Episode 7.2

1556 Words
INAYOS muna ni Shea ang sariling buhok at ang pagkakalapat ng office uniform sa katawan niya bago pumasok sa loob ng de Angelo Hotel and Restaurant kung saan may panibagong meeting siya kasama si Spencer. Kahit pilit niyang pinapatigil ang mabilis na pagtibok ng puso habang naglalakad ay hindi niya magawa. Ilang araw na rin simula nang huli silang magkita. Ngayon lang siya nagkalakas muli ng loob na tawagan ito at mag-set ng meeting para mag-discuss ng iba pang mga bagay patungkol sa kompanyang pinagta-trabahuhan niya. Ilang gabi niya rin sinaulo ang mga sasabihin at nagdadasal siya na sana ay hindi na siya mautal sa harap nito. “Shea!” Awtomatikong napatigil ang mga paa niya sa paghakbang nang marinig ang boses na iyong tumawag sa kanya. Bumilis na rin ang t***k ng puso niya. Napatingin siya sa pinagmulan ng tinig at nakita ang nakangiting mukha ni Spencer, nasa isa itong table doon at kumakaway sa kanya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago lumakad palapit sa mesa nito. Nakasuot ito ng light gray long-sleeved shirt at pantalon. Naupo siya sa katapat nitong silya at sinubukang huwag maipakita dito ang kabang nararamdaman. Bago sila magsimula ay um-order muna ito ng makakain nila. “Dala mo na ba ang mga hinihingi ko?” tanong nito sa kanya nang makaalis ang waiter para kumuha ng order nila. Napatingin siya dito. “Nakausap ko na si Tom tungkol diyan at sinabi niyang ipapadala niya daw sa’yo once na maasikaso niya na.” Tumango ito. “Kung ganoon, anong pag-uusapan natin ngayon?” tanong pa nito. Bahagya siyang natigilan. “Ah… m-may mga kailangan pa akong idagdag na—” napahinto siya nang makita ang pagmasahe nito sa noo. “N-Naaabala ba kita?” nag-aalalang tanong niya. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “Hindi naman,” tugon nito. “Sige, magsimula ka na sa kailangan mong i-discuss. Makikinig lang ako.” Tinitigan niya ang lalaki, mukhang pagod na pagod ito. Iniabot niya na lang dito ang mga folders na dala. “Ayoko nang matagalan pa tayo,” aniya. “Basahin mo na lang ito, nandiyan na rin naman lahat ng mga nais kong sabihin,” ngumiti siya. “Mukhang kailangan mo nang magpahinga.” He stared at her for while. “Ayos lang ako, Shea,” sabi nito. “Kumain muna tayo,” may nahimigan siyang pagmamakaawa sa tono nito. Tumango na lang siya. Muli na namang bumalot ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa dumating na ang mga order nila. Habang kumakain ay napatingin siya sa labas ng restaurant na iyon at nakitang sobrang lakas ng ulan sa labas. Lihim siyang napabuntong-hininga. Wala pa naman siyang dalang payong. Bakit ba biglaan na lang sumasama ang panahon ngayon? Muli siyang nag-angat ng tingin kay Spencer at napansing nakatitig lang ito sa kanya sa halip na kumakain. Muli na naman siyang nakaramdam ng consciousness sa harap nito. Umayos siya ng upo at nag-isip ng maaaring pag-usapan para lamang maalis ang pagkailang na nararamdaman. “B-Bakit ka nga pala nandito sa Davao?” naisipan niyang itanong. Ngumiti ito. “I’m on vacation leave,” sagot nito. “Actually, sa hotel na ito ako ngayon nag-i-stay.” Tumango-tango siya. “Hindi ko alam na ikaw pala ang may-ari ng Skyway Global Group of Companies,” napailing pa siya. Hindi niya talaga inaasahan na ganoon pala kalaking tao ang lalaking ito. “Ikaw ba ang bumuo sa kompanyang iyon?” “No,” itinutok nito ang paningin sa pagkain. “Ibinigay lang sa akin ni Papa ang pamumuno noon simula nang makatapos ako sa kolehiyo. He wants to focus on his other businesses, including his publishing company.” “Kasama mo ba ang mga magulang mo sa New York?” patuloy na pagtatanong niya. Sa pagkaka-alam niya kasi ay sa New York City ito naglalagi nitong nakaraang mga taon, galing iyon sa nabasa niyang impormasyon patungkol dito mula sa investors list. “Hindi,” mabilis na tugon nito. “Ang huling pagkakaalam ko ay sa Cambridge, England nag-i-stay si Papa. Wala na rin naman akong pakialam kung saan man sila naroroon,” malamig na dagdag nito. Napatitig siya dito. Pakiramdam niya ay parang hindi nito gustong pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. Gusto niyang magtanong pero hindi niya gustong magmukhang pakialamera. Ibinalik niya na lang ang pansin sa pagkain. Ngayon niya lang napagtanto na wala talaga siyang gaanong alam patungkol sa lalaking ito. At muli niya na namang nararamdaman ang kagustuhang makilala pa ito. Gusto niya itong lubos na makilala. Gusto niyang malaman ang kuwento ng buhay nito. Gusto niyang malaman ang mga nararamdaman nito. May parte ng puso niya ang nais na mapalapit dito. Pero bakit? Dahil ba noon pa man ay ganoon na rin ang gusto niya subalit hindi niya nagawa? Ngayon ay may pagkakataon na ulit siya, pipigilan niya na naman ba ang sariling tuluyang kilalanin ang lalaking ito? Throughout the whole meal ay wala silang naging usapan ni Spencer. Pagkatapos ay nagpaalam na rin siya dito. Hindi niya na rin kasi nagugustuhan ang nakakailang na katahimikan. Nang tumayo siya ay tumayo rin ito. “Ihahatid na kita sa labas,” alok nito. Hindi na siya sumagot at naglakad na palabas ng hotel na iyon. Subalit napakalakas pa rin ng ulan sa labas at mukhang hindi pa agad iyon titila. “Mukhang mahihirapan kang humanap ng masasakyan ngayon,” wika ni Spencer sa tabi niya. “Kukunin ko lang ang sasakyan ko at ihahatid na kita sa inyo.” Hahakbang na sana ito pero mabilis niyang napigilan ang braso nito. Natigilan siya nang maramdaman ang sobrang init na nagmumula sa katawan nito. Hindi iyon normal. Lumapit siya dito. “May sakit ka ba?” nag-aalalang tanong niya. Kaya ba ito ganoon kanina ay dahil masama ang pakiramdam nito? Nag-iwas ito ng tingin. “W-Wala ito, Shea. Hindi—” napatigil ito nang salatin niya ang noo nito. Napakataas na ng lagnat nito! Naiinis niya itong hinampas sa dibdib. “Bakit hindi mo sinabing nilalagnat ka?!” hindi niya napigilang pagalit dito. “At ngayon balak mo pa akong ihatid? Gusto mo ba talagang—” Siya naman ang natigilan nang haplusin nito ang pisngi niya. Her heart thudded in her chest wildly. Kasabay niyon ang malakas na pagkulog na naririnig niya. “You look so beautiful when mad,” sabi nito, medyo may kahinaan na ang tinig nito. Tiningnan niya ito ng masama. Nagagawa pa nitong mambola ng mga oras na ito? “Magpahinga ka na, Spencer,” utos niya dito. Muli siyang tumingin sa loob ng hotel. “Saan ba dito ang hotel room mo?” lakas loob na tanong niya. Nang hindi ito sumagot ay muli siyang nagbalik ng tingin dito. Nakatitig lang ito sa kanya. “Ihahatid na kita pauwi,” sabi pa nito. Hindi niya na ito pinansin at hinila papasok sa loob ng hotel na iyon. Hindi maaaring matagalan pa ito sa labas. Dumeretso na sila sa elevator at muli niyang itinanong dito ang hotel room nito. Laking pasasalamat niya nang sabihin nito iyon sa kanya. Hanggang sa makarating sila sa hotel room na iyon ay hindi niya pa rin pinapakawalan ang braso nito. Hindi niya alam kung bakit niya ito ginagawa para sa lalaking ito. Hindi niya lang ito magawang iwanan sa ganitong kalagayan, wala na siyang pakialam sa iba pang mga bagay. “Humiga ka na sa kama para makapagpahinga ka na,” utos niya pa dito. Ngumiti si Spencer at naupo sa ibabaw ng kama. “Anong gagawin natin dito?” pilyong tanong nito. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Ganyan ka na nga, nagagawa mo pang magbiro?” patuloy na pagalit niya dito. “Sinabi ko na sa’yo, ayos lang ako,” sabi pa nito pero nahiga rin naman sa kama para sumunod sa kanya. “Iinom lang ako ng gamot at wala na ito maya-maya.” Ipinatong niya sa isang mesang naroroon ang mga dalang folders at shoulder bag. “Nasaan ang mga gamot na sinasabi mo?” “B-Bibili pa lang sana ako,” sagot nito. Napailing siya at naiinis na tiningnan ito. Agad din namang nawala ang pagkainis niya nang makitang nakapikit na ito. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama at pinagmasdan ang lalaki. Muli niyang sinalat ang noo nito at napabuntong-hininga. Napaka-init pa rin nito. Nagmulat ito ng mga mata at sinalubong ang tingin niya. Muli na namang nagkabuhol-buhol ang pagtibok ng puso niya, lalo na nang hawakan nito ang kamay niyang nasa noo nito. “Dito ka ba matutulog?” bulong nito. Natigilan siya sa tanong nito. Dito matutulog? Kasama nito? Memories of the very first time she slept with him came rushing in her mind, at hindi lang basta simpleng pagtulog ang ginawa nila. Iniiwas niya ang tingin dito dahil hindi niya gustong makita nito ang pamumula ng mukha niya. Marahan niyang binawi ang kamay na hawak nito. “B-B-Bababa lang ako para b-bumili ng gamot mo,” nauutal na wika niya. “M-Magpahinga ka na muna,” pagkasabi niyon ay nagmamadali na siyang tumalikod at lumabas ng hotel room na iyon. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa mga ginagawa niya. Bakit ba hindi na gumagana ng tama ang isipan niya tuwing kasama ang lalaking iyon? Naiinis niyang ginulo ang sariling buhok at nagma-martsang naglakad patungo sa elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD