sa sinabi nito. Pagpasok ko sa loob ng office ay may pinipirmahang papeles si Hades. “Sir, nandito na po ang schedule mo sa loob ng isang linggo, at babasahin ko muna ang meetings mo ngayong araw.” Imporma ko sa binata. “Go on.” Maikli nitong sagot sa malamig na tono. Pilit ko ang sariling huwag mapa-irap. I cleared my throat before I speak. “You have a lunch meeting with the Campbell computer company. Two in the afternoon, you have a meeting with the Triple M corporation, it's about their proposal. Five in the afternoon, you have a meeting with the designer team from W architectural company. And you have a dinner date with Miss Lucia Bartolome. It's your mom's request. That's all for today, sir.” Sabi ko rito matapos basahin ang kanyang schedule sa araw na ‘yon. Nag-angat ito ng tingin sa akin. “Ipagtimpla mo ako ng kape.“ Utos nito sa akin. Tumaas ang kilay ko. “Ipinagtimpla na po kayo ni Kia ng kape.” Sagot ko rito. Malalim itong bumuntonghininga. “I don't like her coffee. Kaya ipagtimpla mo ako.” Utos nito. Hindi ko na mapigilan ang hindi umirap sa sinabi nito. “Kanina sabi mo ayaw mong ako ang magtimpla. You even cut me off. Tapos ngayon uutusan mo akong ipagtimpla ka ng kape. It's a no!” inis kong pahayag dito. Matalim akong tiningnan ng binata. “I am your boss. Kaya dapat sinusunod mo ako.” Inis na ani nito. “I said no. Anong tingin mo sa akin? Nauuto. Ginusto mong magpatimpla sa iba kaya tiisin mo.” Malamig kong ani rito. Wala itong nagawa dahil hindi naman niya ako mapipilit na ipagtimpla ito ng kape. “May naka-reserve na bang restaurant para sa dinner date ko?” tanong nito sa akin. Tiningnan ko ang folder pero walang nakasulat doon na pangalan ng restaurant. “Wala po sir,” sagot ko. Tumango ito. “Call Miss Bartolome, I want her to choose the best restaurant for our dinner date tonight. And tell her it's on me.” Malamig nitong utos at bumalik ulit sa ginagawa nito. Pilit kong kinokontrol ang sarili ko. Para ng pinipiga ang puso ko dahil sa sobrang selos na nararamdaman. Tumango ako rito at medyo lumayo sa binata. Tinawagan ko si Miss Lucia Bartolome gamit ang telephone sa loob ng office ni Hades. Dalawang ring pa lang ay sinagot na ng babae ang tawag ko. “Good morning Miss Lucia Bartolome. This is Azean, personal assistant of Mr. Hades Gonzales. Pinapasabi po niya na kayo na raw po ang bahalang magpa-reserve ng restaurant na gusto mo para sa dinner date niyo mamayang gabi, at sa kanya mo lang ipangalan.” Magalang kong imporma sa dalaga. “Really?! I can't wait to see him!” matapos ‘yong sabihin ay binabaan ako nito ng telepono. Napailing na lang ako. Nagsimula na akong magtipa sa aking computer. Kailangan kong matapos ang ginagawa ko. Ayaw ko pa namang may nade-delay na report. Kalahating oras pa nga lang ako sa aking ginagawa nang may biglang pumasok sa loob ng opisina ni Hades. “My baby Hades!” malakas na tili ng babaeng bagong dating. Kumunot ang noo ko. Pilit ko mang ibaling ang aking paningin sa computer ay hindi ko magawa. Parang na-glue ang mga mata ko sa dalawang nasa harapan ko. Nakayakap na ang babae kay Hades at para akong tinuklaw ng ahas nang maghalikan sa harapan ko ang dalawa. Napahawak ako sa aking dibdib na parang pinipiga at tinusok-tusok ng isang dosenang kutsilyo. Yumuko ako at pilit na tinatapos ang aking ginagawa. Ngunit kahit anong pilit kong huwag isipin sina Hades at ang babae ay hindi ko magawa. “Baby! You're so sweet. Tumawag ang personal assistant mo at sinabing ako ang mamimili ng restaurant para sa dinner date natin. And I want the most expensive restaurant in town.” Malanding wika ng babae, na si Lucia. “Anything you want,” sagot ni Hades. “Thank you! Well, aalis muna ako at magpapaganda ako para sa date nating dalawa mamaya. You're going to love me, baby.” Narinig kong saad ni Lucia. “Can’t wait to see you.” Wika naman ni Hades. Hindi ko na pinakinggan pa ang paglalandian ng dalawa. Isinuksok ko ang headset sa tenga ko at ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi ko na nga naramdaman na umalis na ang babaeng si Lucia s***h haliparot sa office eh. Pero aminin ko man o hindi ay mas nababagay siya kay Hades, kaysa sa akin na isang magnanakaw. Wala akong maipagmamalaki sa pamilya ng binata. Mapait akong napangiti. Kahit masakit ang puso ko ay kinaya ko pa ring maging normal sa harapan ng binata. Nagulat ako nang may nagtanggal ng headset sa tenga ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang magkasalubong na kilay ng binata. “I keep on calling you. ‘Yon pala ay naka-headset ka lang.” May inis sa boses nitong pahayag sa akin. “Ahm. . . Pasensya na po sir. Ayaw ko lang pong marinig ang pag-uusap niyo ni ma'am Lucia, it's private, kaya nag-headset na lang muna ako.” Paliwanag ko rito. “Let’s go, twenty minutes na lang para pumatak ang lunch time. Hindi ba at may meeting pa ako sa Campbell computer company?” paalala nito sa akin. Tumayo kaagad ako nang marinig ang sinabi nito. “Sorry po, muntik ko ng makalimutan.” Wika ko. Ang sakit ng buong katawan ko. Para akong binugbog. Mabuti na lang talaga at natapos na ang huling meeting ni Hades ngayong araw, except sa dinner date niya s‘yempre. Makakauwi na rin ako sa wakas. Ako na ang nagmaneho ng sasakyan papunta sa condo ni Hades. Nang makarating kami sa condo nito ay dumeretso na ako sa loob ng aking inuukopang silid. Naghubad ako at pumasok sa loob ng banyo. Gusto kong maramdaman ang lamig ng tubig sa katawan ko. Matapos akong mag half-bath ay nagbihis ako ng karaniwan kong sinusuot. Isang loose t-shirt at faded ripped jeans. Sinuklay ko ang aking buhok at itinali iyon pataas. Kinuha ko rin ang baseball cap ko at isinuot ‘yon. Kinuha ko ang leather jacket at sinuot din ‘yon. Isinuot ko rin ang puti kong sneaker. Ang mumurahin kong sling bag ang dala ko. Sekreto kong itinago ang baril sa aking tagiliran. Kailangang lagi akong handa. Paglabas ko ng aking silid ay nakita ko si Hades. “Boss. Aalis na muna ako. Bibisitahin ko lang si Tatay. May date ka naman ngayon kaya walang magluluto. Sa labas na rin ako kakain.” Paalam ko kay Hades. Akma itong magsasalita nang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko ‘yong sinagot nang makitang si Alex ang tumatawag sa akin. “O, Alex napatawag ka?” tanong ko rito. Biglang nagliwanag ang mukha ko sa narinig mula sa binata. “Okay. Pababa na ako. Mabuti at malapit ka lang at hindi na ako magko-commute. Bye!” mabilis kong tinapos ang tawag ni Alex. “Saan ka pupunta? Kasama mo si Alex?” umiigting ang panga na tanong ni Hades. Madilim din ang mukha nito. Para bang galit? Ipinilig ko ang aking ulo. “Oo, may lakad daw kami. Ite-treat niya ako.” Masaya kong balita sa binata. Saglit kong nakalimutan na masakit ang puso ko dahil may date ito ngayon, at wala pa talaga akong kalaban-laban sa ka-date nito. “Akala ko ba magkaibigan lang kayo?” tanong nito. Kung hindi ko lang alam na hindi niya ako gusto ay baka sabihin kong nagseselos ito. “Oo, and we are pretty close. Sige na alis na ako. Good luck na lang sa date mo!” pilit kong pinasigla ang boses ko. “Damn it!” narinig ko pa ang mura nito pero hindi ko na lang pinansin. Sana naman makalimutan kita Hades. Ayaw kong umasa at masaktan sa bandang huli. Ngayon pa nga lang ay para na akong mababaliw kakaisip na may ibang babae kang kasama. Asa pa more Azean! Kantiyaw ng utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD