Episode 5.2

356 Words
“NARINIG kong magkakaroon daw tayo ng team building at company outing, ah?” wika ni Arianne kay Shea habang kumakain sila ng early dinner sa isang restaurant malapit sa building ng kompanyang pinagta-trabahuhan nila. Niyaya niya na itong kumain doon dahil hindi niya na talaga matiis ang gutom. Si Arianne ay isa sa mga empleyadong nagta-trabaho din sa Global Wiring Controls. Naging matalik niya na itong kaibigan simula pa nang pumasok siya sa kompanyang iyon. Ito lang ang nakaka-kuwentuhan niya at nakakasabay sa pag-uwi. Napatingin siya sa kaibigan. “Siguro nga, oras na rin naman para sa mga events na iyon,” tugon niya at nagpatuloy sa pagkain. “Kumusta na nga pala kayo ni Sir Tom?” tanong pa nito. “Ayos lang naman,” sagot niya habang ang buong pansin ay nasa pagkain. “Palagi na lang ganyan ang sagot mo kapag patungkol diyan sa nobyo mo,” napailing ito. “Mahal mo ba talaga siya, Shea?” Napatingin siya dito at napabuntong-hininga. “H-Hindi,” pag-amin niya. “Pero pinipilit ko naman.” “Hindi ipinipilit ang pagmamahal, Shea. Kusa iyong nararamdaman,” napabuntong-hininga na rin ito. “Bakit ka ba nagtitiyaga sa kanya? May nangyari na ba sa inyo?” patuloy na pang-uusisa nito. Mabilis siyang napailing. “Wala,” mariing sagot niya. Kahit nga simpleng halik ay hindi niya pinapayagan ang nobyong ibigay sa kanya. Hindi niya alam kung bakit. “So wala ka pang experience, ganoon?” Natigilan siya sa tanong nito. Hindi niya magawang sagutin iyon. Ipinikit niya ang mga mata para patigilin ang pagdaloy ng alaala ng isang parte ng nakaraan niyang pilit niya nang kinakalimutan. Mabilis siyang napatayo, sobrang bilis na ng t***k ng puso niya at pilit niya iyong pinapatigil. Nagtatakang napatingin sa kanya si Arianne. “M-May problema ba?” tanong nito. “K-Kailangan ko na palang umuwi,” sagot niya. “M-Marami pa akong dapat tapusing trabaho. Tara na,” pagkasabi niyon ay tinawag niya na ang waiter doon at nagbayad. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na siyang lumabas. Nakasunod lang naman sa kanya si Arianne, laking pasasalamat niya dahil hindi na ito muling nagsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD