NAPATIGIL si Shea sa paglalakad nang makitang papasalubong sa kanya si Arianne sa lobby ng kompanyang pinagta-trabahuhan nila.
Tumigil ito sa harapan niya, nasa mukha ang pagtataka. “Aalis ka? Nag-tanghalian ka na ba?” tanong nito.
Nginitian niya ito. “May meeting ako with an investor, doon na rin siguro ako magla-lunch,” sagot niya. Ngayon nga naka-set ang meeting niya sa investor na si Mr. Diehl at kanina pa siyang umaga kabadong-kabado. Ilang beses niya na ring binasa ang proposal ng kompanya nila dito at maging ang mga kailangan niyang sabihin para pumayag itong mag-invest sa Global Wiring Controls. Sana nga lang ay magawa niya ng ayos ang trabaho niya.
“Bakit ikaw ang makikipag-usap sa kanya? Bakit hindi si Sir Tom?” patuloy na pagtatanong ni Arianne. “Hindi ka ba niya sasamahan?”
Bahagya siyang natigilan. “W-Wala pa kasi siya sa opisina,” aniya.
Napabuga ito ng hangin at napailing, nasa mukha nito ang pagkainis. “Palagi na lang ba ikaw ang gagawa ng mga trabaho niya? Hindi naman porke’t siya ang may-ari nito ay wala na siyang ginagawa. Ilang oras lang ba ang nilalagi niya dito sa opisina?”
Bumuntong-hininga siya. “Siguro naman may mga kailangan din siyang gawin sa labas,” pagtatanggol niya pa sa nobyo. Matagal niya na ring napapansin na parang madalas na itong pawala-wala sa trabaho. Pakiramdam niya rin ay parang palagi itong may ibang iniintindi kaya hindi na nagagawa ng ayos ang trabaho nito sa opisina. “Ayos lang naman ako, kaya ko namang gawin ito.”
Tumango-tango na lang ito. “Mag-iingat ka na lang at kumain ka ng tanghalian, ipinagbilin ka sa akin ng Nanay mo,” paalala pa nito.
Tumango siya at nagpaalam na dito. Pagkalabas niya ng building ay agad na siyang nag-commute patungo sa isang restaurant kung saan siya makikipagkita sa investor na iyon. Hindi naman nagtagal ay nakarating na siya sa isang high-class restaurant na iyon. Inayos niya muna ang sarili at humugot ng malalim na hininga.
Hindi niya alam kung bakit sobra-sobra siyang kinakabahan ng mga oras na iyon. Sanay na naman siyang humarap sa mga meetings na ganito, ah? Nang masiguro niyang ayos na ang sarili ay humakbang na siya papasok sa loob. Agad siyang sinalubong ng isa sa mga waiters doon at magalang na bumati.
“Nandito na ba si Mr. Spencer Diehl?” tanong niya sa waiter.
Ngumiti ito at tumango. “Yes, ma’am, kanina pa po niya kayong hinihintay,” nakangiting sagot nito. “Sundan niyo lang po ako.”
Tumango siya at sumunod dito. Pakiramdam niya ay may naghahabulang mga daga sa puso niya nang mga oras na iyon. Dinala siya nito patungo sa isang table sa kasulukang bahagi ng restaurant na iyon. Agad niyang nakita ang isang lalaking nakatalikod ng upo sa kanya. Nakasuot ito ng itim na suit.
“Sir, nandito na po ang hinihintay niyo,” wika ng waiter sa lalaki bago agad na nagpaalam.
Dahan-dahan siyang lumapit sa lalaki at ganoon na lang ang pagkagulat niya nang mamukhaan ito. Pakiramdam niya ay umikot ang buong paligid niya, bahagya pa siyang nawalan ng balanse, mabuti na lang at agad itong nakatayo para hawakan siya sa braso. The feel of his hands on her arms sent tingling waves of electricity all over her whole being. Inayos niya ang pagkakatayo at binawi ang braso nito na hawak nito.
“Are you okay?” tanong nito, nasa tono ang pag-aalala.
Her heart was still hammering in her chest. Anong ginagawa nito dito? Bakit kailangang ang lalaking ito pa ang makaharap niya ngayon. Spencer Diehl. Hindi niya inaasahan na ang Spencer nga na iyon ang makikita niya.
“Have a seat,” sabi pa nito.
Hinakot niya ang natitirang lakas at sumunod dito. Naupo siya sa tapat nito, hindi pa rin niya magawang tingnan ito. Mahigit tatlong taon na simula nang huli niya itong makita sa condominium unit nitong iyon. Bakit nagpakita pa ito ngayon?! Bakit?!
Gusto niya nang tumayo at lumabas ng restaurant na iyon. Gusto niyang tumungo sa isang lugar kung saan maaari niyang ibuhos ang lahat ng emosyong nararamdaman. Pero hindi puwede. Hindi puwede!
“Shea…”
Bigla siyang napatingin dito. Hindi niya rin napaghandaan ang biglaang pagtalon ng puso niya sa ginawa nitong pagtawag sa pangalan niya. It had been three years since she heard his voice calling out her name while taking her. Natigilan siya sa naisip. Bakit niya ba ibinabalik sa alaala ang mga bagay na dapat ay kinakalimutan niya na? Mariin niyang ikinuyom ang kamao. Stop it, Shea. Act like normal. Huwag mong ipakita na hindi ka para rin nakakaalis sa alaala ng nakaraan niyo.
“Naaalala mo pa ba ako?” tanong pa ni Spencer.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at iniiwas ang tingin dito. Paano niya ito makakalimutan? He gave her memories she could never forget, na kahit anong pilit niyang kalimutan at ibaon sa isipan ay hindi niya magawa. Ang nag-iisang lalaki na nakatatak sa puso at isipan niya simula nang una niya pa itong makilala. Paano niya ito makakalimutan?
Narinig niya ang pagtawa nito. “Mukhang nakalimutan mo na nga ako,” dugtong pa nito.
Muli siyang napatingin dito. She suddenly felt butterflies in her stomach at the sight of him smiling. Bakit ba siya nagkakaganito? Bakit ganito na naman ang nararamdaman niya sa harap ng lalaking ito. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago naisipang sagutin ito. “H-Hindi ko alam n-na ikaw pala ang… ang Spencer na makikita ko ngayon,” nauutal na wika niya, her heart still racing.
Tumingin ito sa kanya. Direktang nagtama ang mga mata nila pero agad din siyang nagyuko. His blue eyes were still very mesmerizing; it never failed to havoc all her senses. “Kumusta ka na?” narinig niyang tanong nito.
Ilang beses siyang lumunok bago sumagot, nararamdaman niya na ang pamamawis ng mga palad niya. Bakit ba siya kinakabahan sa harap nito? “A-Ayos lang naman.”
“Kumusta na ang kapatid mo?” patuloy na pagtatanong nito.
“Maayos na siya,” maikling tugon niya.
Tumikhim ito. “Masaya ako na nakita muli kita,” anito.
Bigla siyang napa-angat ng tingin dito. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito kaya sobrang bilis ng t***k ng puso niya, lalong-lalo na pagkakita sa kaseryosohang nasa asul na mga mata nito. Hindi! Hindi dapat siya nakakaramdam ng ganito. Hindi ito tama.
Inilipat niya ang tingin sa kanina pang hawak na mga folders at ipinatong iyon sa mesa. “D-Dapat na siguro nating simulan ang meeting na ito,” pinilit niyang patatagin ang sariling boses, sana ay hindi nito mapansin ang kabang nararamdaman niya.
“Mag-tanghalian muna tayo,” sabi pa nito. “Hindi pa ako nanananghalian at mukhang hindi ka pa rin kumakain.”
Napatingin siya dito. She felt conscious of herself all of a sudden. Masyado na ba siyang nangayayat ngayon dahil hindi siya masyadong nagkakakain? Sana naman ay hindi ganoon kasama ang itsura niya ngayon. Natigilan siya. Bakit ba siya nag-aalala sa bagay na iyon? Gusto niyang pagalitan ang sarili sa lahat ng mga pumapasok sa isipan niya ngayong kaharap niya ang lalaking ito. Hindi naman siya ganito kay Tom, ah?
Narinig niya nang tawagin nito ang waiter at um-order ng makakain nila. Nanatili lang siyang tahimik at nakayuko. Kahit kanina niya pa gustong pagmasdan ng matagal ang itsura nito ay hindi niya magawa. Kahit gusto niya itong kumustahin ay natatakot siya sa mga maaaring isagot nito. Natatakot siya na baka marami nang nangyari sa buhay nito nitong nakaraang tatlong taon. Baka nga may asawa na ito, nasa edad na ito para doon.
Pakiramdam niya ay may bumarang tinik sa lalamunan niya sa kaisipang iyon kaya inabot niya ang baso ng tubig na nasa mesa at nilagok iyong lahat. Bahagya naman niyong napawi ang sakit at kabang nasa puso niya.
“Nasaan nga pala si Mr. De la Cruz?” tukoy ni Spencer kay Tom.
Pinilit niya ang sariling tumingin dito. Kailangan niyang maging propesyonal sa trabaho, hindi niya dapat isinasama ang personal na bagay at damdamin niya. “W-Wala siya sa opisina kanina,” sagot niya. “Baka… baka may inaasikaso sa ibang lugar.”
Tumango-tango ito. “Boyfriend mo rin siya, hindi ba? He’s a nice guy, I think,” sabi pa nito.
Nagulat siya sa sinabi nito. “P-P-Paano mo… nalaman?”
Ngumiti ito. “Nakausap ko na siya minsan sa isang event na dinaluhan ko, nabanggit niyang nobya niya ang sekretarya niya,” sagot nito.
Napatango na lang siya at muling itinutok ang paningin sa folders na nasa mesa. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng kalungkutan sa kaalamang alam nito ang tungkol sa kanila ni Tom. Hanggang sa dumating ang pagkain nila ay wala nang namagitang usapan sa kanila. Pagkatapos ng tahimik na tanghalian ay sinimulan niya na ang pakikipag-usap dito ng tungkol sa trabaho.
Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil pautal-utal pa siya sa pagsasalita. Animo’y nawala ang lahat ng pinag-aralan niya simula pa nang nakaraang linggo. Bakit ba naman kasi hindi siya ne-nerbiyosin, eh, halos hindi na nito alisin ang pagkakatitig sa kanya? Napakabilis na rin ng pagtibok ng puso niya. “K-Kaya makakasigurado kang… h-hindi ka magsisisi sa pag-invest sa Global Wiring Controls,” pagtatapos niya.
Tumango-tango ito. “That’s a very good proposal,” anito. “Kaya lang gusto kong makita ang financial reports at status ng kompanya niyo.”
Natigilan siya. “F-Financial reports at status?” ulit niya sa sinabi nito.
Muli itong tumango. “It’s a must na makita ko ang financial reports at status ng isang kompanyang paglalagakan ko ng investment. I need to make sure na hindi bankrupt ang kompanyang iyon.”
Napatitig siya dito. He looked so professional while talking about work, hindi maikakaila na talagang napakalaking tao nito sa corporate world. Tumango siya. “S-Sige, kukunin ko kay Sir Tom at ipapadala sa’yo,” tugon na lang niya.