Episode 7.1

626 Words
MARAHANG kumatok si Shea sa pinto ng opisina ni Tom nang hapong iyon. Kanina pang nakarating ang lalaki dito subalit agad na itong dumeretso sa opisina nito. Binuksan niya ang pinto at agad na sumalubong sa kanya ang galit na boses ng nobyo. Nakatalikod ito ng tayo sa kanya. “Alam ko! Gumagawa naman ako ng paraan, hindi ba?! Hindi ko naman—” napatigil ito nang mapalingon sa kanya, nasa mukha ang matinding pagkagulat. Agad nitong tinapos ang tawag at pagalit na tumingin sa kanya. “Kanina ka pa nandito?” marahas na tanong nito. Umiling siya. “K-Kararating ko lang. Kumatok ako, hindi mo lang siguro narinig,” sagot niya. Napabuga ito ng hininga at umupo sa swivel chair nito. Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa nito. “M-May problema ba?” nag-aalangang tanong niya. Sino kaya ang kausap nito kanina at ganoon na lang ang galit nito? “Wala naman. Kausap ko lang iyong isang kliyente na ilang araw na akong pine-peste,” tila bale-walang tugon nito. Tumingin ito sa kanya. “May kailangan ka ba?” Ipinatong niya sa mesa nito ang mga folders na hawak. “Ito iyong mga reports na pina-summarize mo sa akin,” imporma niya. Tumango-tango lang ito pero hindi pinagtuunan ng pansin ang mga folders na iyon. “Siyanga pala,” pagpapatuloy niya. “Nakausap ko na iyong investor na tinutukoy mo noong isang araw. S-Si Mr. Diehl.” Napatingin ito sa kanya, may sumilay na interes sa mga mata nito. “Kumusta? Napapayag mo ba siya?” “H-Hindi pa,” sagot niya. “Pero nai-discuss ko na naman sa kanya ang proposal ng kompanya at nagustuhan niya. Kaya lang gusto niya daw muna makita ang financial reports at status ng kompanya bago siya mag-desisyon. Puwede ko bang makuha sa’yo ngayon iyon para maipadala ko na sa kanya?” Hindi niya napalampas ang pagdaan ng pagkagulat sa mga mata nito. Agad itong napayuko at inabot ang mga folders na ipinatong niya sa mesa nito kanina. “Hindi ko pa nakukuha sa accounting department ang mga reports na iyon,” anito. “Sabihin mo sa kanyang ako na ang magpapadala kapag naasikaso ko na.” Tumango na lang siya at akmang lalabas na nang opisina nito nang muli siya nitong tawagin. Lumingon siya dito at nakitang nakatingin na ito sa kanya. “Gawin mo ang lahat para mapapayag si Mr. Diehl na mag-invest sa kompanya, Shea. Kailangan nating mapalago ang Global Wiring Controls at isang malaking tulong ang pag-i-invest niya dito. He has produced best results in all of his businesses and is worth his weight in gold for the corporate world. Kailangang siya ang makuha nating investor kaya gawin mo ang lahat ng makakaya mo para mapapayag siya. Kung kailangang magmakaawa ay gawin mo.” Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Hindi niya ito maintindihan. Nararamdaman niya ang pagka-desperado sa tono nito. Ganoon na ba kalaki ang kagustuhan nitong mapa-expand ang kompanya kaya pati pagmamakaawa ay ipinagagawa nito sa kanya? Nakaramdam siya ng pagkainis sa utos nitong iyon. Gusto niya itong pagsalitaan ng kung ano pero pinigilan niya lang ang sarili. Kailangan niya itong sundin dahil boss niya ito. Wala na siyang nagawa kundi ang tumango at nagpaalam na dito. Pagkalabas niya ng opisina ay agad siyang dumeretso sa sariling mesa. Hindi pa rin mawala-wala ang pagtataka sa isipan niya. Malakas ang kutob niya na may itinatago sa kanya si Tom subalit hindi niya naman ito magagawang tanungin dahil alam niya ang ugali nito. Hindi ito ang taong nagsasabi ng problema nito dahil hindi nito gusto ang napapahiya. Napabuntong-hininga siya at inalis na ang bagay na iyon sa isipan. Sobrang dami ng stress ang dumadating sa kanya ngayong linggo at ayaw niya nang dagdagan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD