Tumayo ako habang si Hades ay humakbang pabalik sa kanyang upuan. Nagdidilim ang paningin ko. Kahit kailan ay hindi ako nakipaglandian sa mga lalaki. Iisa na nga lang noon ang pinangarap ko eh, ‘yon ay si H. Pero mukhang malabo ko na itong mahanap pa, lalo na at may nararamdaman ako kay Hades. Kumuyom ang kamao ko.
“Hades!” tawag ko sa binata. Huminto ito at nilingon ako. Mabilis ang naging paggalaw ko. Agad na tumama ang kamao ko sa tiyan ng binata. Oo, sinikmura ko ito. Gago siya. Anong tingin niya sa akin? Landira. Napaigik ito sa sakit habang nakahawak sa tinamaang tiyan. Nag-aapoy ang mga mata ko itong tiningnan.
“Kahit kailan ay hindi ako lumandi! Alam mo bang ikaw ang naging first kiss ko?! Kapag ba may ka-text nakikipaglandian na!” naiinis kong pahayag sa binata. Nakita ko ang gulat sa mga mata nito. Naiiyak ako na naiinis. Hindi ako makakapayag na pagsalitaan niya ako ng masama kahit may gusto pa ako sa kanya. Tumayo ng tuwid si Hades at pinakatitigan ako.
“I didn't mean that.” Sabi nito. Iningusan ko ito at matalim pa ring tinitigan ang binata.
“You didn't mean? Really?! O baka naman nagseselos ka kay Alex?” akusa ko rito. It's a baseless accusation pero wala na akong pakialam. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nito.
“I’m not!” mabilis nitong tanggi. Muli ay parang pinipiraso ang aking puso sa hayagan nitong pagtanggi. ‘Yan! Ikaw naman ang nag-umpisa eh, alam mo namang malabo siyang magkagusto sa ‘yo. Masokista lang, Azean?
Mapakla akong natawa.
“Alam ko namang malabo mo akong magustuhan. Kaya please lang sir Hades. Huwag mong pakialaman ang personal kong buhay. I am just your plain personal assistant, nothing more, nothing less. Kung papakialaman mo pa ang personal kong buhay iisipin kong may gusto ka nga sa akin.” Seryoso kong pahayag kay Hades. Hindi nakaimik ang binata sa sinabi ko. Mabilis ko itong tinalikuran. Tuloy-tuloy akong lumabas ng opisina nito.
“Good morning, Azean!” masayang bati ni Kia sa akin ngunit hindi ko ito pinansin. Masakit na masakit ang puso ko. Wala na nga akong pag-asang magustuhan ng binata tapos kung ano-ano pang masasakit na salita ang sasabihin sa akin. Pagpasok ko sa ladies comfort room ay ini-lock ko agad ang pinto. Doon ay tahimik akong umiyak. Kahit ang paghikbi ko ay pinipigilan ko. Baka may tao sa labas at madinig ang pagdadrama ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagkulong sa loob ng banyo. Nang mahimasmasan ay inayos ko ang sarili ko. Nag-retouch din ako. Nang ma-satisfied ako sa aking hitsura ay saka pa ako lumabas ng ladies comfort room.
Naniningkit ang mga mata akong tiningnan ni Kia. Nagtatanong ang mga mata nito.
“May nangyari ba sa inyo ni Sir Hades sa loob?” kuryoso nitong tanong. Huminga ako ng malalim. Isang beses akong umiling.
“Wala naman. May bago bang dumagdag sa schedule ni Sir Hades?” tanong ko sa dalaga.
“Ah, meron. May dinner date ulit ito. Ito ang folder oh, Mommy niya kasi ang tumawag kaya hindi ako makatanggi.” Imporma ni Kia sabay bigay ng folder sa akin. Tinanggap ko naman kaagad iyon. “Maraming salamat.” Tanging sambit ko bago ako pumasok ulit sa loob ng opisina ni Hades. Pagpasok ko ay narinig kong may kausap si Hades sa cellphone nito.
“Yes, make her family's company suffer. Ang ayaw ko sa lahat ay ang pinagbabantaan ako. Sige, salamat.” Nakaupo na ako sa aking upuan kaharap ng computer ko.
Ramdam ko ang pagtitig ng binata sa akin. Kinalma ko ulit ang sarili ko bago ako tumayo. Walang emosyon ang mukha ko.
Humakbang ako papalapit kay Hades.
“Sir, may dumagdag sa schedule mo. You have a dinner date with Ali-”
“Cancel it.” Putol nito sa sinasabi ko. Kahit nagulat ako sa sinabi ng binata ay hindi ko pinahalata.
“It’s your mom's request. I can't cancel it.” Pahayag ko. Kumunot ang noo nito at madilim akong tiningnan. Hmp! Ito pa ang may ganang magalit sa akin. Kapal!
“Sino ang boss mo? Ako ba o ang mommy ko?” may inis na sa boses nito. Duh! Kahit mainis ka pa, wala akong pakialam.
“Fine, I will cancel your dinner date with Alice Tan, if you call your mom. Tawagan mo siya at ikaw mismo ang magsabi sa kanyang kinansel mo ang dinner date mo kay Miss Alice. Ayaw naming madamay d‘yan sa problema mo.” Matapang kong wika. Nakanganga niya akong tiningnan.
“Kung makapagsalita ka parang ikaw ang Boss sa ating dalawa.” May diin nitong pahayag. Inirapan ko ito.
“Kung ayaw mong gawin ang gusto ko. Tuloy ang dinner date mo. If you'll excuse me Sir, may mga gagawin pa akong report para sa board meeting mo bukas.” Pagkasabi ko niyon ay tumalikod na ako. Bumalik ako sa table ko.
“Damn it!” narinig kong mura ng binata, pero hindi ko ‘yon pinansin. Ngunit ilang sandali pa ay hindi ko napigilang sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ang boses ni Hades habang nakikipag-usap sa ina nito.
“Mom! Stop pestering me!” pigil na sigaw ng binata sa ina. Patuloy pa rin ako sa pagtitipa sa computer pero ang dalawa kong tenga ay nakikinig sa usapan ng mag-ina. Yeah! Isa akong dakilang marites.
“No! May nagugustuhan na akong babae! Kaya please lang, itigil niyo na ang pagmamatch-making niyo sa akin. I can handle my own love life. Okay?” medyo huminahon na ang boses nito. Ngunit ang nakapagtigil sa pagtipa ng kamay ko ay ang sinabi nitong may nagugustuhan na itong ibang babae. Is it Bhie? Pero may pamilya ng tao ang babae. Anong binabalak niya? Ipinilig ko ang aking ulo, ayaw kong makialam sa problema nito. May sarili rin akong problema.
“Love you too, Mom.” Paalam ni Hades sa kanyang ina.
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Ramdam ko ang paninitig nito sa akin pero wala akong pakialam. Hmp! He already broke my heart. Wala ngang kami pero nasasaktan ako. One-sided love ika nga, ang saklap.
Binulabog ni Miss Lucia Bartolome ang katahimikan ng opisina ni Hades.
“How dare you!” galit na galit na sigaw ng babae kay Hades. Napatayo ako dahil sa gulat. Habang si Hades ay kalmado lang.
“What’s your problem?” balewalang tanong ni Hades sa babae. Halos lumabas na ang litid sa leeg ni Miss Lucia.
“At talagang tinanong mo pa kung anong problema ko? Sinusulot mo lang naman ang mga investor sa kompanya namin! How dare you!” dinuro-duro nito ang binata. Nang makitang kaya namang i-handle ni Hades ang problema nito ay bumalik ako sa pagkakaupo at nagsimula na namang magtipa. The hell I care about him and that noisy Lucia.
“It’s your fault. You threatened the wrong person. Dapat inisip mo muna ang sasabihin mo bago mo ibinuka ‘yang bibig mo. But don't worry, hindi naman ako kasing sama ng inaakala mo. So, I just pulled out the half of your investors. Hindi ko na gagalawin ang kalahati. It's a warning Miss Lucia, the next time na pagbabantaan mo ako, make sure na kaya mo akong patumbahin. Now, get out. I don't want to see your face anymore.” Malamig ang boses na wika ng binata. Kahit nagpupuyos sa galit si Lucia ay wala na itong nagawa kundi ang lisanin ang opisina ng binata. Parang may dumaang anghel sa pagitan namin ni Hades. I don't want to talk to him, except kung tungkol sa trabaho.
Lunch time na. Tiningnan ko ang cellphone ko. May mensahe akong natanggap galing kay Alex. Sabi nito sabay na raw kaming magla-lunch. Tinawagan ko ang kaibigan. Nagri-ring na ang kabilang linya.
“Azean. Can I invite you? Let's eat lunch together.” Narinig kong yaya ni Hades sa akin. Napatitig ako rito. Hindi kaagad ako nakasagot sa paanyaya nito.
“Sky? Nasa baba na ako ng building, hinihintay na kita.” Narinig ko ang boses ng kaibigan ko sa kabilang linya. Napakurap-kurap ako. Para bang nagdadalawang-isip akong sumama kay Alex dahil mas gusto kong makasama si Hades. Ngunit nakakahiya naman kay Alex, ito ang unang nagyaya sa akin at isa pa naghihintay na ito sa akin sa ibaba.
“Sige. Pababa na ako.” Sagot ko sa kaibigan at pinutol ko ang tawag. Tiningnan ko si Hades.
“Pasesnya na Sir Hades, hindi kita masasamahan sa ngayon. May kasama na akong kumain.” Tanggi ko rito. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. Bigla na lang kumirot ang puso ko para sa binata.
“Ganoon ba? Sinong kasama mong mag-lunch?” tanong nito. Bigla akong kinabahan. Sasabihin ko ba ang totoo? O magsinungaling ako? Pero napagdesisyonan kong sabihin dito ang totoo.
“Kasama ko si Alex na mag-lunch. Sige, aalis na ako at naghihintay na ito sa ibaba.” Paalam ko kay Hades. Wala itong naging imik nang umalis ako. Napahawak ako sa aking dibdib. God! Bakit ako nasasaktan nang tanggihan ko ang binata? Dapat nga magalit ako rito dahil sa mga akusasyon nito sa akin, tapos kanina biglang naging mabait ito? Hangga’t kaya kong iwasan ang binata ay iiwasan ko ito. Ayaw kong mas mahulog pa ang nararamdaman ko para rito. Mas malayo ang distansya ko sa kanya, mas safe.
Habang kumakain kami ni Alex ay panay ang kwento nito, ngunit hindi ko man lang maintindihan ang sinasabi ng kaibigan ko. Lumilipad ang isipan ko kay Hades.
“Hey! Are you even listening to me?” natauhan ako nang tapikin ako ni Alex.
“Huh?” wala sa sarili kong tanong sa kaibigan. Malalim na bumuntonghininga ang binata.
“So, para pala akong nakikipag-usap sa hangin? I'm talking here, while your mind is flying anywhere. Ano bang iniisip mo? O baka mas tama kong itanong ay kung sino ang iniisip mo?” seryosong tanong ni Alex sa akin. I sighed heavily.
“I’m sorry. May iniisip lang talaga ako.” Sagot ko rito.
“Si Hades ba?” hula nito. Tumango ako kay Alex. I can't hide to him.
“You love him? How about H?” sunod-sunod na tanong ni Alex sa akin. I shrugged my shoulder.
“I don't know. Hindi ko masasabi kong mahal ko na siya. But you know, nasasaktan ako sa kaalamang may gusto itong ibang babae. It's hurt like hell. At kanina, nang makita ko ang sakit sa mga mata nito nang tanggihan ko ang kanyang paanyaya ay mas naging doble ang sakit sa puso ko. Hindi ko alam kong pagmamahal na ba ito para sa kanya.” Paliwanag ko kay Alex. Tumayo si Alex at tinabihan ako sa aking kinauupuan at kinabig niya ako at niyakap.
“I’m here for you. Kung mahal mo na siya at sa tingin mo ay hindi ka niya kayang mahalin, nandito lang ako para sa ‘yo. Gamitin mo ako para pagtakpan ang pagkakagusto mo sa kanya. I don't want to see you hurt. Alam mo namang para na tayong magkapatid.” Pahayag ni Alex sa akin.
“Salamat at parati kang nand’yan para sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala si Alex Morsi sa tabi ko.” Pabiro kong pahayag dito. Mahina lang na natawa si Alex.
“Kumain ka na. Ang Sky na kilala ko ay hindi nagpapatalo. Isang matapang na babae.” Pahayag nito. Ngumiti lang ako rito. Hindi alam ni Alex ang kasunduan namin ni Bradley Morales. At mananatili ‘yong lihim hangga‘t hindi ko nakikita ang pakay ko. May apat at kalahating buwan pa akong natitira. I can do this.
Wala kaming imikan ni Hades sa opisina nito. Tanging ingay ng pagtunog ng computer ang nagsisilbing musika sa aming dalawa ni Hades. Hanggang sa sumapit ang uwian sa hapon ay hindi kami nag-usap ni Hades. Nang maiprinta ko na ang lahat ng mga papeles na kakailanganin bukas ay inilagay ko na sa brown folder. Humakbang ako papalapit kay Hades.
“Sir, ito na po lahat ng mga papeles na kailangan mo bukas para sa conference meeting. Paki-review niyo na lang at paki-pirmahan.” Imporma ko sa binata. Kinuha nito ang folder sa kamay ko.
“Thank you.” Pasasalamat nito.
“Wala pong anuman. Mauna na ako,” paalam ko rito. Nang makatalikod ako ay nagsalita ang binata.
“Ano bang meron sa inyo ni Alex? ‘Yong totoo.” Malamig na pahayag ni Hades.
Nagulat ako sa tanong nito. Hindi ako humarap sa binata.
“Magkaibigan lang kami. May lalaking nagpapatibok na ng puso ko. Hindi ko pa lang ito nahahanap. Kapag nahanap ko na siya ay ako na mismo ang magyayayang magpakasal sa kanya.” Sagot ko. Pero ang lalaking tinutukoy ko ay ito.
“Ganoon ba? So, wala na pala akong pag-asa sa ‘yo?” natigilan ako sa tanong ng binata. Bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Tama ba ang dinig ko? O baka naman mali ang pagkadinig ko?
Hindi ako nagsalita at mas pinili ko na lang na umalis. Naguguluhan pa ang isipan ko. Ayaw kong umasa at baka masaktan lang ako.