Episode 7.3

543 Words
MAINGAT na naupo si Shea sa kama na kinahihigaan ni Spencer at marahang pinunasan ng basang towel ang noo nito. Katatapos niya lang itong painumin ng gamot at ipinagdarasal niya na sana ay gumaling na kaagad ito. Napatigil siya sa pagpupunas nang makita ang pagmulat nito. Tumingin ito sa kanya at marahang itinaas ang isang kamay para ayusin ang buhok niyang nakaharang sa mukha niya. “Thank you,” he murmured, his voice still weak. “For staying here.” Nginitian niya ito. “Magpahinga ka na,” mahinang sabi niya. Tumango ito at marahang tinapik ang kama. “Lay down here. Magpahinga ka na rin.” Wala siyang nagawa kundi ang sundin ito. Ibinalik niya muna ang towel sa bowl na may tubig na nasa bedside table bago nahiga sa tabi nito. Sinubukan niyang maglagay ng disenteng distansya sa pagitan nila. Inabot niya ang kumot at kinumutan ito. Alam niyang nilalamig ito, hindi lang nito magawang sabihin. Bumuntong-hininga ito at tumagilid ng higa para mapaharap sa kanya. “Hindi ka ba hahanapin sa inyo?” tanong nito. “Tinawagan ko si Inay kanina,” sabi niya. Habang bumibili siya sa pharmacy ng gamot kanina ay tinawagan niya ang Nanay Gemma niya para sabihing hindi siya makakauwi ngayon. Nagdahilan na lang siya na nag-overtime siya sa opisina. Sana lang ay hindi nito tawagan si Arianne o si Tom para siguraduhin ang bagay na iyon. Mahabang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. Nanatili lang na nakayuko ang ulo niya dahil ayaw niyang salubungin ang titig nito. Hindi niya gustong makita nito ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. She felt happy at that time pero hindi niya maunawaan kung anong rason. Pakiramdam niya lang ay napakagaan ng damdamin niya habang nakakulong sa kuwartong ito kasama ang lalaking ito. Tumikhim muna siya bago muling nagtanong. “B-Bakit nga pala mag-isa ka lang na nagbabakasyon?” kinagat niya ang pang-ibabang labi. “W-Wala ka bang girlfriend? O asawa?” Nang wala siyang marinig na pagtugon mula dito ay nakaramdam na siya ng kaba. Mali ba ang tanong niya? Bakit niya ba kasi itinanong iyon? Bakit niya ba pinapakialaman ang personal nitong buhay? “P-Pasensiya ka na kung—” napatigil siya nang mapatingin dito at nakitang himbing na ito sa pagtulog. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi habang nakatitig dito. She missed seeing his sleeping face like this. Ang una at huling beses na nakita niya itong ganito ay noong umagang nagising siya sa condominium unit nito. Ang araw kung saan tuluyan nang nagbago ang buhay niya. Kahit gusto niya pa noong manatili sa tabi nito ay hindi niya nagawa, hindi maaari. Dahan-dahan siyang umisod palapit dito. Gusto niyang maramdaman ang init nito kahit sa ganitong paraan. Ipinikit niya ang mga mata at nilanghap ang mabangong amoy nitong hindi nagbago sa pagdaan ng tatlong taong iyon. He was still that Spencer she met that memorable night. That Spencer who had given her lots of memories she couldn’t forget. Kung puwede nga lang na manatili siya sa lugar na ito kasama ito sa loob ng mahabang panahon, subalit alam niyang hindi puwede. Dahil kinabukasan paggising nila ay siguradong kailangan niya ring umalis at bumalik sa tunay na takbo ng buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD