“Hmmm. . . Dhon't thouch mhe!” tinabing ni Hades ang kamay ko. Kung hindi lang ‘to lasing ay baka kanina ko pa sinakal. Kumuha ako ng maligamgam na tubig at towel para punasan ang binata. Tinatabing nito ang kamay ko.
“A. . .zean.” Tawag nito sa pangalan ko. Napailing na lang ako sa inaakto ng binata. Tsk. Hinubad ko ang damit nito. Napatitig ako ng matagal sa perpekto nitong abs. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. I want to touch him. Hindi ko napigilan ang sarili ko at pinasadahan ng kamay ko ang matitigas nitong abs. Wow ang tigas. Umungol ang binata kaya mabilis kong inalis ang kamay ko sa abs nito.
“Azean! I. . . I want. . . To fire you!” biglang sumigaw si Hades. Inirapan ko ito.
“Fire mo mukha mo! Personal assistant mo ako at hindi personal maid! Baka masakal kita kahit lasing ka!” inis kong kausap sa binata.
“Hmmm. . .” ungol ulit nito. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang gagawin ni Hades sa akin. He f*****g kiss me! Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat. His lips are soft, and it's delicious. Ipinikit ko ang aking mga mata at iginalaw ko ang aking labi. I want to taste his lips too. Kahit nalalasahan ko ang alak sa bibig nito ay hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin. Dalang-dala na ako sa halikan naming dalawa nang maramdaman kong unti-unting lumalayo ang labi nito sa labi ko. Bigla akong naghinayang. Ngunit mahina akong natawa nang makita ko si Hades na nakatulog na at mahinang humihilik.
Inayos ko ang pagkakakumot nito. Sa sofa na rin ako natulog dahil nag-aalala ako sa binata.
Nakatulog akong may ngiti sa aking labi.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakita kong hindi pa nagigising si Hades kaya naman pumasok ako sa aking silid at nag-ayos. Paglabas ko ay dumeretso ako sa kusina upang magluto ng almusal. Ala sais na ng umaga. Mukhang matatagalan pa bago magising ang loko. Ginawan ko ito ng chicken soup para sa hangover nito. Kumuha rin ako sa first aid kit ng gamot para sa sakit ng ulo. Sino ang hindi malalasing kung halos isang dosenang bote ng beer ang inubos niya Tsk.
Inayos ko na ang pagkain nito sa mesa. Nang hindi pa rin ito magising ay pumasok ulit ako sa silid ko at naligo na. Kailangan kong mag-ayos kahit hindi pa gising si Hades. Isa niya lang akong alalay kaya dapat na maging responsable ako. Isang ash gray na business attire ang suot ko. Dahil hindi ako sanay mag-skirt ay lahat ng pinabili ko ay slacks. Pinarisan ko ng white sandal ang suot ko. Nagwisik ako ng perfume sa katawan ko. Umikot pa ako sa harapan ng salamin para makita kong okay na ba ang ayos ko. Nang makuntento ako ay kinuha ko ang shoulder bag ko at lumabas na ng aking silid.
“Hi! Gising ka na pala.” Bati ko kaagad kay Hades nang makitang kumakain na ito sa mesa. Matalim niya akong tiningnan. Kumunot naman ang noo ko.
“O, anong kasalanan ko sa ‘yo? Bakit ang talim mo kung tumingin. ‘Yan na ba ngayon ang proper way of saying ‘thank you’ sa pag-aalaga ko sa ‘yo kagabi?” mataray kong tanong. Umupo na rin ako kaharap ng binata dahil hindi pa naman ako kumakain.
“Wow! I should be thankful for you. Eh, hinayaan mo nga akong matulog sa sahig!” inis nitong singhal sa akin.
“Excuse me, hari ng kailaliman. Hindi mo ako personal maid! At saka, sa bigat mong ‘yan? Hindi kaya kita kayang buhating mag-isa! Mabuti nga at nilagyan ko pa ng comforter ang hinihigaan mo, unan at kumot ka pa! Hmp! Tapos pinunasan ko pa ‘yang katawan mo! Pasalamat ka lang at. . .” maganda ang abs mo. Sa isipan ko na lang sinabi ang huling salita ko.
“At ano?” curious nitong tanong.
“Pasalamat ka lang at amo kita at malaki ang utang na loob ko sa ‘yo. Sa sofa na nga ako natulog dahil nag-aalala ako sa ‘yo,” ngumuso ako sa huling sinabi.
“Saan kayo ni Alex pumunta kagabi?” pag-iiba nito ng usapan.
“Sa bahay.” Simple kong sagot.
“Sa bahay? Bahay mo?” parang gulat nitong tanong sa akin. Mas kumunot ang noo ko.
“Yup. At nasa iisang bahay lang naman kami nakatira. Ibenenta kasi niya ang bahay niya eh,” parang balewala kong ani sa binata.
“What the hell! Nagpapatira ka ng lalaki sa bahay mo?” tanong ni Hades. Tumango naman ako rito.
“He is my best friend. Kaya okay lang nam-”
“It’s not okay! Hindi normal sa paningin ng tao na makitang magkasama ang babae at lalaki sa iisang bahay! Ano na lang ang iisipin ng mga makakakita sa inyo?” inis nitong pahayag. Nainis din ako sa binata. Kung hindi ko lang alam na wala itong gusto sa akin ay iisipin kong baka nagseselos ito. Pero malabo eh.
“So, tayong dalawa na magkasama sa iisang bahay, hindi rin normal? Baka gusto mo lang na lumipat ako ng tinitirhan ko, wala namang problema para sa akin.” Seryoso kong pahayag dito. Frustrated niya akong tiningnan.
“We are different. You're working with me.” Depensa nito. Bumuga ako ng hangin.
“There’s no difference between you and Alex. You are both a man. So, ngayon pa lang sabihin mo na kung ayaw mong magkasama tayong dalawa sa iisang bahay.”
“I didn't say that! And you can't leave this condo without my permission! You are my personal assistant for one year. Kaya umayos ka. Ayaw kong nakikipagkita ka kay Ale-”
“Excuse me! Personal assistant mo lang ako, hindi kasali ang personal na buhay ko sa pwede mong pakialaman. Mag-ayos na po kayo, Sir. We're getting late.” Malamig kong pahayag dito.
“I called you last night.” Napatigil ako sa paglalakad. Nilingon ko ulit ang binata. Nakikita ko ang inis sa mukha nito.
“Tapos?” wala sa sarili kong tanong dito.
“Alex answered your phone. He's inside your room. Sumigaw ka pa nga para utusan itong kumuha ng towel. And I am pissed because of that.” Seryoso niyang kwento sa akin. Alex didn't mentioned me that Hades called me. O, baka nakalimutan lang nito.
“I. . . I didn't know that you called me last night.” Mahina kong sabi kay Hades. Nag-angat ito ng paningin sa akin. Nagkatitigan kami.
“I want to call you last night, ‘coz I want to hear your voice. I'm mad because of my date. I don't like her. Pero nang sagutin ni Alex ang tawag ko, nagalit at nainis ako. I don't know why.” Kwento pa nito. Bigla namang lumambot ang puso ko dahil sa sinabi ni Hades.
“I’m sorry. Naligo kasi ako kagabi dahil medyo nakainom ako. Nagyaya kasi si Tatay eh, hindi ako nakatanggi. Kaya nang maubos ko ang dalawang bote ng beer ay naisipan kong maligo. And totoo ang narinig mo, nakalimutan ko kasing magdala ng towel kaya nakiusap na ako kay Alex.” Paliwanag ko kay Hades. Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag sa binata. Wala namang kami. Sa isang iglap lang ay nawala ang inis sa mga mata ng binata.
“Are you perhaps, jealous to Alex?” I teased him.
“The hell no!” depensa nito.
“So, we don't have a problem here.” Saad ko.
“Walang nangyari sa inyo?” tila naninigurado nitong tanong. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
“Excuse me! I'm still a virgin! Anong akala mo sa akin? Kaladkarin?” inis kong tanong sa binata. Nakita ko ang amusement sa mga mata nito.
“That’s good to hear. Maliligo na ako. May pababagsakin ako ngayong araw. She pissed me off last night.” Kumuyom ang mga kamao ng binata matapos magbanta.
Late na kaming nakarating sa loob ng office ni Hades. Dahil ito ang Boss ay walang maririnig na reklamo sa mga empleyado nito. Iminuwestra ko ang kamay ko para maunang lumabas ang binata. Nilingon niya ako.
“Can you stop that?” inis nitong pahaya.
“Sir, masanay ka na. I want to be a good personal assistant to you. Please.” Malakas na buntonghininga lang ang isinagot nito sa akin.
“Kia, come to my office. May ipagagawa ako sa inyo ni Azean.” Seryosong utos ni Hades sa secretary nito.
Nagkatinginan na lang kami ng dalaga. Nagkibit-balikat ako rito. Nang makapasok kami sa office ay pinaupo kami ni Hades. Bago ako umupo ay tinulungan ko muna itong hubarin ang coat nito at isinabit iyon.
“You remember my date last night?” tanong ni Hades sa akin. Tumango ako rito.
“Miss Lucia Bartolome? Yes sir, I remember her.” Sagot ko.
“Kia gather all information about her. I want you to check her family background. Then submit it to me. Ikaw naman Azean. Lahat ng investor ng kompanya nila ay ilista mo. I want to have a meeting with them. Lucia messed with a wrong person. I will make her pay,” utos ni Hades sa amin. Sa tingin ko ay galit ito. Ano kayang nangyari sa date nila kagabi? Parang may mali.
Mabilis kong hinanap ang mga investor sa kompanya ng Bartolome. Inisa-isa ko ‘yong isinulat. Halos isang oras ang ginugol ko sa paghahanap ng mga investor ng Bartolome corporation. Nakakapagod. Lahat ng pangalan ay prinit ko na. Nang matapos ay tumayo ako para ibigay ang mga papel sa binata. Ngunit natigilan ako sa paghakbang nang makita kung gaano ka hot at sexy si Hades. Damn! Tutulo na ba ang laway ko? Pinakalma ko ang aking sarili. Tumikhim ako para agawin ang atensyon ni Hades.
“Sir, nandito na po lahat ng listahan ng investor sa Bartolome corporation.” Aniya ko sa binata sabay bigay ng mga papel dito. Agad niya ‘yong kinuha sa kamay ko.
“Thank you,” pormal ang mukha nitong saad sa akin. Naalala ko ang ginawa nitong paghalik sa akin kagabi. Pinamulahan ako ng mukha. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Nag-angat naman ng tingin si Hades sa akin.
“Do you need anything?” tanong nito.
“Ahm. . . Wala ka bang naaalala sa ginawa mo kagabi?” tanong ko rito. Kumunot ang noo nito. Isang bases itong umiling.
“I don't remember anything. I'm too drunk, I guess?”
“Well, you take advantage on me, last night.” Sabi ko. Nanlalaki ang mga mata niya akong tiningnan.
“Seriously? Did I really take advantage on you? How?” sunod-sunod na tanong nito. Pinakatitigan ko ang binata.
“You kissed me last night.” Deklara ko.
“I. . . What?!” tila gulat na gulat nitong saad sa akin. Tumango ako.
“I’m sorry. I didn't mean to kiss y-”
Bigla akong nasaktan sa sinabi nito so I cut him off.
“It’s okay. Alam ko namang pang mayaman din ‘yang labi mo. Pwede akong bumili ng steel wall brush para ikudkod mo d‘yan sa expensive mong labi. Nagulat din kasi ako sa ginawa mo kaya hindi kaagad kita naitulak. But don't worry, wala namang bacteria ang lips ko kasi hindi naman kung sino-sino lang ang hinahalikan ko.” Sarkastiko kong pahayag. Ang sakit-sakit sa dibdib. Bakit ito hihingi ng sorry? Tsk. Kasi hindi ako katulad ni Miss Lucia Bartolome? Hindi ako kasing yaman ng babae. Tinalikuran ko ang binata. Pinigilan ko ang pagkawala ng butil sa aking mga mata.
“Wait! What do you mean?” tanong nito. Lumingon ako at matamis itong nginitian.
“Alam kong nag-so-sorry ka kasi hinalikan mo ang isang hampas-lupang katulad ko. Pero si Miss Lucia Bartolome kahapon, ay okay lang na halikan ka kasi mayaman siya. Parehas lang kayo ng katayuan sa buhay. Kaya you don't need to say sorry, it was a mistake last night.” Pahayag ko. Bumalik na ako sa aking upuan at nagsimula na namang magtrabaho.
Nang mag-break time ay hindi ako lumabas ng opisina. Kinuha ko ang cellphone ko at nang makitang may mensahe si Alex sa akin ay agad ko itong ni-replayan. Dahil sa mga text ni Alex sa aking nakakatawa ay nakalimutan ko saglit ang inis at sakit sa dibdib ko nang dahil kay Hades. Panay ang tawa ko sa mga mensahe nito. Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala ang binata.
“Trabaho ang ipinunta mo rito, hindi makipaglandian sa cellphone mo.” Galit ang boses nitong wika sa akin. Napatitig tuloy ako sa mukha nito. Madilim ang mukha niya at umiigting ang panga.
What the hell is his problem? Hindi na ako nakapagsalita nang talikuran ako ni Hades. Menopausal idiot. Tsk.