HALOS hilahin na ni Shea ang sarili papasok sa loob ng bahay nila nang gabing iyon. Pagod na pagod na siya – ang katawan, isip at maging puso niya. Pagkatapos ng meeting nila ni Spencer kaninang tanghalian ay inihatid siya nito pabalik sa kompanya nila sa kabila ng pagtanggi niya. Sa opisina naman ay napakaraming tambak na trabaho ang sumalubong sa kanya. Wala pa rin doon si Tom kaya hindi niya nasabi dito ang napag-usapan nila ni Spencer at nahingi ang mga kailangan ng lalaki.
“Anak, mukhang pagod na pagod ka, ha? Kumain ka na ba ng hapunan?” bungad na bati sa kanya ng Nanay Gemma niya.
“Opo, kumain na po ako sa opisina kanina, mabuti na lang at dinalhan ako ng makakain ni Arianne,” nginitian niya ito. “Nasaan po sina John at Philip?”
“Nandoon sa kuwarto nila at abala sa paglalaro sa playstation. Hinayaan ko na dahil nahahawakan lang naman nila ang mga iyon kapag wala na silang gawain sa eskuwelahan,” tumawa pa ito.
Tumango-tango siya. “Basta lagi niyo pong ipaalala sa kanila na huwag nilang pababayaan ang mga pag-aaral nila.”
“Hindi naman nila gagawin iyon, anak,” sagot ng ina. “Nakikita ko ang pagsisikap nilang pumasok araw-araw at paggawa ng mga gawain dito at sa eskuwelahan tuwing umuuwi sila.”
“Mabuti naman po kung ganoon,” aniya. “Sige po, Nay, magpapahinga na ako. Pagod na pagod na talaga ako dahil sa trabaho,” paalam niya dito at tumuloy na sa sariling kuwarto.
Pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili ay agad na siyang dumeretso ng higa sa ibabaw ng kama. Marami pa siyang kailangang basahing reports pero hindi pa kaya ng utak niyang mag-function ng ayos ng mga oras na iyon. Tumitig siya sa kisame at ilang ulit na napabuntong-hininga.
Muling nanumbalik sa isipan niya ang pangyayari kaninang tanghali – ang muli niyang pagkakita sa lalaking akala niya ay hindi niya na muling makakatagpo pa ng landas. She closed his eyes and recalled the image of him in her mind. Napaka-guwapo pa rin nito, parang mas lalo pang nadagdagan ang kaguwapuhang taglay nito sa pagdaan ng panahon.
She bit her lower lip as her mind wandered at the memories of their past. She could clearly remember him, his blue eyes that scorch deep inside her, his lips pressed to hers, his wonderful hands traveling all over her. She remembered him sweating on top of her, whispering her name as he rocked deep inside her. She remembered his lips and his teeth on her neck, making her go wild with passion.
“Spencer,” wala sa sariling banggit niya sa pangalan nito. Mabilis siyang nagmulat ng mga mata at napabalikwas ng bangon. Bakit niya ba ito iniisip? Bakit ba niya ibinabalik pa sa alaala ang nakaraang dapat ay ibinabaon niya na sa limot?
Marahas niyang ini-iling ang ulo. Hindi! Hindi niya dapat ito pinapapasok sa isipan niya! Posibleng may karelasyon na rin ito ngayon, baka nga may asawa na ito kaya hindi dapat siya mag-isip ng mga bagay na makakapagpagulo pa sa damdamin niya. Kailangang makita niya na lang ito bilang investor at wala nang iba, mukha namang hindi na rin nito naaalala ang nangyari sa kanila noon.
Napabuntong-hininga siya at muling bumalik sa pagkakahiga. Binalot ng hindi maipaliwanag na lungkot ang puso niya sa naisip. Nakalimutan na kaya talaga nito ang nangyari sa kanila noon? She curled on her bed and hugged her knees. Dapat niya nang tigilan ang kaiisip dito. Mapapagod lang ang puso at isipan niya.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at naramdaman ang pagdaloy ng mga luha sa mukha niya. Bakit ba kailangan pang magpakitang muli ng lalaking iyon? Bakit kailangang ibalik pa nito sa alaala niya ang alaala ng nakaraan nilang dalawa? Bakit kailangang guluhin pa nito ang nanahimik niyang buhay at damdamin? Hindi niya maunawaan kung bakit.